Chapter 50

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 


Pagtapos ni Joy i-demonstrate sa mga ka-grupo ang balak niyang idagdag na steps pinapanood niya sa mga ito ang video ng isang dance tutorial para naman sa floor work.

 

"Joy, hindi ko ata kayang sayawin yan." nagaalinlangang sabi ni Joohyun.

 

"Di rin po ako sure diyan." sagot ng isa pang nurse habang si Roseanne ay tahimik lang sa gilid.

 


"Kaya natin yan. Madali lang konting practice lang kailangan. Joo, ano? Imo-modify ko ng konti para masabayan natin lahat." pag-convince ni Joy. 

 


"Sige pero paalisin ko muna si Seulgi. Di ko kaya magpractice sa harap niya tapos ganyan ang steps."

 


"Bakit? Magugustuhan nga ni Kang 'to." natatawang biro ni Joy. 

 


Namula na naman sa hiya si Joohyun dahil sa komento ni Joy. "Basta di niya pwedeng mapanood ngayon." naglakad na si Joohyun papunta kay Seulgi. 

 


"Mahaaaaal." malambing na tawag niya sa girlfriend. 

 

"Yes po? Gusto mo ng tubig?" 

 

Umiling si Joohyun. "Dun ka muna sa unit, please? Kasi..."

 

"Kasi?"

 

"Kasi may steps kaming gagawin. Di mo pwede makita."

 

"Bakit di ko pwede makita?" natatawang tanong ni Seulgi. She finds Joohyun adorable sa request na ito. Yung itsura kasi ni Joohyun ngayon, pulang pula at di makatingin kay Seulgi. 

 


"Dahil medyo y yung step." mahinang sagot ni Joohyun. 

 

Seulgi chuckled. "Di ka ba comfortable sayawin yun? Sabihin mo na lang kay Joy." 

 


"Hindi sa ganun. Nahihiya lang akong makita mo. Baka awkward kasi ako kapag ginawa ko na."

 


Hinawakan ni Seulgi yung kamay ni Joohyun at marahan itong hinila papalit sa kaniya. Pinunasan niya ang noo ng girlfriend dahil may tutulong pawis. "Biro lang yung kanina, Hyun. Ikaw ang pinakamagaling na dancer sa paningin ko. Kulang lang sa confidence tsaka sa..." hinalikan ni Seulgi si Joohyun sa pisngi. "...boost. Tatalikod na lang ako. Promise di ako sisilip." tinaas ni Seulgi ang kanang kamay na parang nanunumpa. 

 


"Wag kang titingin ah? Pag kaya ko na sayawin pwede ka na manood."

 

"Opo. Di ako sisilip." nakangiting sabi ni Seulgi. 

 

 

 


"Love, ikaw rin bawal ka tumingin!" sigaw ni Joy mula sa pwesto nila. 

 

"lalab, bakit pati ako?! Gusto ko ulit makita yung giling giling mo kanina eeeeeeh." Wendy whined. 

 


"Yaan mo na, tropa. Para may kasama ako." inkabayan ni Seulgi si Wendy at tumalikod na silang dalawa mula sa direksyon ng practice. "Laro na lang tayo." nilabas ni Seulgi ang phone niya. 

 

 

Ilang minuto ang nakalipas at pinlay na ni Joy ang song na sasayawin nila. Seulgi's ears perked up pagkadinig sa song.

 


"Sh**. Gusto ko makita, Wends." sabi ni Seulgi kay Wendy.

 


"Ewan ko sa'yo Seulgi pati ako nadamay." nagtatampong sagot ni Wendy.

 


"Yaan mo na nga para may element of surprise pagdating ng D-day." sagot ni Seulgi. 

 


"Tol! Mga 'tol!" kinalabit ni Lisa ng malakas si Seulgi. Pinilit ni Seulging pigilan ang paglingon dahil nagpromise siya kay Joohyun.

 


"Lisa, makisama ka naman. Kulit mo eh." sabi ni Seulgi.

 

"Tooooool! Humiga!" malakas na bulong ni Lisa sa mga katabi. 


"Ayan tumagilid na! Umikot ikot sa floor, Wends! Seulgi!" pigil na pigil si Lisa sumigaw. 


"Lumuhod! Ay grabe. Tapos na?" biglang sabi ni Lisa. 

 

"tropa, di ka nakatulong. Lalo lang kami nacurious." sabi ni Wendy.

 

"Pangit mo mag-update. Wala akong naintindihan." sabi ni Seulgi.

 

"In love na ata ako." Lisa said with a dreamy look.

 

"Kay Roseanne? Kakakita pa lang eh! Pero teka lahat ba sila ganun ang steps?" curious na tanong ni Seulgi.

 

"Ay di ko napansin kay Roseanne lang ako nakatingin." ngumiti siya sa mga kaibigan.

 

Napa-facepalm na lang sila Wendy at Seulgi sa sagot ni Lisa. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


"Wawa naman baby ko. Pagod ka na, mahal? Rest ka saglit tapos ayusin ko lang pampaligo mo ah?" sabi ni Seulgi kay Joohyun. Pagtapos ng practice nila ay agad nagsiuwian ang mga kasama dahil may pasok pa kinabukasan. "Dito ka na matulog. Nagsabi na ako kay Tita Jean."

 

Tumango na lang si Joohyun at di na nakapagsalita sa sobrang pagod kaya nag-prepare na si Seulgi ng pampaligo ng girlfriend.

 

Makalipas ang ilang minuto nakalabas na rin si Joohyun mula sa cr. "Mahal, ang sakit ng legs ko." malambing na sabi ni Joohyun habang naka-backhug kay Seulgi.

 

Humarap si Seulgi kay Joohyun para mayakap ng mas maayos ang girlfriend. "Rest ka muna sa kwarto. Gutom ka ba? Luto lang akong dinner natin." 

 

Umiling si Joohyun. "Samahan mo ko sa kwarto."

 


Parang naglalambing na bata si Joohyun kaya natawa si Seulgi. "Yes, ma'am!" hinawakan ni Seulgi si Joohyun at hinila papunta sa kama. 

 


Pagkahiga nila agad na yumakap si Joohyun kay Seulgi. "Gisingin mo ko after 1 hour. Ako na po magluluto." sabi ni Joohyun. 

 

"Talaga? Gusto ko sinigang." request ni Seulgi. 

 

"Wala na tayong stock ng gulay, mahal. Adobo na lang muna ah?" 

 

"Sige yun na lang. Sayang paborito ko pa naman sinigang mo." sagot ni Seulgi. 

 

"Wag mo kong chinacharot diyan. Nung weekend kakasabi mo lang kay Mama paborito mo sinigang niya." pinisil ni Joohyun ang bibig ni Seulgi. 

 

"hahaha sinabi ko ba yun? Siguro magka-lasa talaga sinigang niyo ni tita Jean."

 

"Ang sabihin mo bolera ka lang talaga." natatawang sagot ni Joohyun. "Mahal?" 

 

"Hmmm?" 

 

"Alis tayo bukas after duty. Ide-date kita." humalik si Joohyun sa pisngi ng girlfriend. 

 


Seulgi's eyes sparkled with joy. "Sige! Paka-swerte ko naman. Inaya ako ng date ni Bae Joohyun. Anong klaseng date ba yan, mahal?" sabi ni Seulgi. Bakas sa mukha niya ang saya at anticipation sa planong date ng girlfriend. 

 

"Grocery date." nakangising sagot ni Joohyun. Pinagmasdan niya yung reaction ni Seulgi. Unti unting napanganga ang girlfriend at halata ang pagkadismaya sa narinig na sagot. 

 


"hahaha!" napahagalpak ng tawa si Joohyun. "Mahal, wala na kasi tayong stock sa ref. Kailangan na natin mag grocery. Wag kang mag-alala. Manonood tayo ng sine after. Yung gusto mong horror movie." dagdag pa niya. 

 

"Talagaaa?! Yes!" sobrang saya ni Seulgi. Napabangon siya pagtapos ay nag-fist pump pa. After ng mini celebration niya bumalik na siya sa pagkakahiga at ibinalot ulit sa kaniyang yakap si Joohyun.

 

"Alam ko pagod ka kaya bukas ko na iko-collect yung prize ko." sabi ni Seulgi na may malokong ngiti.

 

"Anong prize?" tanong ni Joohyun.

 

"Aba aba nakalimutan na agad." nilapit ni Seulgi ang mukha niya sa tenga ni Joohyun. "Loser gives the winner massa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
882 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
331 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
882 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
882 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.