Chapter 11
Anghel ni Seulgi
09:30 AM (Saturday)
Seul kulit: Magandang umaga, miss marilag :)
09:35 AM
Hyun: good morning, kulit! ;)
09:35 AM
Seul kulit: Hyun, may gagawin ka mamayang hapon?
09:37:
Hyun: wala naman sa hapon. Why?
09:37 AM
Seul kulit: gusto mong magkwek-kwek mamaya kila Ate Tiffany? Libre ko. :)
09:40 AM
Hyun: sure! Sino-sino tayo?
Napakamot ng ulo si Seulgi pagkabasa niya ng text ni Joohyun. Gusto sana niyang sila lang dalawa mamaya kaya medyo disappointed siya nung nagtanong si Joohyun kung sino pa yung mga kasama nila.
09:41 AM
Seul kulit: kasama sila Byul at Lisa. Kita tayo ng mga 2?
09:45 AM
Hyun: okay lang mga 3PM, Seul? Kasi tatapusin ko pa yung module due on monday. Nagawa mo na yung sa'yo? Next week finals na, Seulgi. Di pwedeng may ma-miss tayo.
Kamot ulo na naman si Seulgi dahil di pa siya naguumpisa sa module. Nawala kasi sa isip niya yun dahil buong week siyang preoccupied sa kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari sa kanila ni Joohyun. Di naman nagpabaya si Seulgi sa acads, di lang niya agad ito sinimulan dahil alam naman niyang she has the weekend to finish it.
09:46 AM
Seul kulit: hindi pa hehe :) pero tatapusin ko yun today. promise!
09:46 AM
Hyun: you better! Di ako pupunta mamaya pag di mo natapos yun.
09:46 AM
Seul kulit: Ma'am, yes Ma'am! magsesend ako ng proof na tapos ko na siya. :)
09:50 AM
Hyun: sama ko si Joy ah? See you later, kulit!
Balak niya sanang maglaro ng switch hanggang tanghali tapos bukas gawin yung module at magstart na rin magreview for finals, eh kaso nga lang napa-Ma'am yes Ma'am na siya kay Joohyun kaya tatapusin niya na ito ngayon. Makakapaghintay naman yung game after finals eh pero yung pagkamiss niya kay Joohyun hindi.
Seulgi changed the group name from SUNDO SQUAD to Kwek Kwek enthusiasts
Seulgi: taas kamay ang mahilig sa egg waffles!
Byul: corny mo, Seulgi.
Lisa: kwek kwek enthusiast! Hahaha
Seulgi: kwek kwek tayo mamayang hapon ah. Bawal kayo tumanggi nasabi ko na kay Hyun na kasama kayo.
Lisa: pass. Gagawa ako module.
Byul: pass din 'tol. Tutulog ako eh.
Seulgi: sagot ko na kwek kwek niyo. Dali na kasi sama na kayo.
Lisa: pass pa rin erp.
Byul: pass!
Seulgi: LIBRE KO NA PATI GULAMAN MGA BURAOT!
Lisa: anong oras ba yan? Tatapusin ko na ng maaga 'yong module hahaha
Seulgi: 3PM kila Ate Tiffany.
Byul: nandun na ako ng 2:30 'tol! Bayaran mo yung kakainin ko simula 2:30 ah? Hahaha
1 new message from Seulgi Kang
02:15 PM
Seulgi: Hyun! Ito na proof oh.
*photo*
02:20PM
Joohyun: buti ka pa :( ako patapos pa lang.
02:20 PM
Seulgi: lapit ka na rin naman eh. Kaya mo yan!
02:23 PM
Joohyun: see you later, kulit!
Napangiti si Seulgi sa reply ni Joohyun. Di niya alam kung kailan nagstart pero parang bigla na lang naging affectionate yung 'kulit' na nickname na ginagamit ni Joohyun paminsan sa kaniya.
02:45 PM
Pagdating niya sa tapat ng bahay nila Tiffany ay nakita na niya si Byul na kumakain ng kwek kwek.
" 'tooooool! My friend! My idol!" inabutan siya ni Byul ng note.
Byul: 4 pcs kwek kwek, 1 gulaman
Lisa:
Joohyun:
Joy:
Wendy:
Yeri:
"Ano 'to?"
"Listahan ng utang mo." natatawang sagot ni Byul.
"Seulgi nandito ka na pala. Kinukulit ako niyang kaibigan mo maglista daw ako ng mga kakainin niyo kasi ikaw daw magbabayad." bati ni Tiffany sa kaniya.
"Hi, Ate Tiffany. Wag niyo na po bigyan si Byul ah. Mamumulubi ako eh."
"Seulgi naman pagdating nila dito maiinggit ako pag kumakain na kayo. Ako lang wala." reklamo ni Byul.
"Sino ba kasi may sabi sa'yong kumain ka agad?"
"Ang bango bango nung kwek kwek 'tol. Matatanggihan ko ba yun bagong luto pa!"
Naamoy rin ni Seulgi yung fresh batch ng kwek kwek na nasa harapan niya.
Hmmmmm... Tempting. Biglang kumulo ng slight ang tiyan ni Seulgi. Di na siya nagtanghalian kasi busy siya sa pag tapos ng module niya. Ayaw niya kasing ma-late sa 3PM usapan nila ni Joohyun. Gutom na siya pero nireresist niya yung nakahain sa harap niya. Iintayin niya si Joohyun no matter what.
Tinignan ulit ni Seulgi yung listahan.
"erp, bakit nakalista rin dito si Joy, Wendy, at Yeri. Kayong tatlo lang nila Hyun ang ililibre ko." bulong ni Seulgi kay Byul para di sila marinig ni Ate Tiffany.
"Tsk tsk hina mo talaga. Sayang pag tawag ko sa'yong mast
Comments