Chapter 44

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 


"Hoy tirhan niyo naman ako ng ulam." reklamo ni Seulgi sa mga kaibigan. 

 

"Tol, sarap ng adobo ni Joohyun." sabi ni Lisa habang ngumunguya. 

 

"Mas masarap sana kung ako lang kakain."

 


"Damot naman nito. Patikim lang eh."

 

"Yung tikim niyo inabot ng tig 2 cups of rice?" asar na sabi ni Seulgi. 

 

Dapat sasabay lang sila Lisa pauwi pero nung nalaman nilang may pa-adobo si Joohyun sumama na sila sa condo ni Seulgi para makikain. 

 

"Itong si Byul kasi inalok pa ko ng kanin." sagot ni Lisa. 

 

"Pero seryoso 'tol masarap nga." 

 

Busog na busog yung tatlo kaya namahinga muna sila sa mini living room ng unit ni Seulgi. 

 

"Anong plano mo? Mukhang okay naman kayo agad ni Joohyun parang walang nangyari." tanong ni Byul. 

 

"Alam niyo yun talaga yung pinagpapasalamat ko. Kahit konti hindi siya nagalit sa akin. Gago lang talaga ako dahil ang tagal ko naduwag. Pinag-antay ko siya ng ganun katagal."

 

"You have your reasons. Ipaliwanag mo na lang sa kaniya lahat. I'm sure maiintindihan ka ni classmate." seryosong sagot ni Byul. 

 

"Natatakot ako sa pwede niyang maging reaction. Hindi naman lahat ng ikekwento ko sa kaniya maganda." 

 

"Tiwala lang, 'tol. Si Joohyun pinaguusapan natin dito alam mo naman sobrang understanding nun." sabi ni Lisa. 

 

"Sana maging maayos paguusap namin. Tingin niyo okay lang kaya na dito kami sa condo magusap? Awkward ba? Pangit bang tignan?" nagaalalang tanong ni Seulgi. 

 

"Tanungin mo muna siya kung may alam ba siyang lugar na pwede kayo mag-usap. Kapag wala siya na-suggest tsaka mo na lang tanungin kung okay lang na dito." sabi ni Byul. 

 

 

 

 

 

Kanina pa paikot ikot si Seulgi sa kama kasi iniisip niya kung okay lang bang magtext kay Joohyun para magpasalamat para sa dinner niya kanina. 

 

"Bahala na." She threw all caution to the wind and sent Joohyun a text message. 

 

 

1 new message from....


Hyun, si Seulgi 'to. Thank you sa adobo busog na busog kami nila Lisa. Ang sarap ng luto mo naparami ako ng rice ;) Wag kang masyado magpagod sa work at wag kang magpapagutom ah? And if you get a chance, take a nap kahit saglit lang. 

 


"Aaaaah sheeeeeet." sigaw ni Seulgi pagkasend niya ng text kay Joohyun. 

 


Kakatapos lang magikot ng mga nurses sa ward para magcheck ng vital signs ng mga pasyente nang biglang dumating ang mga doctors para sa daily rounds nila. Kasama talaga ang mga nurses sa ward round kaya walang choice sila Joohyun. 

 

Narinig niyang tumunog ang phone sa bulsa niya kaya lang kasalukuyan silang nag-iikot kasama ng mga consultant at fellow kaya hindi niya agad nabasa ang text. 

 

Pagkatapos na pagkatapos ng endorsement kanina, ilang oras na rin ang nakalipas, hindi na nakapagpahinga si Joohyun o kahit na maupo man lang ay di niya nagawa. Bukod sa full packed ang 2E ngayon, may isang nurse ang absent kaya marami silang ginagawa. 

 

30 mins pa ang lumipas bago nagkaron ng pagkakataon si Joohyun na mahawakan ang cell phone niya. Agad niyang chineck yung text na na-receive niya kanina. 

 

1 new message from My love

 

Nawala sa loob ni Joohyun na hindi nga pala niya pinalitan ang pangalan ni Seulgi sa cellphone niya at dahil matagal na noong huling nakatanggap siya ng text mula kay Seulgi di niya maexplain yung nararamdaman niya. Pinaghalong lungkot, saya, panghihinyang, kilig, at excitement. 

 

Napangiti siya pagkabasa sa text ni Seulgi. Yung pagod at gutom niya biglang nawala sa sistema niya. Masaya siya eh. 

 

"Uuuuuy laki ng ngiti ah? Abot sa diagnostic." kantyaw ng isang kaduty ni Joohyun. 

 

Ngumiti lang si Joohyun bilang tugon.

 

"Si cutie newbie ng diag ba yan, ma'am?" sabi nung bagong nurse nila. 

 

Tumango si Joohyun sabay tayo para lumayo sa mga kasama. 

 

1 new message from girlfriend 

girlfriend: You're welcome, Seul. Sorry ngayon lang ako nakareply. Toxic kami ngayon daming admission. :( I don't know if you're sleeping na, good night po. Rest well. 

 

Gaya ni Joohyun, hindi rin naman pinalitan ni Seulgi ang pangalan niya sa contacts. 

 

Masyado ng malayo ang narating ni Seulgi sa dreamland kaya hindi na niya nabasa yung text ni Joohyun. 

 

 

 

 

 

 

 

 


"Hello, Ate Taeyeon?" 

 

"Oh Seul. Ano ng balita?" 

 

"Nag-uusap na ulit kami, hindi pa niya alam lahat pero sana pag naikwento ko na matanggap niya pa rin ako." masayang balita ni Seulgi. 

 

"Magtiwala ka kay Joohyun.. Magiging okay din ang lahat." sagot ni Taeyeon. 

 

"Sana nga. Busy ba kayo ni Ate Tiffany? Dinner tayo minsan nila Hyun pag okay na."

 

"Sched natin yan. Unahin mo muna si Joohyun. You have a lot of catching up to do."

 

"Thank you talaga sa suporta. Siguro kung di mo ako araw-araw pinapagalitan baka wala ako kung nasaan man ako ngayon."

 

"Para ko na kayong kapatid dalawa ni Joohyun. Hanggat kaya namin ni Fany i-guide kayo, gagawin namin."


"Salamat talaga. Kaya idol kita eh."

 

"Ayusin mo na ang dapat ayusin ah? Gusto ko present kayo ni Joohyun sa kasal namin ni Fany."

 

"Goals talaga kayo. Sana kami rin." namula si Seulgi sa naisip niya. 

 

"Loko magpaliwanag ka muna kay Joohyun."

 

"Busy ba kayo ni Ate Tiffany? Gusto ko lang kayo i-treat ng dinner. Bilang thank you kasi di niyo ko tinigilan pangaralan kahit na matigas ulo ko." biro ni Seulgi. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ilang araw ang nagdaan parang naging routine na ng dalawa ang pumasok ng maaga para magkaron sila ng kaunting oras magkasama. Papasok ng alas sais ng umaga si Seulgi para maabutan niyang pauwi ang ex-girlfriend. Si Joohyun naman ay papasok bago ang endorsement ng 6pm shift niya para maabutan naman ang pag uwi ni Seulgi.

 

 

"Hyun?" sabi ni Seulgi habang binabaybay nila yung mahabang hallway ng ward 2E.

 

"hmmm?"

 

"2 days rest day kami nila Lisa mula bukas. Alam ko sa isang araw pa rest day mo pero kung okay lang sa'yo mag-usap bukas? Nakita ko kasi on-call sched ka lang bukas." suggestion ni Seulgi.

 

Napahinto si Joohyun saglit kasi malapit na sila sa nurse station at ayaw naman niyang marinig ng mga kasamahan ang pinaguusapan nila ni Seulgi.

 

"Sige." ngumiti si Joohyun. "Saan tayo?"

 

"Do you have a place in mind?" tanong ni Seulgi.

 

"Wala akong ibang naisip kundi sa Sunken. Okay lang ba dun? Tahimik naman pag umaga eh."

 

Medyo disappointed si Seulgi kasi gusto niya talaga sa mas private na lugar sila mag-usap pero dahil nga ayaw naman niyang mailang si Joohyun kung sa condo sila, sumangayon na lang siya.

 

"Sige dun na lang pero sabi mo umaga? Di ka ba matutulog muna? Puyat ka mamaya sa duty eh."

 

"Sa hapon na lang ako matutulog. Gusto ko na rin makapag-usap tayo." Joohyun gave Seulgi her sweet smile.

 

"See you tomorrow. Sunduin kita ah?"

 


Tumango si Joohyun at nagumpisa na ulit maglakad papuntang nurse station with Seulgi in tow.

 

 

 

 

 

 

 

 

Hindi masyadong toxic ang duty ni Joohyun nung gabing yun kaya may mga oras na nakakapag text sila ni Seulgi. Nung breaktime ni Joohyun, imbes na kumain siya ay mas pinili na lang niyang gamitin yung oras para matawagan si Seulgi.

 


"Hyun, bakit di ka kumain? Puyat ka na nga gutom ka pa. Tapos bukas di ka pa makakatulog agad kasi aalis tayo." malambing na sabi ni Seulgi sa kabilang linya.

 

"Sabay na lang tayo magbreakfast bukas. Di pa kasi ako nagugutom. Nagbigay ng food yung isang watcher ng patient eh."

 

"Enough na ba yun? Si

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
887 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
338 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
887 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
887 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.