Chapter 28

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

TW: homophobia, angsty family confrontation

 

 

 

 

 

 

 

 

"Seulgi, umuwi ka na. Gabi na." sabi ni Taeyeon.

 

 

 

"Ate Taeyeon, anong meron bakit dito ka sa labas nagaantay?"

 

 

 

Napa-buntunghininga si Taeyeon. "Di ako pwede sa loob eh. Kaya sinalubong na kita dito."

 

 

 

"Ha? Bakit naman po?"

 

 

 

"Nandito lola nila. Galit sa'kin diba?" tinignan ni Taeyeon si Seulgi para makita ang magiging reaksyon nito. "And most probably galit na rin sa'yo."

 

 

 

Nanlambot ang tuhod ni Seulgi. Nawala na sa loob niya na pwede pala talagang makaabot sa lola nila Joohyun ang tungkol sa kanila.

 

 

 

"Papasok po ako sa loob. Sasamahan ko si Hyun." paalam ni Seulgi.

 

 

 

"Wag na muna, Seulgi. Pinakiusapan ako ni Tita Jean na wag ka muna papasukin sa loob. Baka lalo lang kasing magalit sa'yo ang lola nila."

 

 

 

"Pero Ate Taeyeon di ko pwedeng iwang mag-isa si Joohyun dun." pagpupumilit ni Seulgi.

 

 

 

"Naiintindihan kita Seulgi pero baka mas mapalala lang ang sitwasyon. Antayin mo na lang si Joohyun na makausap sila. O kaya ako mismo ang maga-update sa'yo. For now, umuwi ka na."

 

 

 

Napilitang umuwi si Seulgi nung gabing yun dahil hindi talaga nagpatinag ang ate Taeyeon niya. Kung siya lang ang masusunod kahit hindi siya makapasok sa bahay magaantay pa rin siya sa labas.

 

 

 

 

1 new message from My love

 

My love: Hyun, sinabi sa akin ni Ate Taeyeon na nandiyan ang lola mo. Gusto ko nandiyan ako para samahan ka pero hindi ako pinapasok ni Ate Taeyeon. Hindi ako matutulog. Magaantay ako kung kailangan kong pumunta diyan.

 

 

 

 

Narinig ni Joohyun na tumunog ang phone niya na may incoming message pero wala siyang pagkakataon para basahin pa ito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Lola...mano po." nagaalinlangang kinuha ni Joohyun ang kamay ng lola para magmano. 

 

 

 

Tahimik lang ito at hindi man lang siya tinignan. Umupo si Joohyun sa pagitan ng nanay niya at ni Tiffany. Katabi naman ni Tiffany ang kaniyang ina at sa dulo si Tito Rey. Si Yeri naman ay walang choice kundi ang maupo sa tabi ng lola niya. 

 

 

 

 

 

"Joohyun, hindi ko inakalang magiging katulad ka rin nila. Itinago niyo pa sa akin. Para niyo akong pinagkaisahan." malumanay na nagsalita ang lola niya. 

 

 

 

"Mama, hindi po namin kayo pinagkaisahan..." sagot ni Tita Jean sa lola ni Joohyun. 

 

 

 

"Tumahimik ka, Jean. Si Joohyun ang kinakausap ko." 

 

 

 

"Lola...hindi po namin kayo pinagkaisahan. Hindi ko lang po nasabi sa inyo dahil alam ko pong magagalit kayo." paliwanag ni Joohyun. 

 

 

 

"Alam no naman pala pero itinuloy mo pa rin? At bakit niyo tinago? Para ano? Para tuloy pa rin ang sustento ko sa inyo. Hindi niyo ba naisip na malalaman ko rin yun? Nakuha niyo pang magsinungaling sa matanda?" napaka-kalmado ng lola nila kaya mas natatakot si Joohyun.

 

 

 

Napahawak ng mahigpit ang nanay ni Joohyun sa kaniyang kamay. Halatang nagpipigil lang itong sumagot ng pabalang. Paano nangyaring nabaliktad ang sitwasyon. Sila pa ang nagmukhang pera ngayon. Ang tanging kasalanan lang naman nila ay ang hindi pag-amin sa lola.

 

 

 

"Itinago po namin iyon sa inyo dahil sa ganyang reaksyon niyo."

 

 

 

"Kaya niyo nga itinago para tuloy pa rin ang sustento, di ba? Tama ako?" 

 

 

 

Hindi nakasagot ang mag-ina dahil tama ang sinabi ng lola nila. Ang ayaw lang ni Tita Jean ay nagmukha silang mukhang pera sa paraan ng pagsasalita ng lola ni Joohyun. 

 

 

 

"Opo, aaminin ko na isa yan sa dahilan bakit hindi namin nasabi sa inyo pero hindi naman ho kami nanghingi sa inyo ng malaking halaga. Ang gusto ko lang ay makatapos ng paga-aral ang mga anak ko." tumigil saglit si Tita Jean sa pagsasalita.

"May karapatan naman ang mga anak kong makapag-aral sa tulong ng dapat sana ay pera ng asawa ko. Wala naman kaming balak kunin sa inyo lahat ng iyon, Mama. Makapag-aral lang sila sapat na."

 

 

 

"Edi lumabas din ang totoo. Pinagkaisahan niyo ako dahil sa pera." baluktot na katwiran ng lola nila. 

 

 

 

Naiinis si Tiffany dahil ganitong ganito ang naging takbo ng usapan nila noong panahong siya ang nasa pwesto ni Joohyun. Hindi na niya napigilan ang pagsagot. 

 

 

 

"Lola, with all due respect. Hindi niyo rin naman po pera yan. Kay lolo lahat yan. Bunga ng pinaghirapan niya. Karapatan po ng mga anak niyo ang makuha ang mana nila. Sa lagay nila Joohyun, mana ng tatay nila ang dapat mapunta sa kanila."

 

 

 

"Hindi kita kinakausap, Tiffany. Siguro ikaw ang nagturo sa pinsan mo ng saliwa mong pamumuhay, ano? Ikaw ang nag-impluwensya para maging ganyan si Joohyun."

 

 

 

"Mama, tama na. Hindi ko naiintindihan bakit malaki ang galit mo sa mundo at sa mga bata mo binubunton. Bakit pinapahirapan mo ang mga bata." sagot ng tatay ni Tiffany. 

 

 

 

"Talagang malaki ang galit ko sa mundo dahil sa maling pananaw nito."

 

 

 

"Ikaw, Jean. Kaya ba malakas ang loob niyong suwayin ako dahil naibenta mo na yung lupang pinaghirapang ipundar ng anak ko? Para saan? Para kunsintihan yang anak mo?" tanong nito sa nanay ni Joohyun. 

 

 

 

"Hindi ho pagkunsinti ang tawag dun, Mama. Gusto ko lang protektahan ang kaligayahan ng anak ko mula sa mga baluktot na paniniwala niyo."

 

 

 

Tahimik lang na umiiyak si Joohyun. Bakit ba sila nauwi sa ganitong palitan ng masasakit na salita? Bakit lumaki ng ganito? Walang sigawan o sampalang naganap pero bakit parang mas malala pa sa isang pinoy teleserye ang tagpong ito? Ang gusto lang naman niya ay malayang magmahal. Hindi siya nagsisisi na si Seulgi ang mahal niya pero bakit ganito kahirap? Mga tanong na naglalaro sa isip ni Joohyun. 

 

 

 

"Wag kang umiyak, Joohyun. Lalo ka lang tatapakan ni lola pag pinakita mo sa kaniya na kaya ka niyang kontrolin." bulong ni Tiffany.

 

 

 

"Akala mo siguro hindi ko malalaman, ano? May mga tao pa ring handang magsabi sa akin ng totoo."

 

 

 

"Nagpapaka-sipsip lang naman po sa inyo ang mga yun." sagot ni Tiffany. 

 

 

 

"Mama, tama na please. Tanggalin mo na ang galit sa dibdib mo. Makakasama sa'yo yan lalo pa't may edad ka na." malumanay na sabi ni Rey. Sinusubukan niyang tapusin na ang sagutan dahil ayaw na niya itong lumalala pa bilang respeto na rin sa nanay niya.

 

 

 

"Matanda na nga ako pero binibigyan niyo pa ako ng ganitong isipin. Joohyun, hiwalayan mo yang anak ni Cherry. Walang maidudulot na mabuti yan sa'yo. Pag ginawa mo yan hindi ko kayo tatanggalan ng mana. Tapos ang usapan."

 

 

 

"Lola, pasensya na po pero

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
882 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
331 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
882 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
882 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.