Chapter 18

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 


"Hello, Mama?"


"Oh anak, may kailangan ka ba?" sagot ng nanay ni Joohyun.


"Mama, papaalam ko lang po pupunta si Seulgi dito kila Jennie bukas kasama po iba naming classmates." hesitant na sabi ni Joohyun. Hindi siya sigurado kung papayag ang nanay niya pero dahil napagusapan nila ni Seulgi na hindi sila magtatago ay nagpaalam pa rin siya.


"Anak, ano bang gagawin ko para makinig ka sa akin? Pinaliwanag ko na sa'yo 'to nung nagusap tayo."


"Mama, marami naman po kami dito. Hindi lang kaming dalawa ni Seulgi."


"Bahala ka. Nagpaalam ka pa pero gagawin mo rin naman ang gusto mo."


"Mama, ayaw po namin ni Seulgi na magsinungaling sa inyo kaya po ako nagpapaalam. Wala naman po kaming ibang gagawin dito bukas. Kakain lang at manonood." malungkot na sabi ni Joohyun.


"Ikaw ang bahala anak. Sana lang hindi makarating ang balita sa lola mo."

 

"Thank you, Mama."


Di pa tapos magsalita si Joohyun ay binabaan na siya ng nanay niya. 

 

 

 


1 new message from Soon to be gf

Soon to be gf: Kuliiiiit! Pumayag si Mama. See you tomorrow.


<3 Soon: talaga? Hindi nagalit? See you tomorrow. Anong gusto mong breakfast?


Soon to be gf: medyo nainis pero sabi niya ako daw bahala. I want tteokbokki?


<3 Soon: ganun ba? Le'ts be careful na lang siguro na di makita ng mga cctv neighbors natin paguwi. Maanghang yung tteokbokki! Di maganda sa breakfast yun eh.


Soon to be gf: sige kahit ano na lang. Ikaw na po magdecide.


<3 Soon: okay. Tanong ko si Wendy anong dadalin niya.


Soon to be gf: iinom daw kami mamaya. Bumili sila Joy sa 711 kanina.

 

<3 Soon: Sanay ka ba uminom, Hyun? Ano iinumin niyo? 


Soon to be gf: hindi hehe... Ang dami nilang binili! May beer, soju, vodka, tsaka wine. 


<3 Soon: seryoso na kayo diyan haha. Halo halo yan ang sama ng hang over niyo niyan bukas. Sanay ba uminom sila classmate? 


Soon to be gf: ganun ba yun pag halo halo? hindi rin sila sanay uminom >. <


<3 Soon: naku yare na talaga haha. Opo kapag halo halo ininom tapos di sanay sa alak malakas tama niyan kinabukasan. Okay ganito na lang. Bago kayo uminom lock niyo yung pinto ah? Pati yung door papuntang balcony i-lock mo agad. Wag kayo lalabas ng balcony nang lasing ah? Tapos kain kayo ng dinner bago kayo mag experiment sa mga binili niyo. Wag ka po iinom na walang laman ang tiyan ah? 

 

Soon to be gf: okay po. Noted lahat yan. 


<3 Soon: pag di na kaya wag niyo pilitin ubusin ah? And one more thing, inom ka ng water before you sleep.


Soon to be gf: parang ayaw ko na uminom haha


<3 Soon: haha sayang naman bili niyo. Try mo na lang din for experience pero pag di na kaya inumin niyo na lang yung natirang mogu mogu na dala ko kanina. 


Soon to be gf: okay po. Text kita later ah. Kain lang kami. Kain ka na rin dinner. 

 

 

Actually, naglalakad pa lang si Seulgi pauwi dahil galing siya sa Jollibee. Pinuntahan niya si Jeongyeon para tanungin kung may vacancy ba sila for a part-timer kaso walang bakante kaya nabigo siya. 


Nagpost naman na si Seulgi sa mga groups sa social media niya na tumatanggap siya ng mga simpleng art commision para makaipon ng pera. Alam niyang hindi malaki ang kikitain niya dito pero positive naman siyang makakadagdag ito sa ipon kung sakaling magkagipitan na. Kaya nga naghahanap siya ng part time job ngayong sembreak. Tamang tama rin ito dahil sa usapan nila Joohyun, babawasan nila ang pagkikita nila. May time siya para isingit ang trabaho. Nagpaalam na rin siya sa parents niya at pinayagan naman siya. Di nga lang niya sinabi yung totoong reason bakit niya gustong makaipon. 

 

 

"Seulgiiiiii!"

 

Napalingon si Seulgi sa tili na narinig niya. Si Tiffany pala yung tumawag sa kaniya. 


"Ate Tiffany! Tulungan na kita." binuhat ni Seulgi yung ibang plastic bag na dala ng kausap. Mukhang galing palengke ang pinsan ni Joohyun. 


"Ay salamat, Seul. San si Joohyun? Di kayo magkasama." tanong ni Tiffany. 


"Nakila Jennie po. Overnight daw."


"Seulgi, okay lang tulungan mo na ako hanggang bahay? Dun ka na magdinner."


"Nakakahiya naman pero ano bang ulam niyo?" biro ni Seulgi. 

 

"Loko loko ka talaga. Para kang si Taeyeon kung magsasagot eh."


"Luh, sutil din si Prof?" 


"Naku siya tanungin mo. Nandun yun sa bahay ngayon eh."

 

 

Pagkapasok ni Tiffany at Seulgi sa bahay, sinalubong agad sila ni Taeyeon. 


"Oh Seulgi, uy thank you ah pinagbitbit mo ate Tiffany mo."


"Walcome, Prof." sagot ni Seulgi. 


"Ano ka ba? Sembreak na tsaka tapos ka na sa AP. Di na kita studyante. Ate Taeyeon na lang pag wala tayo sa school." nakangiting sabi ni Taeyeon. 

 

Natapos yung dinner nila kasama ng nanay at tatay ni Tiffany. Masaya naman sila kasama. Halos parehas lang ng pamilya ni Seulgi kaya di na siya nahirapan makibagay sa kanila. 


Magpapaalam na sana siyang uuwi na pero inakbayan siya ni Taeyeon. "Dito ka muna. May binalita kasi sa'kin si Fany eh. Gusto mo tips?" nakangising tanong ni Taeyeon. 

 

Nakaupo si Taeyeon at Seulgi sa may garahe. 


"Babe oh" inabutan ni Tiffany ng isang bote ng pulang kabayo si Taeyeon at tsaka umupo sa bakanteng upuan sa tabi ng girlfriend.


"Thanks, Babe. Oh Seulgi tsaka na lang tayo maginuman pag graduate ka na. Anyway, hindi naman sa nanghihimasok kami ni Fany pero gusto lang namin sabihin sa inyo ni Joohyun na anuman ang mangyari nandito kami para tumulong."


"Thank you, prof. I mean, Ate Taeyeon." sagot ni Seulgi.


"Been there done that. Mahirap talaga sa umpisa kasi para mong kakalabanin nanay ni Dao Ming Se eh. Ganun kalala Seulgi dagdag mo pang homophobic si Lola." paliwanag ni Taeyeon.

 

"Ano bang napagusapan niyo ni Joohyun?" tanong ni Tiffany.


Kinwento ni Seulgi lahat ng kundisyon nila ni Joohyun hanggang sa paghahanap niya ng part-time job.

 

"hmmm that's good. Basta make sure lang na pag may pasok na eh di niyo papabayaan pagaaral niyo ah?" bilin ni Taeyeon.

 

"don't worry Seulgi. Nandito kami. Nakausap ko na rin naman si Papa. Kung sakali talagang malaman ng lola mapapahiram niya ng pang tuition sila Hyunnie at Yerimie. Sa ibang gastusin naman ako ng bahala dun." paga-assure ni Tiffany. "Siguro ang magandang gawin niyo na lang eh pakita niyo kay Tita Jean na seryoso kayo talaga. Na mahal mo talaga ang pinsan ko."

 

"Mahal ko po si Hyun, ate Tiffany. Gagawin ko po lahat para matanggap ako ni Tita."


"Babe parang ikaw yan dati. Except mas matangkad sa'yo si Seulgi." biro ni Tiffany. 
Sinamaan lang ni Taeyeon ng tingin ang girlfriend. 


"Pero Seulgi, ingat kayo sa mga kapitbahay bahay nila Tiffany. Diyan kami nahuli eh. Ewan ko ba bakit laging nakareport sa lola nila mga yan. Ayun tuloy nagsurprise visit sa school noon."


"Sumisipsip mga yun kay lola. Para siguro hindi taasan ni Lola yung rent sa apartment nila." sagot ni Tiffany.


"Sila pa rin po ba nakatira sa paupahan ng lola niyo?" takang tanong ni Seulgi. Ang tagal na nun eh baka naman lumipat na yung iba.

 

"Yung iba nandiyan pa Seul kaya magingat pa rin kayo. Kung gusto niyo magkita ni Joohyun dito na lang sa bahay. O kaya sa bahay niyo." suggestion ni Tiffany.

 


Umuwi si Seulgi na mas magaan ang loob kaysa dati. Napalakas ang loob niya sa mga sinabi nila Tiffany sa kaniya. Nagpapasalamat siya dahil may mga gaya nila na willing tumulong sa kanila. 

 


1 nee message from Soon to be gf

Soon to be gf: Hi! Nagstart na kami uminom. :) 


<3 Soon: Hyun, yung mga bilin ko ah? Enjoy! Punta kami ni Wendy ng maaga diyan bukas. Sana may magbukas ng pinto sa amin. Hahaha


Soon to be gf: gigising daw si Joy >. <


<3 Soon: okay. Kwento mo sa'kin bukas ano magiging favorite mo sa mga inumin niyo. Hehe See you tomorrow! 

 

 

"Hello, tropa! Punta tayong maaga bukas dun mukhang kailangan nila ng hangover soup hahaha!" bungad ni Wendy pagkasagot ni Seulgi ng tawag. 


"Tropaaa! Oo nga hahaha ikaw ba nagturo kila Joy kung anong iinumin?"

 

 

 

 

"Ang tinanong lang sa akin ni Joy ano masarap na alak. Binigyan ko siya ng list ng mga usual na iniinom natin di ko naman alam na bibilhin nila lahat yun."

 

 

"Sinama mo yung wine sa listahan?!" takang tanong ni Seulgi. 

 

 

"Hindi. That's probably Jennie."

 

 

 

"Mukha nga. Agahan natin bukas ah. Bye tropa!" paalam ni Seulgi.

 

 

 

 

 

 

 

Alas sais pa lang ng umaga kumakatok na si Seulgi sa gate nila Lisa.

 

 

 

" 'tol naman ang aga pa nambubulahaw ka na." reklamo ni Lisa pagkakita niya kay Seulgi sa may gate nila.

 

 

"Tr

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
887 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
338 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
887 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
887 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.