Chapter 43

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

Napangiti si Joohyun sa narinig. Nawala yung kaba niya kanina. Masaya siyang nasa iisang pahina na ulit sila ni Seulgi ng bagong kwentong bubuuin nila.

 

"Welcome back, Kulit." may malambing na ngiti sa mga labi ni Joohyun.

 

"Namiss ko yan. I'm sorry sa lahat lahat." sabi ni Seulgi. 

 

"It's all in the past. Ang mahalaga nandito ka na. Gusto ko rin mag-sorry sa mga nagawa ko noon."

 


Namamangha si Seulgi sa pag-uusap nila ngayon. Halatang nahihiya pa sila sa isa't isa pero hindi sila nagpapaligoy-ligoy sa mga gusto nilang sabihin. It matters the most to Seulgi dahil bumalik siya na hindi alam kung tatanggapin pa ba siya ni Joohyun. Ang alam lang niya ay handa na siyang ibigay yung buong pagmamahal niya sa babaeng nasa harap niya. 

 

"Alam kong hindi ko deserve 'tong chance na hihingin ko sa'yo pero di ko na papakawalan 'to, Hyun." sagot ni Seulgi. Kung pwede lang yakapin niya si Joohyun ginawa na niya pero alam niyang marami pa silang dapat pag-usapan at gawin bago simulan ang book two ng buhay nilang magkasama. "I'll earn back my spot sa puso mo if you'll let me?"

 

Huminga ng malalim si Seulgi.
"...pero bago ko magawa yun gusto kong ikwento sa'yo lahat ng nangyari sa akin sa tatlong taong nawala ako, hindi lahat maganda. May mga pangyayaring hindi ako proud but you have to know every bit of it. I want to start with a clean slate."

 

"We'll take it slow then. Marami rin akong gustong ikwento." sagot ni Joohyun. 

 

"Hindi ka galit sa'kin?" nagtataka si Seulgi dahil kahit ni katiting na inis o galit walang pinakita sa kaniya si Joohyun. Sa loob ng tatlong taong pananahimik niya kahit sino magagalit pero kay Joohyun ramdam niya yung pag-unawa. 

 


"Nagtampo pero di ako nagalit sa'yo kahit kailan. Alam kong isa ako sa nagtulak sa'yo para gawin yun." malungkot na sabi ni Joohyun. 

 

"Sabi ko sa'yo noon diba? Hindi ikaw ang may kasalanan."

 

Pinigil ni Joohyun na matawa. "Magpapaikot ikot lang tayo, Seulgi. Let's talk tapos iwan na natin sa nakaraan lahat ng malungkot na bagahe natin? Pero siguro hindi ito yung tamang lugar para pagusapan natin lahat 'to."

 

"Usap tayo sa rest day mo?" nahihiyang tanong ni Seulgi. 

 

"Sige." sagot ni Joohyun kaso napahikab na siya. Di kasi siya naka-nap kaninang madaling araw kakaisip kay Seulgi. 

 

"Hala, sorry. Inaantok ka na." tumingin si Seulgi sa relo niya. 7AM. Kung ihahatid niya si Joohyun pauwi ngayon makakabalik pa siya on time para sa 8AM na pasok niya. "Tara. Hatid na kita sa inyo?"

 

"Hindi na baka ma-late ka pa. Minus ganda points yun sa bisor niyo."

 

Nangiti si Seulgi. 
"Okay sige. Hatid na lang kita sa sakayan." 

 

 

 

Dahan-dahan silang naglalakad palabas ng ospital papunta sa sakayan ng jeep. Kung may power lang si Joohyun na patigilin yung oras baka kanina niya pa ginawa. Tatlong taon niyang hinintay 'tong pagkakataon na 'to. 

 

Dati iniimagine niya lang na makasama ulit si Seulgi pero ngayon ilang hakbang na lang ang layo niya dito. Kaunting dikit pa at mahahawakan na niya yung kamay na dati ay nagsilbing gabay niya sa mga pagsubok noon sa buhay. 

 

'I'm glad you're back. Let's make it work this time.' sabi ni Joohyun sa sarili habang nakatingin kay Seulgi. 

 


Tahimik lang silang naglalakad habang dinadama yung pamilyar na katahimikan sa pagitan nila. Comforting silence, ganito sila noon.

 

 

 

 

 

 


"Baka meron mag-isa lang diyan?! Walang boypren, walang gerlpren! Isa na lang lalarga na!" sigaw ng barker ng jeep. 

 


Nagising mula sa kanilang malalim na pagiisip yung dalawa. Bahagyang natawa si Seulgi. 

 

"Hyun, tawag ka na ni kuya. Walang girlfriend daw." biro ni Seulgi. "Sakay ka na." yung ngiti ni Seulgi halos ga-guhit na lang ang mata. 

 

Soft giggles. "Sira. Sige na una na ko."

 

Napahawak si Seulgi sa kaliwang bahagi ng dibdib niya pagkarinig ng pigil na tawa ni Joohyun. Kumabog kabog na naman ito, para bang nagpupumiglas at gustong makawala. 'Pigilan mo sarili mo, Kang Seulgi.' sabi niya sa sarili. 

 

"Di bale, Hyun. Kung papayag ka last sakay mo na ngayon bilang single." may malokong ngiti sa labi niya. Di alam ni Seulgi saan siya nakakuha ng lakas ng loob para biruin ang ex-girlfriend ng ganun. 

 

"Tignan natin." napakagat labi si Joohyun sabay talikod kay Seulgi. 

 

Pinanood ni Seulgi makaandar palayo ang jeep na sinasakyan ni Joohyun at tsaka lang siya nakahinga ng maluwag. Nanlambot bigla yung tuhod niya sa mga naganap. 

 

'Di na kita iiwan, mahal.' sabi ni Seulgi sa sarili. 

 

 

 

 

 


"Tol, bakit ganyan mukha mo ha? Kanina ka pa nakangiti. Tsaka bakit ngayon ka lang? Sabi mo mag-uusap kayo ni Joohyun." usisa ni Lisa. Agad niyang sinalubong si Seulgi pagpasok nito ng diagnostic center. 

 

"Masaya lang 'tol." tipid na sagot ni Seulgi. Umiwas na siya kay Lisa dahil alam niyang mangugulit ito na magkwento siya. 

 

"Teka laaaaaaaang. Nagkita na kayo ni classmate? Magkwento kaaaaaa."

 

"Oo, nagkita na kami pero mamaya na kwento. Trabaho muna." 

 

Nanahimik si Lisa dahil nakita na nila yung mga nakapilang pasyente na for ECG. 

 

"Laki ng ngiti mo ah. Mukhang okay usap niyo ni Joohyun." sabi ni Byul habang inaayos yung ECG machine na gagamitin nila.

 


"Okay na okay, 'tol." nag-thumbs up si Seulgi kay Byul. 

 

 

Naging busy yung tatlo buong araw. Dumami yung volume ng pasyente nila nung bandang tanghali na kaya hindi sila nakapagsabay sabay ng lunch break. 

 

Dahil masyadong masaya si Seulgi nung umagang yun nagvolunteer siyang magpaiwan para makapaglunch na sila Lisa. Yung mga senior nurses nila ay busy rin. Gaya nila, di rin sabay sabay nag break kaya nahiya sila kung tatlo silang magbebreak ng sabay. 

 

"Sige na. Una na kayo ni Byul kumain. Ako na muna bahala dito." sinilip ni Seulgi yung pila sa labas ng ECG room. Wala pa namang sampu yung nakapila kaya pinaalis na niya yung dalawa. 

 

"Sure ka? Alas dos na kaya di ka pa gutom?"

 

"Oo nga. Sige na umalis na kayo lalo lang matatagalan pag nagpabebe pa kayo diyan."

 

Masaya si Seulgi. Di niya ramdam yung pagod at gutom. Busog na busog pa rin siya sa binigay na breakfast kanina ni Joohyun. 

 


Wala pang isang oras ay bumalik na sila Lisa para makakain agad si Seulgi. 

 

"Ang bilis niyo naman may 15mins pa kayo."

 

"Kain ka na 'tol. Kami na bahala dito." sagot ni Lisa. 

 

 

 

 

 

 

Pagdating ni Seulgi sa cafeteria hindi na ganoon kadami ang mga tao. Mag-aalas tr

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
893 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
347 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
#5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
893 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
893 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.