Chapter 33B
Anghel ni Seulgi
"K-kaya ko namang umuwi mag-isa."
"No, Joo. Last time na nagkaganyan ka halos mabaliw si Seulgi sa kakahanap sa'yo. Ihahatid ka namin ni Wendy."
Parang walang narinig si Joohyun dahil hindi niya naman pinansin yung sinabi ni Joy.
"Joy, di ko kakayaning mawala si Seulgi." bakas sa mga mata ni Joohyun ang takot sa nalalapit na gagawin niya.
"Kailangan mo na ba talagang gawin? Baka may mahanap pa tayong makakatulong sa atin? Si Seulgi baka may magawa pa siyang paraan."
"Paguusapan namin ni Seulgi pero ayaw ko na siyang pahirapan pa. Tama na yung mga sinakripsyo niya para sa akin."
"May negosyo naman pamilya niya, Joo. I'm sure matutulungan kayo ng parents niya."
"Problema ko 'to, Joy. Hindi dapat nadadamay si Seulgi lalo na ang pamilya niya."
Di rin nagtagal ay dumating na si Wendy na takang taka sa bagong iyak na itsura ng kaibigan pagdating niya.
"Lalab, anong nangyari?" bulong niya kay Joy.
Sinenyasan lang siya ng girlfriend para di na magtanong pa.
Pagkahatid nila kay Joohyun sa bahay di na napigilan ni Wendy magtanong kaya ikinwento na ni Joy yung buong kwento.
"Tangina, kawawa naman yung dalawa. Lalab, pahiram muna natin sa kanila savings ko tsaka yung sa'yo." suggestion ni Wendy.
"Love, kahit na pagsamahin pa natin lahat ng ipon natin pati ipon ng dalawa di pa rin kakasya. Major surgery plus long term medication ang kailangan ni Tita Eula."
"Tapos walang kaalam-alam yung tropa ko. Medyo mali si Joohyun dun."
"Alam ko may mali dun si Joohyun pero wala na tayong magagawa. Ang sabi niya kakausapin niya si Seulgi. Sana maging okay ang ending nito."
1 new message from My love
My love: mahal, nasan ka? Dumaan ako kanina sa inyo wala ka dun. Nagdala ako ng carrot cake galing sa cafe.
Comments