Chapter 9
Anghel ni Seulgi
Mahal na niya. No. Scratch that. Matagal na niyang mahal si Joohyun, di lang niya agad narealize.
1 new message from Seulgi Kang (messenger)
Seulgi: Magandang umaga, miss Marilag!
Napangiti si Seulgi sa cellphone niya. Excited na nagiintay ng reply ni Joohyun. Pinagmamasdan niya yung kaisa-isang picture na kinuha niya dalawang linggo na ang nakaraan sa UP. Picture ng Sunken Garden. Simple lang. Makikita ang basin-shape formation ng lupa na napapaligiran ng matatayog na puno ng acacia. May mangilan ngilang tao na na-capture sa shot pero halos di na makita ang mukha dahil napakalayo nila. Itong picture lang na ito ang souvenir ni Seulgi sa mini escapade nila ni Joohyun. Balak niya sanang magrequest ng selfie nila pagtapos niyang umidlip kaso mukhang nagmamadali ang kasama niyang umuwi. Nakuntento na lang siya sa picture na ito at nangakong di kakalimutan ang memories na nagawa nila ni Joohyun sa lugar. "May picture man tayo o wala. This will be etched on my memory for as long as I can." promise ni Seulgi sa sarili.
1 new message from Joohyun Bae
Joohyun: Good morning, Seulgi. Good luck sa recitation mamaya!
Seulgi: weeeeeeeeeeeh? Ngayon ba yung recitation?!
Joohyun: oo haha di ka nagreview no?
Seulgi: brb, hyun. Huhuhu
Nagreview naman si Seulgi pero hindi pa niya nababasa lahat. Di pa siya confident kaya ginamit niya ang remaining minutes para makapag review. Sana may matandaan pa siya sa mga nabasa niya nung nakaraan.
Natapos ang maghapon na pagod na pagod si Seulgi. Na-drain lahat ng energy niya sa klase ngayon. Sunod-sunod ang pang aatake ng mga prof nila.
iidlip muna siya saglit.
"Solgeeee! Nak, may bisita ka. Gising na diyan." sabi ng nanay niya habang niyuyugyog ang katawan niya.
Pero napaka-mantika matulog ni Seulgi.
"Naku, Joohyun nak. Ikaw na nga ang gumising diyan sa kaibigan mo at may gagawin pa ako sa kusina." utos ng nanay ni Seulgi kay Joohyun.
"Sige po, tita." mahinang hagikgik ni Joohyun.
"Seulgiiiiiii..."
"..."
"Kang Seulgi!" pinipisil pisil na niya ang cheeks nito.
"Napakamantika naman pala talaga matulog." pailing iling na sabi ni Joohyun.
Pinagmasdan niya saglit ang mukha ni Seulgi. Ang aliwalas ng mukha nito. May mga times pang napapangiti ng bahagya. Mukhang nananaginip ata.
Nilapit niya ang mukha niya sa may tenga ni Seulgi. "Kulit, gising na." bulong ni Joohyun sabay pigil sa pagtawa.
Nagising si Seulgi bigla. Gulat na gulat siya dahil pagmulat niya, magandang mukha agad ni Joohyun ang bumungad sa kaniya. "Nananaginip ba ako?" mahinang tanong ni Seulgi. Pumikit na lang siya ulit at pinagpatuloy ang naudlot na paglalakbay sa dreamland.
"Seulgi, gising na kasi. Bangon ka na diyan." reklamo ni Joohyun.
Bakit parang 4D 'tong panaginip niya? Parang totoo yung boses ni Joohyun sa panaginip ah, Seulgi thought. Minulat niya ulit ang mga mata niya at nakita niya ang isang anghel na nakatayo sa harapan niya na akmang hahampasin siya ng unan. Anghel ba talaga 'to? Parang kampon na eh bakit mananakit. Natatawa na si Seulgi.
"Seulgi, pag di ka bumangon diyan hahampasin talaga kita." banta niya sa kaibigan habang nagpipigil ng tawa.
"JOOHYUN?! ANONG GINAGAWA MO DITO?!" tanong niya sabay karipas ng takbo palabas ng kwarto.
Narinig na lang niya si Seulgi na nagrereklamo sa nanay nito.
"Maaaaa, bakit mo pinapasok si Hyun sa kwartoooo? Di pa ako nakakapag ayos." pagmamaktol ni Seulgi.
Tawang tawa na siya magisa sa kwarto ni Seulgi. Umupo siya sa kama at nag-antay. Pinagmasdan niya ang paligid ng kwarto. Di naman ganun ka-kalat. May ilang movie posters sa paligid ngunit ang pinaka-tumatak sa kaniya ay ang poster ng Blue is the warmest color. Inilibot pa ni Joohyun ang mata hanggang sa makita niya ang gitara ni Seulgi na nakasabit sa pader. Di naman niya naiwasan na makaramdam ng nagrarambulang butterflies sa kaniyang tiyan nang maalala niya yung pagrarap ni Seulgi habang nag-gigitara.
"BULAGAAAAAAAAA!" napaatras si Joohyun sa kabilang side ng kama dahil sa takot sa sigaw ni Seulgi.
"Ay palaka!" initial niyang reaction. "Kang Seulgi!"
"Surprise! Haha bakit kasi nanggugulat ka rin eh. Ano atin, Hyun?" Seulgi tried to play it cool pero ang totoo kanina niya pa gustong mag somersault sa kaba dahil ang isang Bae Joohyun ay nasa loob lang naman ng kwarto niya at nakaupo sa kama niya. SA. KAMA. NIYA.
"Samahan mo ko sa korean grocery?" nakangising sagot ni Joohyun.
Nag thumbs up sa kaniya si Seulgi habang naghahanap ng damit pamalit sa cabinet. Mukhang bagong hilamos lang ito dahil may nakasukbit pang towel sa balikat niya. May ilang patak ng tubig sa bandang leeg ang hindi pa napunasan ni Seulgi.
Napalunok na lang si Joohyun sa nakikita niya. 'Bae Joohyun! Sinabi ng masama ang tumitig eh!' she thought to herself.
"Uhm, Hyun? Talikod ka magbibihis ako." nahihiya kasi siyang palabasin si Joohyun. Ayaw rin naman niyang lumabas pa ng kwarto para lang magbihis.
"Mukha mo Seulgi feeling mo sisilipan kita?" tumalikod siya pero kinakabahan na siya. Nakita kaya ni Seulgi na nakatitig siya?
Di nakuntento si Seulgi at tinakpan pa nya ang ulo ni Joohyun ng hawak niyang towel.
"Seulgiiiiii basaaaa! Gamit na 'to eh!" reklamo ni Joohyun sabay lingon sa kausap para sana titigan ito ng masama. Oooops wrong move.
"Hyuuuuun!" nahihiy
Comments