Chapter 10

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 


Lumipas na naman ang isang linggo sa buhay ni Seulgi.

On line class
Chores
Nap time
The most awaited part of her day: Sundo time (bitin pero no choice siya eh) 
Sleep
and then repeat


Ang saya saya niya nitong mga nakaraang linggo dahil simula nung narealize niyang lumalim na ang pagtingin niya kay Joohyun mas lalo pa siyang ginanahan mag aral. Dati kasi ay happy crush lang naman talaga ito. Wala siyang balak na maging more than friends sila. Di naman kasi sila super close friends at nahihiya siya dahil feeling niya hindi niya deserve ang isang Bae Joohyun sa buhay niya. 


Matalino, mabuting anak, busilak ang puso, mabait na kaibigan, at higit sa lahat mukhang anghel sa ganda. Alam niya there's more pa kung makikilala niya ng husto si Joohyun. 


Ang daming dahilan para hindi siya magustuhan ng dalaga. Ayaw na lang niya isa isahin dahil nakakababa lang ng confidence, sabi niya sa sarili. Isa lang naman ang maipagmamalaki niya. Yun ay ang genuine intention niyang protektahan si Joohyun. Don't get Seulgi wrong. Alam naman niyang capable si Joohyun to protect herself at hindi siya isang damsel in distress na kailangan ng constant rescuing. She just feels the need to take care of her. Hindi niya alam kung bakit pero simula nung incident 3 years ago ay naging life-long mission na ni Seulgi na maging present sa buhay ni Joohyun sa mga pagkakataong kailangan siya nito. 

 


"mga 'tol may sasabihin ako." sabi ni Seulgi sa mga kaibigan. Nakatambay sila sa kwarto ni Byul. 5PM pa lang ng hapon ay nagpunta na sila dito ni Lisa. Saturday naman bukas at wala silang modules na tatapusin. Kaya nagpunta na lang sila ng maaga para na rin konting lakad na lang ang pagitan nila ni Joohyun. 


"labas mo yan 'tol." Sabi ni Byul.


"mahal ko na si Hyun. Anong gagawin ko?" pag amin ni Seulgi. 


"bugok! Hindi pa ba pagmamahal tawag dun sa almost 5 months mong page-effort simula lockdown?" sagot ni Lisa. 


"oo nga. Magli-limang buwan ka ng nageeffort 'tol. If that aint love I dont know what that is."madramang pagsang-ayon ni Byul kay Lisa. 


"Hayop english yun ah!" nag-apir naman sabay tawa ang mga kaibigan niya. 


"Huy seryoso naman pre. Nagtatanong ako ng maayos eh. Anong gagawin ko?" sagot ni Seulgi. 


"Teka muna kasi ano ba munang balak mo? Next level na?" tanong ni Lisa. 


"hindi ko alam. Wala pa akong solidong plano. Basta narealize ko na lang na mahal ko na si Hyun. Happy crush lang naman 'to dati eh."


"Nagsimula yan 3 years ago, di ba pre? Tatlong taon na simula nung puro ka Joohyun tapos sasabihin mong happy crush lang? Ang loyal mo naman pala magka-crush haha!" pangaasar ni Lisa. 


"Simula nung eksena mong yun sa corridor wala ka ng bukang bibig kung hindi Joohyun eh." pag gatong ni Byul. 


3 years ago kasi, during highschool ay muntik nang mag-exit si Seulgi sa mundong ibabaw. After ng P.E. class nila dumeretso si Seulgi sa may girls' wash room. Biglang sumama ang pakiramdam niya. Maghihilamos lang sana siya at magpapaalam kung pwedeng umuwi na lang. 


Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Dahil na rin siguro sa pagod. Paglabas niya mula sa washroom ay bigla na lang nagdilim ang panangin niya. Nagising na lang siya after a few hours na nasa hospital na siya. 

 

"paano naman mawawala sa isip at puso ko si Joohyun eh kung hindi dahil sa kaniya baka picture na lang akong nakasabit sa wall ng bahay namin. Kung hindi niya ako nakitang nakahandusay sa corridor eh baka ano ng nangyare. Lahat ng tao nasa classroom. Walang tatawag ng tulong. Siya talaga yung guardian angel ko mga erp!" paliwanag ni Seulgi. 


"Oo kaya simula nun pinili mong maging superhero niya kahit wala siyang kaalam alam. Loyal talaga eh." dugtong pa ni Lisa. 


" tol superhero nga eh. May superhero bang nagpakilala. Tsaka alam niyo namang bago pa nangyari yun sa corridor special na siya sa akin eh tapos pag gising ko sa ospital nalaman kong siya pala dahilan bakit ako naka-survive." kwento pa ni Seulgi."paanong hindi ako mahuhulog?" 


"wait lang 'tol. Kumusta naman yang puso mo? Literal ah. Okay na ba?" tanong ni Byul. 


"okay naman na. Di na kagaya ng dati na kailangan kong inumin araw araw yung gamot. Kapag kumikirot na lang o kaya tumataas yung heart rate ko tsaka kailangan inumin yun. Bilin lang ng doctor na wag papagurin yung heart."


"oh tapos nung nakaraan nagbike ka pa ah. Sana nagjeep ka na lang nun 'tol. Magingat ka rin naman." pagpapaalala ni Lisa. 


"Okay na ako wag kayo magalala. May guardian angel ako eh." nakangiting sabi ni Seulgi. 


"oh eh ano na nga plano mo?" tanong ni Lisa. 


"Alam mo dapat Seul may plano ka eh di pwedeng mahal mo lang. Alamin mo sa sarili mo kung gusto mo bang maging more than friendship yung sa inyo ni Joohyun o kuntento ka na sa pagiging superhero na lang? Tsaka importante rin na parehas kayo ng gusto ni Joohyun." paliwanag sa kaniya ni Byul. 


"Kaya nga sinabi ko sa inyo 'to kasi ilang linggo ko nang iniisip ano ba dapat kong gawin. Simula nung pagkagaling namin sa Sunken di na mawala sa utak ko. Mas tumindi pa ata' tong nararamdaman ko nung mayakap ko siya. Iba eh parang kaya akong ilipad sa sobrang gaan ng pakiramdam k

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
885 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
336 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
885 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
885 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.