Chapter 6
Anghel ni Seulgi
09:30AM
Seulgi changed the group name from Whatta TOPs to SUNDO SQUAD
SUNDO SQUAD
Byul: Seulgi, ano na namang kakornihan 'to? Bakit ganyan name ng gc?
Lisa: erp naman weekly mo ata palitan name ng gc natin. Gandahan mo naman!
Seulgi: mga' tooooooooooool! Sabado na. *sad face emoji*
Lisa: alam ko rin na sabado ngayon pero di ko naman kayo ininform.
Byul: LOL!
Seulgi: sabado na, erp. Sad is me again. :(
Byul: ayon kaya naman pala ganyan ang name ng gc.
Lisa: 'tol ang pangit ng sundo squad. Iba tunog eh. Parang may maglalast day pag sinundo.
Byul: lololol lisa! Hahaha
Seulgi: ako ata ang maglalast day kasi di ko makikita si Hyun. :(
Lisa: eh di chat mo. Tanong mo kung pwede mag video call.
Seulgi: eh baka busy. Weekend na nga lang pahinga niya eh. Baka tulog pa yun.
Byul: hina mo talaga, Kang. Tanong mo kailan niyo gagawin yung project mag rereply agad yun kasi tungkol sa acads.
Seulgi: kala mo naman siya pinapansin ni Solar. Pero thank you, 'tol!
Magkasama lang sila ni Joohyun kagabi pero namimiss na niya ito mula pa kaninang pagkagising niya. Wala naman siyang magawa kundi ang magantay.
Pinalipas ni Seulgi ang maghapon bago siya nagchat kay Joohyun dahil ayaw niyang maistorbo ang dalaga kung sakaling marami pa itong ginagawa o nagpapahinga pa. Buong araw din siyang nagiisip kung paano niya sasabihin ang plano niya para sa kanilang project.
1 new message from Seulgi Kang (messenger)
4PM
Seulgi: Hyun? Pwede makaistorbo saglit?
04:02 PM
Joohyun: Hi Seul, what's up?
04:02PM
Seulgi: can I call?
04:04 PM
Seulgi: I mean video call?
Tungkol sa project kasi.
Sa totoo lang di alam ni Joohyun ang irereply kay Seulgi nang mabasa niya ang chat nito asking if she can call her kaya't ilang minuto siyang nakakatitig lang sa chatbox. Mas lalo pa siyang nagpanic nung nagmessage ulit si Seulgi na gusto niyang mag video call ngunit nakahinga naman siya ng maluwag nang mabasa niya ang kasunod na message. "ah project." sambit ng dalaga. Never pa silang nagusap ni Seulgi thru phone call. Puro text at chat lang ang madalas nilang mode of communication at mas lalong never pa sila nag video call kaya di niya alam ang gagawin kanina. Kinabahan siya sa di malamang dahilan.
After calming herself, nag reply na rin si Joohyun. There's nothing to worry naman siguro kung mag video call sila dahil tungkol naman ito sa project.
04:07 PM
Joohyun: sure, Seul. :)
04:07PM
Seulgi: tawag na ako ah? :)))
Excited na reply sa kaniya ni Seulgi.
Ready na siya sa call nang ma-realize niyang kakagising lang niya at di pa siya nakakapagayos.
She should look presentable at least. Depensa niya sa sarili.
04:08PM
Joohyun: wait wait! Give me 5 mins then I'll call you. Something came up. :)
04:08 PM
Seulgi: oh okay, Hyun. Wait kita.
Nagmamadaling naghilamos si Joohyun at humarap sa salamin. Kinuha niya ang hairbrush na nakapatong sa side table at nagsimulang magsuklay. "anong gagawin ko sa buhok na 'to?" she sighed in defeat. Wala naman siyang magagawa sa tikwas tikwas niyang buhok kahit suklayin pa niya ito magdamag. Ligo lang talaga ang sagot pero ligo is not an option now. Nagiintay si Seulgi at nakalagpas na ang 5 mins na hiningi niyang time. She doesn't want to make Seulgi wait anymore. Di rin niya alam bakit inis na inis siya na ganito haharap kay Seulgi. "I look awful and... pale." sabi niya.
Napansin naman niya ang liptint na nasa may sulok ng side table. Matagal tagal na rin niyang hindi ito nagagamit dahil sa tuwing lalabas siya ng bahay ay may suot siyang mask kaya itinabi na lang niya ito dito. She applied a little on her lips at yung natira ay nilagay niya sa kaniyang mga pisngi. Sayang naman daw kasi. Pagri-reason out niya. "Sinong niloko mo Joohyun gusto mo lang talaga maglagay ng blush eh." kausap niya sa sarili.
04:15 PM
Joohyun Bae is calling...
"Hiiiii!" masayang bati ni Joohyun kay Seulgi.
"..."
"Seulgi, huy. Di ka na nagsalita diyan? Hina ba internet connection mo?"
"..."
"tsk mukhang nagloloko nga net mo. Di ka na nagalaw sa frame. Maybe we should end this call? Tawag ako ulit after you fix your net?" suggestion ni Joohyun.
"wait, no!" pigil sa kaniya ni Seulgi. Napakamot ito sa batok dahil nahihiya siya sa pagkakatulala niya. Di naman talaga mahina ang internet connection ni Seulgi. Natulala lang talaga siya pag-appear ni Joohyun sa screen ng cellphone niya. Napakaganda. Parang anghel na mamula-mula ang pisngi at mga
Comments