Chapter 40 (A)

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Dali daling nagpunta si Joohyun sa bahay nila Seulgi. Hindi na siya nagaksaya pa ng oras dahil kailangan na niyang makausap ito. Kinse minutos rin silang kumakatok sa gate nila Seulgi pero walang tao.

 

 

 

"Ate, sobrang dilim sa loob baka wala talaga sila diyan." sabi ni Yeri.

 

 

 

"Anak, umuwi na tayo. Doon na lang natin subukan tawagan sila Seulgi." aya ni ng nanay ni Joohyun.

 

 

 

"Ma, kailangan ko pong makausap si Seulgi. Paano kung magtransfer talaga siya sa ibang school baka hindi na kami magkita." bakas ang lungkot at takot sa mga salitang binitawan ni Joohyun.

 

 

 

Paguwi nila sa bahay ay agad niyang tinawagan si Seulgi at si Tita Cherry pero parehas na naka-off ang phone nila.

 

 

 

Kaya tinawagan na lang niya si Byul.

 

 

 

 

"Hello?" pigil na paghikbi ang narinig ni Byul pagsagot niya ng tawag.

 

 

 

"By...ul. Alam mo ba kung nasaan si Seulgi? Tina-try kong tawagan siya pero naka-off ang phone niya."

 

 

 

"Joohyun, umiiyak ka ba? Sa totoo lang hindi ko alam kung nasan si Seulgi. Kanina nagkita kami nilang tatlo nila Lisa. Nagpaalam siyang matagal daw siya mawawala." malungkot na ibinalita ni Byul kay Joohyun.

 

 

 

"Kailangan ko siyang makausap, Byul. Please?" pagsusumamo ni Joohyun.

 

 

 

"Hindi talaga namin alam ni Lisa kung saan siya nagpunta, sorry."

 

 

 

Kinwento ni Joohyun bahagya ang nangyari kay Byul. "Kaya kailangan ko siyang makausap. Kailangan niya malaman yung nangyari." hindi na napigilan ni Joohyun ang maiyak. "Ang sabi ni Ate Taeyeon, balak daw magtransfer ng school ni Seulgi."

 

 

 

"Magtatransfer?! Ang akala namin magbabakasyon lang sila. Yun pala yung ibig niyang sabihin na mawawala siya ng matagal." gulat na tanong ni Byul.

 

 

 

"Tulungan mo kong hanapin si Seulgi, please. Alam kong nasaktan ko ng sobra ang kaibigan niyo kaya gusto ko siyanv makausap para magsorry at bumawi sa lahat lahat."

 

 

 

"Wag kang mag-alala, Joohyun. Wala ka namang kasalanan. Ang may problema dito yung lola at tita mong pinaglihi ata sa pinoy teleserye." biro ni Byul para mabawasan ang lungkot ng kausap.

 

 

 

"Thank you, Byul." saglit na natahimik si Joohyun.

 

 

 

"Joohyun? Wag ka mag-alala tutulungan ka namin ni Lisa."

 

 

 

 

 

 

Ilang araw nagabang si Joohyun na mag-on ang cellphone ni Seulgi pero bigo pa rin siya. Nagriring naman ang phone ni Tita Cherry pero hindi ito sumasagot. Nagtext na lang si Joohyun para ipaalam kung pwede silang mag-usap ni Seulgi.

 

 

 

 

Paminsan-minsan ay dumadaan siya sa bahay nila Seulgi para i-check kung may tao na ba pero wala pa rin. Nawawalan na ng pag-asa si Joohyun na magkikita pa sila ulit ni Seulgi.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Ano, 'tol? Na-contact mo na ba si Seulgi?" tanong ni Byul.

 

 

 

"Hindi pa rin,' tol." umiiling na sagot ni Lisa.

 

 

 

"Wait lang... Déjà vu ah? Last time na hindi natin ma-contact si Seulgi na-ospital na pala. Hindi naman siguro no?" nagaalalang sabi ni Byul.

 

 

 

"Ano ka ba? Di ba ang sabi ni Joohyun balak lumipat ng school? Baka naman dahil dun naging busy."

 

 

 

"Ano yun? Ilang araw na naka-off ang phone? Pati social media naka-deactivate?"

 

 

 

"Alam ko na! Pucha pag ito hindi gumana ah. Magmessage tayo dun sa fb page ng cafe nila sa Elyu." suggestion ni Lisa.

 

 

 

"Tingin mo magrereply sila dun? Pano kung di nila mabasa?"

 

 

 

"Responsive yung page nila. Di ko alam kung si Seulgi ba yung naghahandle nun pero laging nagrereply yun. Active nga rin magpost yun lalo ngayon summer. Dami turista sa elyu."

 

 

 

"Sige ako na magme-message."

 

 

 

1 new message from Moon Byulyi

 

 

Hello, Sunrise Cafe! Ako po si Byul na mahal na mahal ka. Joke lang po! Gusto ko lang po mag-iwan ng message kay Seulgi Kang na anak ng may-ari ng cafe na 'to.

 

 

Seulgi! Sumuko ka na! Napapaligiran ka na namin! Char.

 

 

Ito totoo na talaga. SEUL, 'TOL! KAILANGAN MONG MAKAUSAP SI JOOHYUN AS SOON AS POSSIBLE. EATSAFRENK LANG PALA NI TITA EULA AT LOLA ANG LAHAT! ILANG ARAW KA NANG TINATAWAGAN NI JOOHYUN PATI NUMBER NI TITA CHERRY PERO HINDI KAYO MATAWAGAN. KAWAWA NAMAN SI JOOHYUN KAUSAPIN MO NA. TSAKA PWEDE BA PAKI-ON NG CELLPHONE MO! 

 

 

 

 

"ayan sent." sabi ni Byul pagkasend niya ng message.

 

 

 

"Pabasa nga." inagaw ni Lisa yung cellphone ni Byul. "Pucha naman Moonbyul! Bakit ganito message mo baka isipin pa ng makakabasa nangga-gago tayo eh." napakamot sa ulo si Lisa.

 

 

 

"Ano ka ba! Para catchy mapansin agad. Tsaka malay mo si Seulgi ang may handle ng page nila."

 

 

 

 

Ilang minuto ang nakalipas at napansin ni Byul na na-seen na ang message niya. 

 

 

 

"Ayan na-seen na!" 

 

 

"Sabi sa'yo active yang page nila eh."

 

 

 

Biglang nag-ring yung phone ni Byul. 

 

 

"Unknown number?" 

 

 

 

"Sagutin mo baka si Seulgi na yan!" excited na sabi ni Lisa. 

 

 

 

 

"Hello?" nagaalangang sabi ni Byul. 

 

 

... 

 

 

"Pucha naman, Seulgi! Totoo ba? Lilipat ka ng school?! At tsaka ilang araw ka na hinahanap ni Joohyun kausapin mo!" 

 

 

 

... 

 

 

 

"Oo pero di ko alam eksaktong detalye 'tol. Mas mabuti kung si Joohyun talaga makausap mo."

 

 

 

....

 

 

 

"Ha? Bakit? Huy! Seulgi!" 

 

 

 

 

Binitawan ni Byul yung cellphone niya pagtapos nila magusap. 

 

 

 

"Pucha." sabi ni Byul. 

 

 

 

"Bakit ang bilis? Ano sabi? Bakit binaba agad?" curious na tanong ni Lisa. 

 

 

 

"Wag daw natin sabihin kay Joohyun na nakausap natin siya. Siya na daw bahala kumausap."

 

 

 

"Kailan daw?" tanong ni Lisa. 

 

 

 

"Di ko rin alam pero sana soon para makapagusap na silang dalawa."

 

 

 

"Ang labo ni Seulgi ah. Kung ako yun magmamadali na akong puntahan si Joohyun."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Love, nakausap mo na ba si Seulgi?"

 

 

 

"Hindi pa, lalab. Tinatry ko sa iba naming friends pero hindi rin nila alam kung nasaan." sagot ni Wendy kay Joy.

 

 

 

"Mags-start na summer class pero hindi pa rin naka-enroll si Seulgi. Tingin mo nagtransfer na talaga siya?"

 

 

 

"Possible yun, narinig ko sa registrar si Prof. Taeyeon may inaasikaso sa records ni Seulgi eh."

 

 

 

Napa-buntunghininga na lang si Joy sa bagong info na nalaman niya. "Hindi ko alam paano tatanggapin ni Joohyun yang balitang yan."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Ate, start na summer class niyo next week di ba? Alis naman tayo, please?" aya ni Yeri sa ate niya.

 

 

 

"Sorry, Yeri. Wala akong gana lumabas." malamyang sagot ni Joohyun.

 

 

 

"Please? Saglit lang tayo. Samahan mo lang ako. Palagi ka na lang nasa room mo hindi na tayo nakakapag-bond, ate." pakiusap ni Yeri.

 

 

 

Na-guilty si Joohyun dahil nitong mga nakaraang buwan ay hindi na niya nagagampanan ang pagiging ate kay Yeri at mas naka-focus siya sa sarili.

 

 

 

"Sige pero sandali lang tayo ah? Saan ba tayo pupunta?"

 

 

 

"May bibilin lang ako sa UP Town, ate." masayang sagot ni Yeri. 

 

 

 

Gusto sanang magback out ni Joohyun pagkarinig niya kung saan pupunta dahil siguradong madadaanan nila ang Sunken Garden na punong puno ng memories nila Seulgi papunta sa mall na nabanggit ni Yeri. Kaso huli na para tumanggi dahil nakita na niya yung ngiti ng kapatid dahil pumayag siya.

 

 

 

Umakyat na lang siya sa kwarto at naisipang magbasa ng mga notes na bigay noon ni Seulgi.

 

 

 

 

 

 

 

"If you're in a bad mood, basa ka lang ng kahit isa diyan. Hopefully mapagaan ng mga notes ang loob mo pag kailangan."

 

 

 

 

 

 

 

 

Tandang tanda ni Joohyun ang sinabing ito ni Seulgi.

 

 

 

Kumuha siya ng isang random note at binuksan ito.

 

 

 

 

 

 

'Hiram na tula mula kay Fidel, Hyun. 

 

 

TULA #28: Gusgusin

 

Mapanghangad ba akong sadya

para isiping may gusto ka rin sa akin?

Isa lang akong gusgusing bata

at ikaw ang dalangin' 

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
882 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
330 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
882 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
882 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.