Chapter 12

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Seulgi changed the group name from Kwek Kwek enthusiasts to TOPnotchers

 

 

 

9 PM (Saturday after nila magkwek kwek) 

Lisa: funny yan, 'tol? Anong TOPnotchers?

 

 

 

Seulgi: 'tol finals na next week. Mag-aral naman kayo.

 

 

Byul: angas na ah kala mo naman siya nagaaral. Hahaha

 

 

Seulgi: nagaaral ako no! Sa subj lang naman ako ni Ms. Kim sumablay nung umpisa eh. Pataasan pa tayo grades eh. Ano? Makabawi man lang sa pinambayad ko sa kwek kwek niyo.

 

 

Lisa: hoy ikaw nagsabing libre mo yun. Di ka namin pinilit!

 

 

Byul: oo nga! Mapagtanim ka naman pala Master eh haha

 

 

Seulgi: ang sabi ko lang naman ililibre ko kayo. Di ko sinabing gawin niyong buffet yung tinda ni Ate Tiffany!

 

 

Lisa: HAHAHAHA

 

 

Byul: lol! 

 

 

Seulgi: mga 'tol wag tayong manlalamang ng kapwa tsaka nga pala cancel muna this week ang sundo squad ah.

 

 

Seulgi: hoy! Walang reaction? Seen lang? 

 

 

 

 

Binitawan na ni Seulgi ang phone niya. Wala naman na siyang makukuhang matinong sagot sa kanila. May ike-kwento sana si Seulgi sa kanila kaso nga lang na-seenzone na siya eh. 

 

 

"Bahala sila. Sayang." sabi ni Seulgi. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

03:45 PM (Monday) 

 

"Hi po, Tita." bati ni Bogum na palinga linga na parang may hinahanap. 

 

 

"Oh Bogum." bati ng kausap niya. 

 

 

"Pabili po ulit ng tatlong footlong at anim na burgers. Nasan po si Ire-" 

 

 

"Si Joohyun? Wala siya eh." sabay nilang sabi. 

 

 

"Di siya magbabantay kasi finals week nila ngayon. Magaaral sila ng kaklase niya."

 

 

Napatango na lang siya sa nanay ni Joohyun. 

 

 

"Lutuin ko lang order mo ah."

 

 

Di na sumagot si Bogum dahil di na siya interesado sa sasabihin pa ng nanay ni Joohyun. Sayang punta niya. Yun lang naisip niya. 

 

 

Pagkakuha niya ng pinalutong burger ay agad siyang sumakay sa may driver's seat ng dala-dala niyang puting SUV.

 

 

 

"Oh!" inabot niya yung mga dala niyang pagkain sa katabi niya. 

 

 

"Wala no? Sayang punta natin. Sayang din pera mo. Lol!" mapang-asar na sabi ng kasama ni Bogum. 

 

 

 

"Nangasar ka pa kuya Kwang Soo eh. Tara na nga." inistart na niya ang makina ng sasakyan. 

 

 

 

"Sabi ko naman kasi sa'yo dumeretso ka na sa chick. Ikaw 'tong may sabing papalakas ka sa nanay eh. Ayan tuloy mukhang naunahan ka na nung isa pang chick." mayabang na sagot ni Kwang Soo. 

 

 

 

Walang maisagot si Bogum sa kuya niya kasi mukhang tama naman ang sinabi nito. Naggdrive na lang si Bogum palayo sa store. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pagtapos ng online class nila ay lumabas si Byul para bumili ng makakakain habang nagrereview siya. Sa wednesday pa ang exam nila kaya mayroon siyang hanggang bukas para mag-aral. Naglalakad siya malapit sa waiting shed sa may tapat ng condo nang biglang makita niya ang nakapark at naka-hazard na puting Montero. Bigla na lang itong umarangkada palayo. Natakot pa nga siyang mahagip nito kaya napaatras siya.

 

 

Paglagpas ng sasakyan nakita niya ang mga doggo friends ni Seulgi na nagkukumpulan. 

 

 

"Dito lang pala kayo naglalagi eh." sabi ni Byul. Nilapitan niya ang mga ito para sana i-check kaso agad nakuha ang atensyon niya ng isang plastic bag na puno ng hotdogs at burgers na pinagkakagukuhan nila. 

 

 

"San niyo nakuha yan?"takang tanong niya. 

 

 

Iniwan na lang niya ang mga aso dahil di naman niya ito mapipigilan sa pagkain. Babalikan na lang niya ang mga ito sa ibang araw para magdala ng dog food.

 

 

 

 

 

04:18 PM

Byul: Seulgi! Kita ko doggo friends mo sa may eskinita dun sa may condo. Nanginginain ng burgers at footlong. :(

 

 

Lisa: wow sosyal ng merienda nila. Samantalang ako, mani lang. Ito binigay ng nanay ko kainin ko daw habang nagrereview. Huhuhu

 

 

Byul: ang dami 'tol! Isang plastic bag yun. Kanino kaya nila nanakaw yun? Parang bagong luto mukhang galing pa sa burgeran nila Joohyun. Parang lutong Angel's eh. 

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
881 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
329 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
881 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
881 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.