Chapter 59

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

"Ha?" nanlaki yung mata ni Seulgi sa narinig niya.


"Nagpa-book daw ng grab kay Jooyoung. Pagbalik namin ni Joy galing washroom wala na sila eh. Sorry tropa."


"Nagpa-book si Hyun? Imposible kasi huling message niya sa akin nagpapasundo na." napakunot ng noo si Seulgi.


"Oo, yun sabi ni Jooyoung eh. Nasa area lang daw yung grab kaya dumating agad. Medyo marami nainom si Joohyun, tropa." di alam ni Wendy paano ipapaliwanag kay Seulgi kung bakit nagkaganun yung sitwasyon ng kaibigan. 


"Madaming nainom?" Seulgi muttered under her breath. 


"Tol? Mag-isa lang daw umuwi si Joohyun. Naghiwalay na sila ni Jooyoung pagkasakay sa grab." dugtong ni Wendy. 


"Bakit naman hinayaan ni Jooyoung?" kalmadong tanong ni Seulgi pero kitang-kita ni Wendy kung paano tumikom ang kamao ng kaibigan. Nakatingin lang din si Lisa kay Seulgi dahil ramdam na niya yung namumuong inis nito kay Jooyoung. 


"Si Jooyoung ba yung kausap mo kanina? Patanong naman kung mata-track niya yung ride ni Hyun. Uuwi na ko baka nasa unit na siya." nagmamadaling sabi ni Seulgi. Sinubukan niyang tawagan si Joohyun habang tumatakbo papunta sa sasakyan pero naka-off yung phone.


"Mahal, nasan ka ba?"

 

 

 

 

 

 

 

 

Hilo na si Seulgi kakaisip kung nakaiwi bang safe si Joohyun. Halos paliparin na niya yung kotse makarating lang sa condo ng mabilis. Mabuti na lang madaling araw na at wala ng gaanong sasakyan sa paligid. Sigurado si Seulging may violation na siya dahil nagkalat ang mga traffic CCTVs sa paligid pero sino bang magkakaron ng paki sa penalty kung sa ganitong oras eh nawawala ang girlfriend mo. 


Nagmamadali siyang pumasok sa elevator at paulit ulit na pinipindot ang button ng floor nila kahit na alam niyang hindi naman makakatulong yun para mapabilis ang pagakyat. 


Madilim at napakatahimik sa loob ng unit nila pagpasok niya. Dumeretso agad siya sa kwarto para i-check kung nandun na ba si Joohyun pero wala siyang naabutan ni anino nito. Bakante rin ang toilet kaya lalo lang kinabahan si Seulgi. Tinatawagan niya si Joohyun pero naka-off ang phone ng dalaga samantalang nananatiling unanswered yung mga call attempts niya sa number ni Jooyoung.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Ma'am Jooyoung, saan po ba tayo?" tanong ng driver niya. 


"Ah kuya sa Visayas Ave po pagdating sa Shell kumanan po kayo." tinignan ni Jooyoung ang katabi niya na mahimbing pa rin ang tulog. 


"Joojoo, gising ka na. May sasabihin ako." inalog niya ng bahagya si Joohyun pero hindi ito sumagot. 


Pinagmasdan na lang niya ang dalagang katabi. Sinusulit ang bawat segundong magkasama sila. Alam niyang nasira na niya ang pagkakaibigan nilang dalawa dahil sa ginawa niya ngayon. Wala namang kinahantungang maganda yung plano niyang palpak except sa maikling oras na nakasama niya si Joohyun. Yung balak niyang sabihin ay mukhang ibabaon na lang niya sa limot. She lost her chance. She lost it in the dumbest possible way. 


Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ni Joohyun. "I'm sorry. Masyado ata kitang mahal kaya ko nagawa 'to."

 

 

 

 

 

 

"Nandito na po tayo." sabi ng driver ni Jooyoung. Malapit lang yung bar na pinanggalingan nila sa bahay nila Joohyun kaya mabilis lang silang nakarating. Naalimpungatan si Jooyoung sa biglang pagsasalita ng driver niya.


"Kuya...ah pano ba? Magtatago ako sa likod tapos katok ka diyan sa kanila pakuha mo si Joohyun dito sa loob. Magpanggap kang grab driver tapos sabihin mo di mo magising. Paki-off na lang po yung ilaw para di ako kita dito sa likod." sabi ni Jooyoung habang lumilipat sa pinakalikurang bahagi ng 7-seater SUV niya. Naka-heavy tint yung sasakyan kaya hindi na siya maaninag lalo pa't sobrang dilim ng paligid. 


Napakamot batok na lang yung driver sa odd request ng anak ng amo niya. Wala naman siyang magagawa kundi ang sumunod at manahimik sa kung anong ipagawa sa kaniya.


Ilang minuto ang nakalipas at narinig na ni Jooyoung ang pagkalansing ng metal na gate nila Joohyun. Maya maya pa ay biglang bumukas yung pinto ng sasakyan sa gilid.


"Joohyun, naku kang bata ka. Anong nangyari sa'yo? Nasan si Seulgi??" tanong ni Tita Jean. Nagising si Joohyun dahil sa pamilyar na boses na narinig niya.


"Mama?" takang tanong nito habang pinagmamasdan ang unfamiliar na loob ng sasakyan. "Nasan si Seulgi?"


"Ay hindi ko rin alam. Yan din ang tanong ko sa'yo. Bumaba ka na nakakahiya sa driver oh." sabi ni Tita Jean.

 

 

 

 

 


Pagpasok nila ng bahay agad silang sinalubong ni Yeri. "Mama, anong nangyari? Nasan si Ate Seulgi?"


"Hindi ko rin alam. Pakitawagan mo nga para malaman natin kung anong pinag-gagawa ng ate mo. iaakyat ko na siya sa kwarto niya't mukhang maraming nainom oh."

 

 

 

 

 

 


Eksaktong paghawak ni Yeri ng phone niya ay bigla itong tumunog signalling an incoming call. Pagtapos ng isang ring ay nasagot na niya ito agad.


"Hello, Ate Seulgi?! Anong nangyari kay Ate?"


"Yeri! Nandyan ba ang ate mo?!"


Sabay nilang tanong.


"Nandito si Ate. Ano bang nangyari tsaka nasaan ka? Bakit grab ang naghatid kay Ate?"


"Kumusta siya? Okay lang ba siya? Wala naman nangyari kay Hyun?" hindi pinansin ni Seulgi yung mga tanong ni Yeri dahil mas marami siyang gustong malaman. Bakas sa boses ni Seulgi ang kaba kahit na nalaman na niya kung nasaan si Joohyun. Inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng gate ng bahay ng girlfriend. Dito niya naisipang pumunta paglabas niya ng unit dahil posibleng dito nga umuwi si Joohyun.


Narinig ni Yeri ang tunog ng sasakyan sa labas kaya sinilip niya kung sino ito.


"Hindi ko pa alam kung okay ba si ate. Dineretso siya ni Mama sa kwarto pagdating. Dami atang nainom. Ikaw ba yang nasa labas? Ano ba kasing nangyari?" tanong ni Yeri habang nakasilip sa bintana.


"Despedida party niya kasama mga ka-work kaso naparami daw ang inom ayun di nila namalayan nagpa-book daw ng grab pauwi. Ang usapan namin susunduin ko siya pagkagaling ko sa duty. Nalilito rin ako kung anong nangyari sa totoo lang." biglang naging malumanay ang boses ni Seulgi na para bang naubusan na ng lakas.


"Ate Seulgi pasok ka nga dito tayo mag-usap sa loob."


"Hindi na Yeri, pero paki check mo naman ate mo tapos balitaan mo ko? Babalik na lang ako mamayang umaga. Pakisabi kay Tita Jean sorry kasi di ko nasundo agad si Hyun. Kwento mo na lang yung nangyari baka nagaalala na si Tita."


"Ikaw bahala pero ate..?" sabi ni Yeri. 


"Oh?" 


"Di mo kasalanan yun, okay?" paalala ni Yeri. 

 

 

 

 

 


Tinawagan agad ni Seulgi si Wendy pagtapos nilang magusap ni Yeri. 


"Tropa, dito pala umuwi sa kanila si Hyun. Pasensya na sa abala ah? Di pa tuloy kayo nakatulog agad. May duty pa kayo diba?" 


"Okay lang yun rest day namin mamaya. Kumusta si Joohyun? Okay lang ba siya?" 


"Ayun dineretso daw ni Tita Jean sa kwarto pagkauwi. Di ko pa alam kung anong lagay niya eh kasi di na ako pumasok sa kanila. Gusto ko kasing makausap si Jooyoung. Alam mo ba address niya?" 


"Seulgi, umuwi ka na. Taga-Fairview si Jooyoung at hindi ko alam kung saan eksakto dun.Magpahinga ka na lang. Pasensya ka na rin kasi di namin naalagaan si Joohyun. Binilin mo pa naman."


"Okay lang tropa ang mahalaga nakauwi siya sa kanila."

 

 

 

 


Humingang malalim si Seulgi para ilabas yung inis niya kay Jooyoung dahil base sa kwento ni Wendy, hinayaan nitong umuwing magisa si Joohyun sakay ng grab. Hindi niya lubos maisip na kinaya ni Jooyoung na pabayaan si Joohyun sa mga kamay ng kung sinong driver. 


Naiinis ba siya kay Joohyun? Hindi. Kahit kailan hindi niya magagawang mainis sa girlfriend pero aaminin niyang hindi niya nagustuhan ang nangyari ngayong gabi.
Gusto rin niyang malaman kung bakit nalasing ng todo si Joohyun para magpa-book ng grab gayong may usapan silang susunduin niya ang girlfriend. Alam niyang may valid na rason si Joohyun kaya humantong sa ganito ang sana'y ordinaryong despedida party lang. 

 

 

 

 

 

 

Akala ni Seulgi ay makakatulog siya kahit sandali pag-uwi niya sa condo pero wala siyang ginawa kung hindi ang magpa-ikot ikot sa kama. Masyadong maraming bagay ang tumatakbo sa isip niya.

 

Nang makita niyang unti-unting lumiliwanag na ang paligid bumangon na siya para maligo. Kailangan niyang makapag-paliwanag sa nanay ng girlfriend niya kung anong nangyari kagabi.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Alas sais y medya pa lang ng umaga ay nasa bahay na nila Joohyun si Seulgi.

 

 

"Tita, pasensya na po kasalanan ko hindi ko agad nasundo si Joohyun. Hindi na po mauulit yun." paghingi ng tawad ni Seulgi. 

 

 

"Nak, hindi mo kasalanan yun. Matanda na si Joohyun. Dapat marunong na siyang mag-alaga sa sarili niya."

 

 

"Pero Tita nangako po ako sa inyo na aalagaan ko si Joohyun tapos di ko naman nagawa."

 

 

"Ay naku itong batang 'to. Halika nga dito." niyakap ni Tita Jean si Seulgi. "Wala kang kasalanan. Malaki na si Joohyun dapat matuto rin siyang maging responsable sa mga ganitong bagay."

 

 

Hindi alam ni Seulgi kung anong isasagot niya sa sinabi ni Tita Jean. Nagi-guilty pa rin kasi siya dahil hindi niya natupad yung pangako niya. 

 

 

"Puntahan mo na kaya si Joohyun sa kwarto sabayan mo ng matulog. Nangangalumata ka na. Nakapagpahinga ka ba kanina?" tanong ni Tita Jean. 

 

 

"Hindi po masyado, Tita." matipid na sagot ni Seulgi. "May stock po ba kayong gamot dito? Baka po kasi masakit ulo ni Hyun pag-gising isasabay ko na po pag-akyat ko." dugtong niya. 

 

 

"Ay kakaubos lang. Bibili na lang ako sa labas teka." ibinulsa ni Tita Jean yung wallet niya at naglakad na palabas. 

 

 

"Ako na lang po ang bibili para di na kayo matagalan. Hatid ko na rin po kayo sa store, Tita." alok ni Seulgi. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Nagising si Joohyun na balot ng pawis ang buong katawan. Napahawak siya sa lalamunan dahil sa panunuyot nito. Dali-dali siyang bumangon para makainom ng tubig kaya lang pinagsisihan niya agad yun dahil para siyang inuugoy ng pagkalakas-lakas.

 

 

"Ugh..." kaya bumalik na lang siya sa pagkakahiga. 

 

 

"Ate, gising ka na ba?"

 

 

"Yeri? Anong gin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
886 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
337 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
886 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
886 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.