Chapter 1

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter


Chapter 1

"Ma, labas lang ako saglit ah. Balik din ako agad!"

Mabilis na lumabas si Seulgi ng bahay nila at hindi na inantay pa ang sagot ng nanay niya.

Simula noong ma-lift na ang ECQ sa Metro Manila ay nakagawian na ni Seulgi ang ganitong routine gabi-gabi. Pagpatak ng alas siyete y medya ay lalabas siya ng bahay at maglalakad ng 30 mins papunta sa isang branch ng Angel's burger sa may Bago Bantay, iyong katapat ng Santo Nino Parish. Taga Visayas Ave si Seulgi pero di naman niya iniinda yung pagod dahil mas importanteng masundo niya si Joo Hyun.

07:25 PM
Seulgi: Lisa, erp! Samahan mo naman ako.

07:26 PM
May Lisa: Erp, pass muna. May sinasagutan pa ako due daw 'to bukas sabi ni Ms. Kim ah? Tapos mo na ba yung sa'yo?

07:28 PM
Seulgi: hindi pa hehe

07:29:
May Lisa: bahala ka diyan pag ikaw bumagsak sa subj ni Ms. Kim ah!

Nagpatuloy na lang sa paglalakad si Seulgi matapos mabasa ang text ni Lisa. Bitbit ang maliit niyang sling bag na may lamang wallet, extra face mask, alcohol, at payong. Ang tawag nila Lisa dito ay Sundo starter pack. Mamaya na lang niya poproblemahin kung matatapos ba niya yung module na due na bukas. 

Gabi-gabing walkaton ang ginagawa ni Seulgi dahil bihira pa rin ang biyahe ng jeep dahil nga sa pandemya. Mas gusto ni Seulgi na maglakad na lang kaysa magtiyagang magantay ng dadaang jeep. Baka ma-late pa siya ng dating at magkasalisi sila ni Joohyun.

 


"Joohyun, pabili ngang candy." sambit ni Seulgi na may nakakalokong tono. 

"Wala kaming candy. Nakita mo ba yang sign na yan ha, Seulgi? Angel's hamburger. Kung di burger ang bibilin mo, wag mo na lang akong buwisitin." napatingin naman si Joohyun sa kanyang silver casio wrist watch.

"Hmmm... 7:55 PM ang aga ng mokong na to ah." Mahina nyang bulong sa sarili.

"Ano kamo? Ang sungit naman nito nagtatanong lang eh." napakamot ulo na lang si Seulgi sabay upo sa bench na nasa tapat ng lutuan ni Joohyun. Nilabas na niya ang cellphone niya at inopen ang CODM. Nagmessage na siya kila Byul at Lisa para makapag rank sila habang nagaantay siya. Maglalaro na lang siya habang nagaantay mag-alas nuwebe ng gabi. 

Dahil sa pandemya mas maaga nagsasara 'tong burgeran nila Joohyun. May isang tagabantay at isang tagaluto talaga sila dito pero noong nag lock down ay napilitan silang paalisin ang mga tao nila dahil hindi na nila mapapasahod. Noong pinayagan na ng gobyerno magbukas ang mga kainan ay walang nagawa si Joohyun kung hindi ang tumulong sa pagbabantay. Mula umaga hanggang hapon, ang nanay niya ang tumatao dito. Pagtapos naman ng online class niya ay deretso siya sa tindahan para humalili sa kanyang ina. 

"Ano na naman bang ginagawa mo dito? Gabi-gabi ka na lang tumatambay. Di ka sumusunod na magstay at home lang." tanong ni Joohyun.

Napakamot na naman ng ulo si Seulgi sa pangalawang pagkakataon ngayong gabi. Napaisip tuloy siya, manhid lang ba talaga si Joohyun na hindi niya mahalatang nandito si Seulgi para masiguradong safe siyang makakauwi o dahil ba masyado na niyang nabubuwiset si Joohyun kaya di na ito makaramdam na may pagtingin si Seulgi sa kaniya.

"May dinaanan lang ako kay Byul diyan sa may 711." mabilis na sagot ni Seulgi. Napapadalas na niyang gamitin si Moon Byul na rason kung bakit siya pagala gala tuwing gabi malapit sa burgeran nila Joohyun. Taga Ilocos Sur street lang kasi si Byul. Isang tumbling lang ang distansya mula dito sa Angel's burger.

Tinignan lang naman siya ng kausap at nagumpisa nang magprito ng burger patty. Naamoy naman ni Seulgi ang niluluto ng babaeng nasa harap niya. Umalingasaw ang amoy ng patty. Nakaramdam na siya ng pagkalam ng sikmura. Di niya alam kung narinig ba ni Joohyun yung rambol sa loob ng tiyan niya pero wala naman siyang magawa. Hindi siya nagdinner bago pumunta dito. Naalala ni Seulgi yung sigaw ng nanay niya habang palabas siya ng gate kanina. Ah baka inaaya ako ni mama kanina kumain. Napakibit balikat na lang siya. Gutom na talaga siya. 

"hey miss pretty, pa-add ako ng isa pa para double patty." sabi ng customer ni Joohyun.

Napaangat naman ng tingin si Seulgi mula sa kanyang paglalaro at tinitigan ng masama yung customer.

"Tinitingin mo diyan ha?" mayabang na paghahamon ng customer kay Seulgi.

"Wala naman 'tol, may kamukha ka kasi eh." sagot ni Seulgi.

Nagtatakang tinignan lang siya ng customer. 

"... mukha kang bagang." pabulong na habol ni Seulgi.

Narinig naman ito ni Joohyun at agad na kinuha ang atensyon ng bumibili. "ehem ehem." pekeng pag ubo niya. "Ito na order mo." 

"Salamat, miss pretty." sabay wink. "Uhm, Bogum nga pala." sabay abot ng kanang kamay para makipag hand shake kay Joohyun. 

"Hep hep hep! Bawal yan 'tol! May pandemic diba. No contact." pagiling ni Seulgi with matching pagalaw galaw na index finger na nagsa-s

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
886 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
337 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
886 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
886 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.