Chapter 63

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 


"Carrot cake."


"Date."


"Skin care."


"Breakfast in bed."


"More cuddles."


Binasa ni Seulgi yung mga naka-strikethrough sa listahang hawak niya.


"Ano 'to, Hyun? Nalaglag sa lapag nung inangat ko yung planner mo."


Napatingin si Joohyun kay Seulgi na may nakakalokong ngiti.


'Busted.' sabi ni Joohyun sa sarili. Hindi dapat makita ni Seulgi yung listahan niya dahil nahihiya siyang malaman ni Seulgi na iilan lang ang na-accomplish sa dami ng sinulat niya. Kaya lang wala na siyang choice dahil mangungulit lang ang girlfriend niya kung hindi niya sasagutin. 


"Checklist ni unemployed Joohyun." 


"Ha? Bakit ka may ganito?" 


"Actually, yan yung mga gusto kong gawin natin hangga't hindi pa nags-start ang classes ko."


"Ah kaya pala may pa-skin care bigla." lumapit si Seulgi sa girlfriend na abala sa pag-silip ng mga laman ng bag nito. 


"Sorry, di ko man lang nakalahati yung mga nakasulat diyan."


"Para saan yung sorry? Eh sobrang na-enjoy ko naman lahat ng naka-check off dun sa listahan mo kahit na mainit sa Dapitan." sagot ni Seulgi. 


"Wala lang...kasi starting bukas baka di na kita mabigyan ng oras masyado."


"Maiintindihan ko naman yun, mahal. At tsaka kung di mo ako mabigyan ng oras, I'll make time for you. Ako po ang mag-aadjust." hinawakan ni Seulgi ang kamay ni Joohyun at pinaglaruan ang mga daliri nito. "Kaya pala you're working extra hard dito sa bahay tsaka sa pag-aasikaso sa akin dahil dun. Tignan mo tuloy 'tong kamay mo dami ng kalyo." biro ni Seulgi para pagaanin ang mood ng usapan nila. 


"Mahal naman eh." hinatak ni Joohyun yung kamay niya mula sa pagkakahawak ng girlfriend pero nahila rin ito pabalik ni Seulgi. Kinuha niya yung lotion ni Joohyun sa dresser. 


"Naalala mo nung college binibilhan kita ng sanitizer na may moisturizer?" tanong ni Seulgi habang nilalagyan ng lotion ang kamay ni Joohyun.


"Oo. Pinaka-memorable yung unang beses mong nilagyan ng sanitizer yung kamay ko. Sobrang pula ng tenga mo nun." natatawang sagot ni Joohyun. 


"Paanong hindi mamumula eh first time kong mahawakan yung kamay mo." tumigil siya saglit para pagmasdan si Joohyun. "Basta Hyun tumanda man tayo, lumipas man ang mga araw, maiba man yung mga lugar na gagalawan natin, isa lang ang hindi magbabago," patuloy lang si Seulgi sa paghaplos ng kamay ng girlfriend. "mabawasan man yung oras nating magkasama hindi mawawala yung pangako kong araw-araw kitang mamahalin."


"Alam ko, ramdam ko. Kaya lang nung nadala ka sa infirmary dun ko na-realize na dapat hindi ko sayangin yung oras na meron ako para iparamdam sa'yo kung gaano kita kamahal."


Hinila ni Seulgi si Joohyun para yakapin. "Kung umabot man tayo sa sitwasyon na masyado na tayong busy, mayakap lang kita sa pagtulog sapat na sa'kin yun." bulong niya sa girlfriend.


Pagtapos noon ay tumayo si Seulgi para kunin yung ironing board na nakasilid sa cabinet. Tahimik lang niyang nilabas ang puting puting uniform ni Joohyun at inumpisahang plantsahin.


"Mahal, ako na diyan." tumayo si Joohyun para kunin yung plantsa kay Seulgi. 


"Wag na. Rest ka na lang diyan para marami kang energy bukas. Kiss mo na lang ako mamaya." sagot ni Seulgi sabay kindat.


"Bakit mamaya pa? Pwede naman ngayon." Joohyun smirked. Nilapitan niya si Seulgi at humalik sa pisngi nito. 


"Bakit dun lang?" nakapout na sagot ng girlfriend ni Joohyun. 


Soft giggles. "Baka masunog yang uniform ko kapag dito kita kiniss." nilapirot ng bahagya ni Joohyun ang bibig ni Seulgi. 


"Awraay mwahaaal." reklamo ni Seulgi. 


"Arte...mamaya kikiss kita madami." lumabas si Joohyun para kunin sa sala yung libro at iba pang gamit niya for tomorrow's class. 


"Atlas of Human Anatomy. Grabe naman yun, Anatomy agad kayo bukas? Sa first day?" tanong ni Seulgi pagkakita niya ng bitbit na libro ni Seulgi.


"Yes, dagdag mo pa Biochem tsaka ibang subjects."


"Nyay. Giyera agad bukas, mahal." nakakunot-noong sagot ni Seulgi.


Di napigilan ni Joohyun ang matawa sa sinabi ng girlfriend dahil alam niyang may masaklap na nakaraan si Seulgi at Biochem noong university days nila.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Inihinto ni Seulgi ang sasakyan sa tapat ng main gate ng university ni Joohyun. "Mahal, ID mo? Pens? Registration card? Kumpleto na ba gamit mo?"


"Mahal, mas excited ka pa sa'kin eh. Kumpleto na po gamit ko." sagot ni Joohyun habang ina-unbuckle niya ang seatbelt.


"Gusto ko lang smooth ang first day mo." inabot ni Seulgi yung tumbler ni Joohyun na pinrepare niya kanina. "Inom ka maraming tubig ah?"


"Opo. Kiss mo na ko dali bababa na ako."


Napangisi ng malaki si Seulgi. "Lika nga dito." inilapit niya ang katawan kay Joohyun at hinawakan ito dahandan sa batok pagtapos ay hinalikan niya sa ilong hanggang sa makarating siya sa labi ng girlfriend. "I love you. Sorry hindi kita masusundo mamaya."


"It's okay. Sumabay na graveyard shift ka later eh." tinitigan ni Joohyun si Seulgi na para bang matagal silang magkakahiwalay. "Mahal kita, Kulit." humabol pa siya ng isang mabilis na halik bago siya bumaba ng kotse.


"Good luck, my future doctor!" sigaw ni Seulgi habang pinapanood niyang maglakad ang girlfriend palayo. "You really look beautiful in white." sabi niya, pinagmamasdan si Joohyun na nakasuot ng puting uniform.

 

 

 

 

 

 

 

 

"What's one device that doctors should have most of the time?" tanong ng professor nila pagpasok na pagpasok pa lang nito sa pintuan ng classroom.


Napatingin si Joohyun sa harapan pagkarinig ng tanong nito. She racked her brain for the answer. 'Stethoscope?' sabi niya sa sarili.


"Anyone?" tanong ng professor. Nang walang sumagot ay napilitan itong magtawag ng random na estudyante. "You, mister. The one holding a burger. Haven't had your breakfast yet?"


"S-sorry, sir. I---" sagot ng estudyante pagtayo nito.


"It's okay. We all need that boost. But please answer my question."


"Stethoscope, sir."


"Good. What's your name?" tanong ng prof.


"Keith po."


"Alright, Keith. Your answer's correct. You may sit down." inilibot ng professor ang tingin niya sa klase. "Hmmm...we have a lot of females here. Impressive. By the way, I am Dr. Santos."


Nakarinig ng mahinang pagbulong si Joohyun mula sa mga kaklase niya. Probably whispering something about their impression sa kakapasok lang na guro.


Umupo ito sa table sa harapan ng board. relax ang stance nito kaya bahagyang nakaramdam ng confidence si Joohyun sumagot kung sakaling magtatanong man ito ulit.


"Alright, let's start. Remove all books!" enthusiastic na sigaw nito.


Nakarinig na naman ng alingawn

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
886 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
338 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
886 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
886 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.