Chapter 64

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

First year sa Med School. 


Hindi inasahan ni Joohyun na ganun lang kabilis lilipas ang unang taon niya as a med student. Maling akala lang pala yung inaalala niyang mawawalan siya ng oras para kay Seulgi. Kaya naman palang daanin sa proper time management, nakakapag-date pa sila at least once a month. Depende na lang kung nagkakaroon ng extra hours ang girlfriend niya sa training center.

 

 

 

 

"Mahal, luma na 'tong calculator mo ah? Gumagana pa ba?" tanong ni Seulgi. Nasa balcony sila ng unit, doon kasi pinili ni Joohyun mag-aral para makasagap ng sariwang hangin.


"Working pa naman, mahal." Joohyun answered without sparing her girlfriend a glance. Abala siya sa pagre-review dahil bukod sa presentation niya bukas sa subsection nila ay pinaghahandaan niya rin ang mga pop quizzes na binibigay ng mga professors nila.


"Baka kasi biglang masira yan kung kailan kailangan mo na. Yan pa ba yung calcu mo nung college?"


"Yup, ito nga yun. Okay pa naman kaya di na ako bumili ng bago."


Tumayo si Seulgi at nagtungo sa kusina. Pagbalik niya ay may bitbit na siyang cut fruits at tubig. Tahimik lang niya itong inilagay sa tabi ni Joohyun pero ilang minuto ang nakalipas at hindi pa rin nagagalaw ng girlfriend ang meriendang hinanda niya.


"Mahal... snack break muna." paala ni Seulgi.


Joohyun looked up from the book she's reading para tignan ang girlfriend. Nang magtagpo ang tingin nilang dalawa ay tinuro ni Seulgi yung mga prutas sa tabi ng mga papel at libro niya.


"Subo please." pacute na sabi ni Joohyun sabay yakap kay Seulgi.


"Paano susubuan kung nakasiksik ka sa'kin ng ganyan?" natatawang tanong niya sa girlfriend.


"I don't know. Gawan mo paraan." malambing na sagot ni Joohyun.


"Bakit ang cute mo maglambing, ah?" hinawakan ni Seulgi ang pisngi ni Joohyun at dahan-dahan itong inangat. She kissed Joohyun's nose to distract her. Succesful si Seulgi dahil napapikit ang girlfriend niya kaya't nagkaroon siya ng pagkakataon para tumusok sa bowl of fruits sa table.


Nag-anticipate ng halik sa lips si Joohyun pero nung wala siyang nakuha ay iminulat niya ang isang mata para sumilip. Isang malokong ngiti ni Seulgi ang bumungad sa kaniya.


"Aaah." sabi ni Seulgi habang sinusubukang subuan si Joohyun ng hiwang watermelon.


"You tricked me."


"Sabi mo gawan ko ng paraan." Seulgi chuckled. "Kanina ka pa nag-aaral di ka ba nagugutom?" inantay niyang maubos ni Joohyun ang nginunguya. "Kain ka pa." akmang susubuan ulit niya ang girlfriend pero umiling ito.


"Ayaw mo na?" tanong ni Seulgi.


"Isang subo, isang kiss." pacute na sabi ni Joohyun.


"Haha ikaw Miss Bae ah. Tsansing yan." sagot ni Seulgi pero nilapit na niya ang mukha kay Joohyun. "One..." halik sa pisngi. "two..." halik sa ilong "three..." halik sa labi. "Okay na?" 


"Isa pa." Joohyun cupped Seulgi's face with her hands and gave her a quick peck. Pagtapos ay kinuha na niya yung tinidor na hawak ni Seulgi at kumain ng ilang pirasong apple at watermelon. She went back to reading after filling her tummy. 


She needed that short break. Wala na kasing nare-retain sa utak niya kahit kanina pa siya nagbabasa at thankful siya kay Seulgi sa pagi-insist na magpahinga muna siya sa kakaaral. Ngayon, mas naa-absorb na niya ang mga binabasa niya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 


"Nayeon!" tawag ni Joohyun sa kaibigan.


Nilingon ni Nayeon si Joohyun at sinenyasang hinaan ang boses. Baka kasi marinig silang dalawa ng professor nila at palabasin sila sa kwarto. Exam day nila at ngayon napili ng ancient calculator ni Joohyun na umeksena. Bumigay na ito mula sa mahabang serbisyo.


"Pahiram ng calculator." bulong ni Joohyun. Nagpapanic na siya dahil pag umabot sa kaniya yung ipinapasang test papers mula sa harapan, hindi na niya makukuha yung hinihiram na calculator kay Nayeon.


"Ha? Teka ito." nagmadaling i-abot ni Nayeon kay Joohyun yung extra calculator niya. Mabuti na lang at may pagka-OC siya kaya lagi siyang may bitbit na extra ng ilang gamit niya.


Nakahinga ng maluwag si Joohyun nang maiabot na sa kaniya ang calculator.

 

 

 

 

"Joohyun, sabi ko sa'yo bumili ka na ng bago eh. Di na kaya ng pukpok-ihip technique mo yang calcu mo." sabi ni Nayeon sa kaniya.


"Mukhang ganun na nga. Buti na lang oc-oc ka pano kung hindi." natatawang sagot ni Joohyun.


"Hiramin mo muna yang extra ko hangga't di ka pa nakakabili."


"Thanks friend." sa isang taong pinagsamahan nila ni Nayeon, naikwento na niya ang tungkol sa kanila ni Seulgi. Alam ng kaibigan niya na sinusubukan nilang magtipid para masustentuhan ang paga-aral niya. 


Sapat naman ang pera nila ni Seulgi hanggang sa ikatlong taon niya sa med school pero umaandar ang pagiging matipid ni Joohyun sa tuwing may dapat silang pagkagastusan. Hindi man sabihin ni Seulgi, alam ni Joohyun na hindi madali ang ginagawa nitong pag-jujuggle ng oras sa dalawang trabaho at sa pag-aasikaso sa kaniya. 


Kaya hangga't kayang makatipid, magtitipd si Joohyun. Sinubukan niyang maghanap ng part-time job gaya ng dati niyang ginawa noong college pero hindi sumang-ayon si Seulgi. 


Matinding paguusap ang ginawa nila bago mapagdesisyunang mag-focus na lang siya sa pagaaral. 


"Mahal, mas okay kung focus ka na lang sa pagaaral para makatapos ka on time. Mahirap pagsabayin ang trabaho at med school. May pera naman tayo, kaya lang ako nagdoble ng trabaho para ma-secure yung future natin."


Nag-isip muna siyang mabuti bago mag-agree sa sinabi ni Seulgi. Valid naman lahat ng argument ng girlfriend niya kaya nauwi sila sa maayos na pagdedesisyon. 

 

 

 


Ilang beses nang sinabihan ni Seulgi si Joohyun na bumili ng bagong calculator at ng iba pang gamit sa school pero hindi ito nagpatinag.


Bilang respeto sa kagustuhan ni Joohyun, hindi na namilit pa si Seulgi.


Nagbago lang ang isip niya nang mapansin niya ang estado ng calculator ni Joohyun pagkahawak niya dito nung nagrereview sa may balcony ang girlfriend.


Marami nang gasgas at malabo na ang screen nito, hindi na rin practical na nakailang palit na sila ng battery pero pa-hinto hinto pa rin ito sa pagandar.

 

 

 


"Tol, labas lang ako saglit." sabi ni Seulgi kay Lisa.


"Break time na 'tol. Saan ka pupunta?" 8PM, pagtingin ni Lisa sa relo niya.


"Hahabol sa closing ng mall. May bibilin lang."


"Di ka kakain? Yan ka na naman susumbong kita kay Joohyun."


"Saglit lang ako. Sa ECG naman ako stationed ngayon kaya walang gaanong patients. May time akong kumain mamaya."


"Ano bang bibilin mo? Siguraduhin mo lang na kakain ka mamaya ah. Gabi na, sarado ang infirmary. Sa E.R. ang bagsak mo niyan kapag sumama na naman pakiramdam mo." paalala ni Lisa.


"Oo nga promise. Basta wag mo sasabihin kay Joohyun ah." sagot ni Seulgi bago siya nagmadaling lumabas ng diag center.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

1 new message from My love

My love: Hi, miss marilag. Nag-dinner ka na?


Agad kinuha ni Joohyun ang phone niya nang marinig ang tunog nito. Napangiti siya dahil kanina pa niya inaantay mag-message si Seulgi.


girlfriend: Hi, mahal. done na po. How about you? Naubos mo baon mo?


My love: nag-sandwich lang ako, mahal. Hehe


Pagkabasa ni Joohyun ng reply ng girlfriend ay tinawagan niya ito.


"Hiiiii! Miss mo na ko?" malokong sabi ni Seulgi pagkasagot niya ng tawag.


"Bakit di mo kinain yung pinabaon ko sa'yo?" tanong ni Joohyun. Obviously not happy sa balita ni Seulgi.

 

Tsaka lang na-realize ni Seulgi yung mali sa sinabi niya.


"Mahaaal...kakainin ko mamaya yun pag nag 15 min break ako. Lumabas kasi ako kanina may binili lang."


"Seulgi, naman eh. Pano kung sumama na naman pakiramdam mo tapos wala ako diyan."


"Hala Seulgi na lang tawag sa'kin. Wag ka na magalit, mahal. Nag-sandwich naman ako."


"Wag mo na ulitin next time, ah?" ayaw na makipagtalo ni Joohyun at para hindi na humaba pa.


"Opo, sorry. Kakainin ko mamaya talaga."


"Okay..." natahimik si Joohyun.


"Mahal? Nandiyan ka pa?"


"Ha? Oo." di namalayan ni Joohyun na lumipad na pala ang isip niya sa panahong nadala si Seulgi sa infirmary dahil sa pagpapabaya sa pagkain.

 

 

 

 

"I'm sorry." sabi ni Seulgi. 

 

 

"Mahal, don't do it again na ah."

 

 

"Opo. Wag ka na magtampo."

 

 

"Hindi na. Sige na, mag-sleep na ako ah. Ingat ka paguwi." paalam ni Joohyun.

 

 

"Okay po. I love you. Check mo pinto bago ka magsleep ah?"

 

 

"Opo. I love you."

 

 

"Di ka na galit?"

 

 

"Di naman ako galit. Nag-alala lang."

 

 

"Smile na, mahal. Alam ko naka-pout ka na naman eh."

 

 

"Sira." soft giggles. Nawala na yung tampo niya kanina kay Seulgi. 

 

 

"Don't wait up ah? Sleep ka na."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Tulog nang naabutan ni Seulgi si Joohyun sa kanilang kwarto. Nagmadali na siyang maligo para makapag-pahinga na rin. 

 

 

Nitong mga nakaraang linggo ay madalas siyang makipag-palit ng schedule sa ospital para magka-libreng oras sa training center. Di hamak na mas malaki kasi ang kinikita niya doon kaysa sa ospital kaya hangga't kaya niya ay kumukuha siya ng extra hours sa pagtuturo. 

 

 

Nanghihinayang din naman siyang bitawan ang trabaho niya sa diagnostic center dahil sa mga benepisyong nakukuha lang ng mga regular employees. 

 

 

Halos araw-araw siyang pagod sa trabaho pero sa tuwing uuwi siya kay Joohyun, nawawala ang pagod niya. 

 

 

Dahan-dahan niyang inangat ang comforter na nakabalot sa girlfriend, iniingatang wag itong magising sa paghiga niya pero gaya ng mga nakaraang gabi nagigising rin naman ito agad. 

 

 

"Mahal..." agad na yumakap si Joohyun kay Seulgi. "hmmm...you smell nice." mas hinigpitan pa niya ang pagkakapulupot ng mga braso sa katabi. 

 

 

"Sorry nagising kita." sabi ni Seulgi habang hinahawi ang buhok ni Joohyun na nakatakip sa mukha nito. 

 

 

"Are you hungry? Paghain kita?" Joohyun asked, sounding hoarse. 

 

 

"Hindi po. Kinain ko pa rin yung baon ko."

 

 

"Good girl." inangat ni Joohyun ang mukha niya to take a good look at Seulgi. "You look tired, mahal." she gently cupped Seulgi's face and leaned forward to give her a quick peck. 

 

 

"Kanina pagod ako pero ngayon hindi na." nginitian ni Seulgi si Joohyun. "Kasama na kita eh."

 

 

"Bolera ka talaga. Sleep na tayo, hmmm..." 

 

 

Tumango si Seulgi. Gustuhin man niyang makipag-kwentuhan pa kay Joohyun ay di na kinaya ng mga mata niyang pa-pikit pikit na. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Mataas na ang sikat ng araw nang nagising si Seulgi pero nagtaka siya dahil pagmulat ng kanyang mga mata, bumungad ang bagong ligong si Joohyun na nagsusukat ng damit pang-alis. 

 

 

"Good morning, sleepyhead." bati ni Joohyun nang mapansing gising na si Seulgi. 

 

 

"Magandang umaga, miss marilag." tumayo si Seulgi at lumapit kay Joohyun na nakatayo sa harap ng full length mirror nila sa kwarto. Seulgi wrapped her arms around her girlfriend's waist and rested her head against Joohyun's. A warm back hug is always welcome para kay Joohyun kaya napangiti siya. 

 

 

"Are you going somewhere?" tanong ni Seulgi. Her head still rested against Joohyun's head pero pagtapos ng ilang segundo ay humalik si Seulgi sa pisngi ng dalagang kayakap para kunin ang atensyon nito. Abala kasi si Joohyun sa pag mi-mix and match ng mga hawak niyang damit. 

 

 

"Yes." nakangiting sagot ni Joohyun. 

 

 

"Oh...saan ka po pupunta?" malambing na tanong ni Seulgi. Akala niya makakasama niya pang mag-lunch si Joohyun ngayon dahil Sunday at wala itong pasok sa school.

 

 

"I will take my girlfriend out. Date tayo? Promise walang grocery involved." biro niya. 

 

 

Napa-pikit at napagbuntong-hininga si Seulgi. "Mahal..san mo balak mag-date? Kasi po..." she trailed off. "...may klase ako ngayon sa training center. Sorry di ko nasabi sa'yo agad na kumuha ako ng sched every Sunday." bakas sa mga mata ni Seulgi ang panghihinayang. Nakaka-strike two na siya sa kasalanan kay Joohyun simula pa kagabi.

 

 

Humarap si Joohyun sa girlfriend para mas mapagmasdan niya ang mukha nito. "Nagdagdag ka ulit ng klase?" nagaalalang tanong niya. 

 

 

"Oo pero for 2 months lang naman kasi naka-maternity leave yung isang lecturer. Walang sasalo ng oras niya."

 

 

"Ibig sabihin for 2 months wala kang rest day. Napapadalas na rin na graveyard shift ka sa diag. Baka mapano ka na niyan."

 

 

"Kaya ko naman po." pag-aalo niya kay Joohyun. "Baka pwede tayong mag-date after ng class ko? 3PM naman tapos na ako."

 

 

"Uwi ka na lang agad para makapahinga ka. Dito na lang tayo mag-date. Movie night tayo?" 

 

 

"Bawi ako sa'yo mahal pag nakabalik na yung ka-work ko ah?" 

 

 

"Okay lang, mahal. Basta wag kang masyadong pakapagod." sagot ni Joohyun. "Sabay na lang ako sa'yo pag-alis. Pwede pahatid sa mall? Bibili lang ako ng calculator." dugtong niya.

 

 

"Bumigay na talaga yung luma?" nakangiting tanong ni Seulgi.

 

 

Malungkot na tumango si Joohyun. "Saktong nasira before exam. Buti na lang may extra si Nayeon."

 

 

"Buti nakahiram ka. Kaso mahal, hindi kita mahahatid sa mall." lumabas si Seulgi ng kwarto at pagbalik niya may hawak na siyang paper bag galing National Bookstore at Muji. 

 

 

"Ganun ba? Sige magcocommute na lang ako."

 

 

"Hindi kita mahahatid sa mall kasi di mo na kailangang bumili ng calcu." inabot ni Seulgi ang paper bags kay Joohyun. "Buksan mo."

 

 

Pagbukas ni Joohyun agad niyang napansin ang baby pink scientific calculator at iba't ibang brands ng highlighter. 

 

 

Kitang-kita ang pagkislap ng mga mata ni Joohyun sa bigay ni Seulgi. "Mahaaal..." sabi ni Joohyun. 

 

 

"Sabi mo di mo na love ang pink? Pero look at your smile, pati eyes mo kumikinang sa excitement."

 

 

"Di yun dahil sa color ng calcu. I'm happy kasi you always surprise me like this. Sakto lagi timing mo sa mga ganitong

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
886 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
337 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
886 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
886 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.