What's on your mind, Hyun? #2
Anghel ni Seulgi
Naglalakad si Joohyun sa hallway papuntang washroom. Kakatapos lang ng P.E. class nila at balak niya sanang mag-ayos ng sarili bago bumalik para sa next subject. Pagliko niya sa corner ay kitang kita niya kung paano bumagsak si Seulgi. Agad niyang nilapitan si Seulgi para sana tulungang tumayo kaso wala na pala itong malay.
Nakaupo na si Joohyun sa sahig para alalayan ang ulo ni Seulgi. Hindi niya alam kung anong gagawin. Kinakabahan siya dahil sinusubukan niyang gisingin ang kaklase pero hindi ito nagrerespond. Nagdadalawang isip pa siya kung iiwan ba niya ito para humingi ng tulong sa teachers nila. Kinuha na lang niya ang phone niya at tinawagan si Joy.
Umalingawngaw sa buong classroom ang ringtone ni Joy. Buti na lang at wala pang teacher kaya nasagot niya ang tawag.
"JOOOOY TULONG! SI SEULGI HINIMATAY. NANDITO KAMI SA TAPAT NG CR!" sigaw ni Joohyun sa tawag.
"HAAAAA? teka sasabihin ko kila ma'am!"
Paglabas ng classroom ni Joy ay nakasalubong nila ang teacher nila for their next subject. Napakabilis lang naikwento ni Joy ang nangyari kaya't agad namang inutusan ng teacher ang isang kaklase na tawagin ang school nurse nila habang sila ni Joy ay tumatakbo na papunta sa kung saan naroon sila Seulgi.
Tuliro na si Joohyun. Wala siyang magawa kundi ang magintay. Naiinis siya dahil kahit na nga kasama siya ngayon ni Seulgi ay wala naman siyang magawa para tulungan ito.
Ilang minuto ang lumipas at sunod na dumating sila Joy, ang teacher nila, at ang school nurse.
Agad na lumapit ang nurse para i-assess si Seulgi.
Above normal na ang heart rate ni Seulgi.
Hinila na lang ni Joy si Joohyun mula sa pagkakaupo nang makita niya ang kaibigan na nakatulala na lang.
"Joohyun, okay ka lang?"
"Joy, anong mangyayari kay Seulgi? Wala akong magawa. Ginigising ko siya pero hindi siya nagrerespond." mangiyak ngiyak na sabi ni Joohyun.
Napakabilis ng pangyayari. Nakita na lang nilang dumating ang medic na tinawagan ng school nurse at nilagay sa stretcher si Seulgi.
...............
"Joohyun, nakaisip ka na ba ng course mo?" tanong ng nanay niya.
"Ma, gusto ko po sanang mag-take ng nursing. Tapos kung may pera pa tayo itutuloy ko ng medicine."
Napangiti naman ang nanay niya sa narinig.
...............
3 days nang hindi nakakapasok si Seulgi. Ang balita niya ay naka-confine pa rin ito.
Simula nung incident kay Seulgi napapaisip na si Joohyun paano kung malagay ulit siya sa similar na situation. Paano kung family member na ang maabutan niyang nakahandusay sa sahig at walang malay tapos wala siyang magawa. Maiwan siyang helpless at useless sa ganung tagpo?
Right then and there napagdesisyunan niyang mag-aral ng nursing at kung papalarin ay maging doctor.
..............
"Joooooooo! Buti na lang sabay tayong nag-enroll no."
"Oo nga eh akala ko magisa lang ako. Ang late mo naman kasi dumating kinabahan ako." sagot ni Joohyun sa kanila.
"Sorry na eh kasi di ko pa naman kabisado daan dito. Ay, alam mo ba? Nakasalubong ko sila Byul. Blockmates tayo!"
"Talaga di ko sila nakita sa registrar kanina? Edi marami na pala tayo dito. Di na masyado nakakatakot. Nursing din pala gusto nila no? Di naman kasi sila nagseseryoso pag tinatanong sila noon kung anong course gusto nila eh."
"Naku, ewan ko ba sa tatlong yan lagi naman kalokohan lumalabas sa bibig. ayaw ata maghiwahiwalay eh kaya pati si Lisa at Seulgi nag-nursing din."
Napangiti si Joohyun nang marinig niya ang pangalan ni Seulgi.
Another 4 years with Seulgi, she thought.
................
Recently...
1 new message from Joohyun
Joohyun: Joy, I have something to tell you pero di ko alam saan magsisimula :(
Joy: hey, Joo. Tungkol saan? I'm all ears.
Joohyun: i dunno, Joy. I'm beginning to enjoy Seulgi's company. These past weeks napapagaan niya yung pakiramdam ko. When I'm stressed o kaya naiinis napapakalma niya ako.
Napangiti naman si Joy sa nabasa niya. Joohyun is starting to notice things na noon ay oblivious pa siya.
Joy: Joohyun, parang alam ko na yan. Nako-confuse ka kung ano ba yang nararamdaman mo no?
Joohyun: yes :( Dati kasi nakikita ko lang yung makulit at mapangasar na side ni Seulgi. Minsan nakakatawa pero minsan talaga malapit na ako mainis. I dunno what happened or what changed pero para bang I'm seeing her in a new light? Naappreciate ko lahat ng ginagawa niya. Sometimes, i get scared kasi parang ngayon ko pa lang na-feel 'tong ganito. Hindi ko maintindihan sarili ko.
Joy: Don't force yourself too much. You can't define
Comments