Chapter 57

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

Tiring but productive ang nakalipas na buwan para kila Joohyun at Seulgi. 

 

Inuna nilang asikasuhin ang pagpili ng school na papasukan ni Joohyun. Nang makapag-decide na siya, sinunod naman nila ang paghahanap ng condo na bibilin. Nagulat si Joohyun dahil mas malalaking unit ang tinitignan ni Seulgi kumpara sa tinutuluyan nila. 


"Mahal, kaya ba natin 'tong bayaran? Ang laki tsaka ang ganda dito." sabi ni Joohyun habang binabasa ang condominium brochure na hawak. 


"Wag mong alalahanin yun, Hyun. Nagbigay naman ng pera si Papa pang-down diba? Ako na ang bahala sa monthly fees." sabi ni Seulgi. 


"Nakakahiya kasi kila Tito at Tita at tsaka baka di natin kayanin dahil may gastusin pa sa school." nag-aalalang sabi ni Joohyun. 


"Hindi yun, mahal. Late graduation gift nila sa akin 'to. Sama mo na rin yung gift nila nung pumasa ako ng board exam. Noon kasi tinanong nila ako kung anong gusto kong regalo. Ang sabi ko hindi ko pa alam dahil wala akong masyadong gana mag-celebrate noon. Tinabi pala nila yung pera na dapat ibibigay sa akin."


"But still, pera mo pa rin yun. Gamitin mo sa kung anong gusto mong bilin."


Binitawan ni Seulgi yung mga papel na hawak niya at tumingin kay Joohyun. "Hyun, I want us to live comfortably kaya ito yung kino-consider kong bilin pero kung hindi okay sa'yo, I understand. Mas okay na dito ko gamitin yung pera kaysa naman maubos lang sa kung saan. Wag mo na alalahanin yun, hmmm?"


"I know pero hindi ako comfortable kung mauubos mo yung pera mo dahil dito pero ayaw ko rin namang pigilan ka sa gusto mo." sagot ni Joohyun, she paused for a bit para mag-isip ng solusyon. "What if we buy a smaller and cheaper unit sa ibang area and then save the rest of your money? Hanap tayo ng mas mura?"


"Agree ako sa smaller and cheaper pero maganda na 'tong lugar mahal, dito na lang tayo kumuha? May inalok naman yung agent na mas maliit at mas murang unit. Maganda kasi dito dahil malapit sa lahat. Sa school mo, sa training center, sa hospital, tsaka sa mall. Mas safe pa dahil nasa main road. What do you think?"


Tumango si Joohyun. Wine-weigh niya lahat ng pros and cons na sinabi ni Seulgi at naisip niyang tama naman ang girlfriend. 


"Okay, pero pwede pa ba akong mag-request? Since dito tayo kukuha mas mahal pa rin ito compared sa ibang condo. Pwede bang bawasan natin yung pagkain sa labas para maidagdag sa emergency fund yung matitipid natin?" 


Never nag-splurge si Joohyun sa mga mamahaling bagay kaya naiintindihan ni Seulgi kung saan galing ang suggestion na yun. Her girlfriend is a wise-spender at kilala sa pagiging frugal kaya nag-agree siya sa kundisyon na yun. Pwede pa nilang magamit yung maiipong pera sa ibang bagay.


"Deal! Maganda yung pool nila dito, mahal!" excited na sabi ni Seulgi. Bakas sa mata niya ang saya at contentment sa napag-usapan nila ni Joohyun. Niyakap niya ang girlfriend at hinalikan ito sa pisngi. 


Isa sa mga bagay na nag-improve sa relationship ni Joohyun at Seulgi ay yung paraan nila sa pagdedesisyon. Ngayon, madalas na mas smooth at walang halong drama ang pagco-compromise nila sa mga bagay bagay. May mga oras na hindi magsa-swak ang opinion nila kaya dinadaan nila ito sa maayos na usapan.


"Me-message ko na yung agent ah?" tumayo si Seulgi at kinuha ang cellphone niya. 


"Okay po. Set ka na ng meeting." nakangiting sagot ni Joohyun. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Jooyoung! Sabay na tayo." tawag ni Joohyun sa kaibigan. Naglalakad siya papasok sa may lobby nang matanaw niya si Jooyoung. 


"Good morning, Joojoo!" masayang bati ni Jooyoung paglingon niya. "Bakit mag-isa ka lang?"


"Tulog pa si Seulgi eh kaya nauna na ako."


"Ooooh di ka na hinahatid ah porket lagi na kayong magkasama." asar ni Jooyoung kay Joohyun. 


"Hindi no. Masama kasi pakiramdam niya kagabi pa kaya sabi ko ituloy niya pa yung tulog niya tutal naman 8 pa start ng shift niya."


"Ah akala ko tinatamad na eh." mahinang sagot ni Jooyoung. 


"Uy hindi ah. Consistent si Seulgi sa paghatid sundo sa akin kahit noon pa, kung hindi siya pwede talaga sila Lisa ang sumusundo sa akin." sagot ni Joohyun. Di niya nagustuhan yung komento ng kaibigan niya tungkol kay Seulgi kaya kahit wala siyang obligasyong magpaliwanag, she felt the need to defend her girlfriend. Binilisan na lang niya ang lakad dahil nagbago na ang isip niyang sabayan si Jooyoung paakyat ng 2E.


"Sus consistent. Iniwan ka nam..." bulong ni Jooyoung sa sarili pero di na niya natapos ang sasabihin dahil nakita niyang huminto sa paglalakad si Joohyun.


Nakasimangot na nilingon ni Joohyun ang kaibigan. Hindi niya masyadong narinig ang sinabi nito kaya nagtanong siya. "Anong sabi mo? Iniwan?" 


"Ha? Ah...s-sabi ko iniwan mo na ako akala ko sabay tayo aakyat." palusot ni
Jooyoung. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


"Joo, kailan ka magpapasa ng resignation letter?" tanong ni Joy sa bestfriend niya pagkatapos ng endorsement.


"Next month na lang para sakto sa start ng class yung 30 days notice ko."


"Dere-deretso ka? Walang pahinga???" gulat na tanong ni Joy.


"Wala naman akong gagawin sa bahay kung magreresign ako agad at tsaka sayang din yung sasahurin ko next month. Pangdagdag na rin yun sa pang-gastos ko sa school."


"Sagot ka naman ni Seulgi ah."


"Yun na nga kaya gusto kong makatulong sa kanya hanggang may trabaho pa ko. Yung ipon namin enough lang siguro hanggang 3 years worth of expenses sa school tapos add mo pa yung gastos sa bahay."


"May point naman, akala ko kasi magreresign ka na this month. Naisip ko lang baka gusto mong mag-spend ng time with Seulgi bago ka maging busy."


Napaisip si Joohyun sa sinabi ni Joy. Biggest sacrifice talaga ng isang med student ay ang mawalan ng oras para sa loved ones nila kaya lang mas nangibabaw yung kagustuhan niyang makatulong kay Seulgi hangga't pwede pa, hangga't kaya pa.


"I'd love to spend more time with her pero ayoko rin na iasa sa kaniya lahat." paliwanag ni Joohyun.

 

 

 

 

 

 

 


"Joojoo..." nag-aalangang bati ni Jooyoung sa kaibigan. Di siya sigurado kung inis pa ba sa kaniya si Joohyun. "Tulungan na kita? Ako na magpapalit ng IV ng patient mo." alok niya.


Sinarado ni Joohyun yung cabinet sa medication area bago niya nilingon si Jooyoung. "Thank you pero no need na kasi oh..." pinakita ni Joohyun yung hawak niyang bagong IV fluid. "na-prep ko naman na. Ihu-hook ko na lang 'to."


"Okay... Ahm...galit ka ba sa'kin?" tanong ni Jooyoung.


"Hmmm?" takang tanong ni Joohyun. "Hindi. Bakit naman ako magagalit sa'yo?"


"Akala ko kasi galit ka. Iniwan mo na kasi ako sa may lobby kanina."


"Ah yun ba? Di ako galit. Di ko lang gusto yung biro mo kay Seulgi pero..."she trailed off. "I'm sorry. Was I too harsh sa'yo?" She felt guilty sa nagawa niya.


"No, no! Ako nga dapat yung mag-sorry. I went overboard with that joke."


Nginitian lang siya ni Joohyun at naglakad na palabas ng medication area pero hinabol siya ni Jooyoung.


"Joojoo, may sasabihin ako." that caught Joohyun's attention kaya binagalan niya ang paglalakad at nilingon ang kaibigan hoping na sundan na lang siya nito para maituloy nila yung pag-uusap.


"I overheard you and Joy talking kanina. I didn't mean to eavesdrop pero medyo malakas kasi yung boses niyo. Narinig ko tungkol sa school expenses mo."


"Ah oo, what about it?" maikling tanong ni Joohyun.


"I just..." napabuntong-hininga si Jooyoung dahil hindi niya alam kung paano simulan ang sasabihin. "...I just want to let you know na pwede akong tumulong kung..." Jooyoung's voice trailed off. "...kung sakaling di na kayanin ni Seulgi suportahan ka. Malaki-laking pera ang kailangan dun."


Hindi alam ni Joohyun kung anong nangyayari kay Jooyoung. Ayaw niyang mag-assume na may laman ang mga sinasabi ng kaibigan pag nababanggit nito si Seulgi pero parang gusto na niyang bawiin yung sorry niya kanina. Pero dahil naging mabuting kaibigan naman si Jooyoung sa kaniya simula pa noon, she brushed that thought aside.

 

 

 

"Thank you, Jooyoung. I appreciate your willingness to help pero I think mas okay kung susubukan muna namin ni Seulgi kayanin yung hirap na mapag-aral ako bago kami mag-reach out sa iba. Since kami namang dalawa ang nag-decide nito. Paano ko ba ie-explain?" Kahit na nainis si Joohyun sa sinabi ni Jooyoung tungkol sa girlfriend, ayaw naman niya itong ma-offend dahil ramdam naman niya ang sincerity ng alok nito. 


"Gusto muna namin tumayo sa sarili naming mga paa. Parang ganun." nakangiting paliwanag ni Joohyun.


"I understand. In case lang naman kasi diba magastos ang med school." nakita ni Jooyoung na napakunot ng noo si Joohyun kaya tumigil siya saglit para maisalba pa yung sasabihin niya. "I'm not saying Seulgi is being ambitious sa pag-ako niya nun ah, I'm just worried na baka makadagdag stress sa'yo kung pati pera iisipin mo habang nagaaral ka." sagot ni Jooyoung sabay tapik sa braso ni Joohyun at akmang tatalikod. Alam niya na she screwed up. "Ay nga pala...let me know kapag nagpasa ka na ng resignation letter mo ah?"


"Oo naman. Sasabihan ko kayo." sagot ni Joohyun. Nagpigil na lang siyang sitahin ang kaibigan sa komento nito. 


Pag-alis ni Jooyoung biglang tumunog ang cellphone ni Joohyun. She quickly fished out her phone to check her inbox.

 


1 new message from My love

My love: hi poooo. Nandito na ako sa parking. Papasok na. Kumusta duty, mahal?


girlfriend: asawa kooooo! medyo busy daming patient. How are you feeling?


My love: hala kinilig ako hehe 
A bit better na po kaya lang di na ako naka-prep ng lunch natin. Aayain na lang sana kita sabay kumain mamaya kaya lang mukhang di ka makakababa. Dadalhan na lang kita later ng food ah?


girlfriend: sorry, mahal. Mukhang magiging busy nga ako today. Buy me sisig, please?


My love: sizzling sisig para sa sizzling spicy kong asawa. Roger that!

 

Abot tenga na naman yung ngiti ni Joohyun sa kalokohan ni Seulgi. Gusto pa sana niyang kausapin ang girlfriend kaya lang ang dami niya pang kailangang gawin kaya hindi na siya nagreply.

 

 <

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
882 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
330 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
882 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
882 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.