Chapter 54

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Nang makaramdam ng antok naglakad na pabalik ng hotel ang grupo nila Seulgi para makapagpahinga. 

 

When they reached their floor nag-kaniya kaniya na silang pasok ng kwarto. 

 


"Hyun?" sabi ni Seulgi pagpasok nila ng kwarto.

 

"hmmm?"

 

"Midnight na. Happy 3 months, mahal." binuksan ni Seulgi yung cabinet sa bedside at may kinuha sa loob. Pagharap niya kay Joohyun inabot niya ang tatlong pirasong sunflower beautifully arranged in a bouquet. 

 

"San galing 'to?" amused na tanong ni Joohyun. "Happy 3 months, Kulit. I love you." yumakap si Joohyun sa girlfriend.

 

 

"Bait ng reception, no? They helped me with that." sagot ni Seulgi.

 


Nangiti si Joohyun sa sinabi ni Seulgi. "Thank you for letting me stay with you."

 


Seulgi chuckled. "Ako dapat mag-thank you kasi gigising ako sa araw-araw na ang ganda ng katabi ko." nakangiting sabi ni Seulgi. "Hyun, alam mo may surprise talaga ako sa'yo to celebrate our 3rd month eh kaso ako yung na-surprise." dugtong niya. 

 

"What do you mean?" takang tanong ni Joohyun. 

 

"Open mo yung envelop diyan." tinuro ni Seulgi yung hawak na bouquet ni Joohyun. 

 

Pagbukas ni Joohyun ng envelop may maliit na note at cute na heart-shaped keychain sa loob. 

 

 

 

'My future doctor, 


I wasted three years dahil naduwag ako. We lost so many opportunities to be together dahil dun kaya I want to make up for the lost time. 


Would you like to sleep beside me and wake up in my arms everyday? Move in with me? Hmmm? 


P. S. 
I know you already outgrew your love for pink but I'd still let you paint our walls with your favorite color if you get bored. Also, kabit mo na yung susing binigay ko diyan sa keychain. 


-Kulit'

 

 

 

"Oooops. Did I ruin your surprise?" natatawang tanong ni Joohyun. 

 


Umiling si Seulgi. "Di naman. Amazing lang kasi lagi mo ko nauunahan sa mga ganito. As if you can read my mind." 

 


"I know you too well, Kang Seulgi." sagot ni Joohyun.

 


"You do! Grabe no? Parang iisipin ko pa lang maiisip mo na rin. Pero sure ako ito hindi mo naisip." 

 

"Huh? Ang alin?" takang tanong ulit ni Joohyun. 

 

"Last week diba bigla kang on-call? Sumakto sa plano ko yun." nakangiting sabi ni Seulgi. 

 

"What do you mean?" 

 


"Nung nag-grocery kami nila Tita I asked for her permission na kung pwede ako na ang tutulong sa'yo sa school expenses mo. Siyempre as a parent fulfilment nila ang makapagpatapos ng anak, diba? I don't want to disprespect her by suddenly taking over. I told Tita Jean na di niya kailangang mag-worry sa gastos dahil may pera naman tayo at makakapag-focus siya sa pagpapaaral kay Yeri."

 

Di agad nakapagsalita si Joohyun. Mga ilang segundo bago siya naka-recover sa sinabi ni Seulgi. "Anong sabi ni Mama?"

 

"Nung una hesitant siya pero nung huli pumayag din. Ang sabi pa ni Tita pinoproblema niya kung paano nga niya kayo pag-aaralin ng sabay ni Yeri. Ayun, nag-thank you siya sa akin. Sabi ko pera mo rin naman yun kaya di na niya kailangang mag-thank you."

 

"You deserve our thank you, mahal. Sa dami ng nagawa mo for me kulang pa yun." yumakap si Joohyun sa girlfriend. 

 

"Wag mong isipin yun. May isa pa akong pinaalam kay Tita."

 

"May isa pa?" bakas sa mukha ni Joohyun ang kalituhan. Iniisip niya kasi kung ano pa ba ang plano ni Seulgi para sa kanilang dalawa. 

 

"Nag-paalam ako sa kaniya, officially, kung pwede na ba kitang ayain mag-move in kaso ayun nga naunahan mo ko." malambing na sabi ni Seulgi habang hinahaplos ang buhok ni Joohyun. "Gusto ko kasi may permission ni Tita Jean. Plano ko kasing bumili na ng sariling unit. Yung atin na talaga."

 

Nanlaki ang mata ni Joohyun. "Our own place?" 

 

"Yes, yung sa atin na talaga. Yung pwede mong gawin kahit ano." proud na sabi ni Seulgi. "Original plan ko talaga bumili na agad tapos isu-surprise na lang kita kaso naisip ko antayin ko na lang muna na makapili ka ng med school na papasukan tapos dun na tayo maghahanap ng condo around the area. Para mas madali sa'yo papasok."

 

"Mahal..." Joohyun looked at Seulgi with so much love and respect. "Kulang talaga ang thank you sa mga ginagawa for me and my family." 

 

"Instead of thanking me wag mo na lang akong unahan mag-aya ng kasal sa future?" hinalikan ni Seulgi si Joohyun sa pisngi. "hmmm?" 

 

And just like that, Joohyun's heart melted into a puddle. Ilang salita lang mula kay Seulgi at nag-flashback ang memories nilang dalawa sa unang araw na inamin nilang mahal nila ang isa't isa. Napahawak siya sa letter S pendant na nakasabit sa leeg niya at napangiti. 

 

'Kasal? Akala ko ako pa lang ang nakakaisip ng kasal sa ating dalawa pero heto ka giving me hint na papakasalan mo ako sa future. I have imagined us walking down the aisle, fingers intertwined, and our future in mind. Rhyme yan, Joohyun?' sabi ni Joohyun sa sarili. Natawa sa ka-cornyhan niya.


"Mahal, anong iniisip mo?" tanong ni Seulgi. "Was it too much? Yung idea ng kasal?" nagaalalang tanong niya kay Joohyun. 

 


Seulgi's soft voice woke Joohyun up from her daydream. Bumitaw siya sa pagkakayakap ng girlfriend at humarap siya dito. 

 

"No, it's not that." sagot ni Joohyun. "I'd love to marry you. Ikaw lang ang gusto kong makasama habang-buhay pero not so soon, hmm?" 

 


"I understand. Unahin muna natin abutin yung mga pangarap natin." nakangiting sabi ni Seulgi. 

 

"Why are you so considerate, mahal? In love na naman ako sa'yo niyan eh." Joohyun gave Seulgi a quick peck.

 

"Sarap naman nun. Pwedeng isa pa?" nilapit ni Seulgi ang mukha niya kay Joohyun at inumpisahang halikan ang girlfriend. It started slow kaya lang habang tumatagal napapalalim na yung halik ni Seulgi. 

 

"M-mahal..." nagsalita si Joohyun para matigil si Seulgi kasi baka kung saan pa sila mauwi gayong hindi pa sila tapos mag-usap. "Sorry." she said apologetically. 

 

"Bitin." nag-pout si Seulgi na parang bata. Complete opposite ng Seulgi kanina na kung saan saan na nakapaglakbay ang kamay. 

 

"Ang cute mo pero wait lang po I have a surprise for you din kasi." may kinuha si Joohyun na dalawang box mula sa bag niya. "Here. Open mo muna yung maliit." dugtong niya.

 


Binuksan ni Seulgi yung maliit na box at napangiti siya ng pagkalaki-laki. "Mahal, ang ganda nito." nilabas niya sa box ang isang leather wrist watch. 

 

"Meron din ako niyan. A bit lighter lang yung color."

 

Mas lumaki pa yung ngiti ni Seulgi nang marinig niya yun. "Couple watch? Aaaah kilig ako!"

 

"Ang arte talaga." Joohyun

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
886 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
337 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
886 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
886 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.