Chapter 49

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 


"Seul, dami nating for ECG. Sabi ni supervisor wag muna tayo magsabay magbreak."

 

"First day ng APE eh kaya madami yan. Dating gawi, 'tol. Ako na lang last magbebreak. Usap na lang kayo ni Lisa sino mauuna sa inyong dalawa."

 

"Sige puntahan ko lang siya saglit sa echo room. Balikan kita agad."

 

Pag-alis ni Byul nag-umpisa na si Seulgi na papasukin isa-isa yung mga nakapila sa ECG. Mabilis kumilos si Seulgi kaya banayad yung flow ng pila niya. Nahalo na kasi yung mga employees at mga patients sa pila kaya kapag nagkaka-pasyente siyang mga senior citizens inuuna niya.

 

"Tol, sorry ngayon lang ako nakabalik. Nagloko yung machine ni Lisa. Nakatengga mga for 2D Echo dun. Tinulungan ko ayusin kaso di kaya eh."

 

"Oks lang, Byul. Palit muna tayo try ko i-troubleshoot yung machine."

 

 

 

 

 

 


"Lisa, ayaw daw gumana ng machine mo? Box-office ka na oh." biro ni Seulgi dahil nagkukumpulan na yung mga patient ni Lisa sa labas ng echo room.

 

"Kanina ko pa nga inaayos, 'tol. Tignan mo gumagana yung machine pero yung probe ko hindi nagana."

 


"Teka lang. Check ko." pagtapos ng ilang minutong pagbutingting napagana din ni Seulgi yung probe. "Okay na. Baliktad kabit ng mga probes kaya ayaw gumana."

 

Napapalakpak si Lisa sa tuwa. "Thank you, 'tol! Kaso mukhang di na ako makakapag-lunch nito natambakan na ko eh."

 

"Huy di papayag mga alaga mo sa tiyan. Gusto mo ako muna dito? Tulungan mo na lang si Byul dun sa kabila." alok ni Seulgi.

 

"Salamat, Seulgi! Bawi ako sa'yo next time." walang pagaatubiling pumayag si Lisa sa alok ni Seulgi dahil sa kanilang tatlo nila Byul, si Seulgi yung pinakamabilis at pinakamagaling pagdating sa 2D echo. Dahil nga naantala na ng matagal yung mga pasyente sa labas, mas mapapabilis kung si Seulgi ang gagawa.

 


Alas dos na ng hapon nung humupa yung pila sa ECG at 2d Echo. Nakapaglunch na rin si Lisa at Byul kaya binalikan na ni Lisa si Seulgi.

 

"Pagod ba? Sorry 'tol. Nga pala may bisita ka." sabi ni Lisa.

 

 

 

 

"Hi."

 

"Tanggal pagod ko bigla ah. Hi, Miss Bae."

 

"Bakit di ka po agad naglunch?" tanong ni Joohyun. 

 

"Kasi po dumami yung pila eh. Di naman ako agad makaalis tapos nawala na sa loob ko na maglunch."

 

"Kung di ka kakain di ka rin makakainom ng gamot. Pinapabayaan mo yang sakit mo." Joohyun said flatly.

 


"Sorry na po. Di na uulit." nginitian ni Seulgi si Joohyun.

 


"Priority ang pagkain at gamot, okay?" inabot ni Joohyun ang isang brown paper bag kay Seulgi na may lamang gimbap sa loob. "Ito na oh. binilan na kita ng lunch mo. Kain ka na ah? Babalik na ako sa taas tapos na break ko eh."

 


"Salamat." tumingin muna si Seulgi sa paligid bago bumulong kay Joohyun. "I love you."

 

Joohyun mouthed an I love you and gave her girlfriend her sweet smile. Di siya kasing tapang ni Seulgi para bumulong ng ganun kalapit dahil padaan-daan yung supervisor ni Seulgi sa labas ng echo room.

 

"See you later!" pahabol ni Seulgi bago siya pumunta sa may mini pantry nila sa diag center. 

 

 

 

 


"Tol, alam mo ba? Kanina disappointed yung ibang nurses ng East wing sa ECG kanina." sabi ni Byul nang makasalubong niya si Seulgi. 

 

"Bakit? Kasi mahaba pila niyo?" tanong ni Seulgi. 

 

"Kasi wala ka daw."

 

"Sus. Wag ka nga." 

 

"Tapos 'tol ang nakakatawa pa nun narinig ni Joohyun yung usapan nila. Parang umusok ilong ni Joohyun eh. Selosa si classmate." 

 

"Di selosa si Hyun, 'tol. Alam niya kasing sa kaniya lang ako patay na patay." nakangising sagot ni Seulgi. 

 

"Ah hindi selosa? Kaya pala sabi niya sa kanila bumalik na lang sa Tuesday. Eh di ba rest day mo yun?" 

 

"Sabi niya yun?" natatawang tanong ni Seulgi. Napakamot na lang siya sa batok. 

 

'Bae Joohyun bakodera.' sabi ni Seulgi sa isip niya. 

 

 

 

 

 

 

 

"Love, sure ka bang okay na sa gym?" tanong ni Joy kay Wendy. 

 

"Oo lalab. Sabi ni Seulgi okay na daw. Nandun na sila ni Joohyun."

 

Papunta sila Joy, Wendy, Roseanne at yung isa pang nurse sa condo ni Seulgi para magpractice ng sasayawin nila sa Nurses Week. Binook ni Seulgi yung basketball gym sa condo para may mapag-praktisan yung apat. 

 

"Nurse Joy nakakahiya po wala tayong dala kahit food man lang." sabi ni Roseanne. 

 

"Ano ka ba, Roseanne. Knowing Seulgi baka binili na nun ang buong 711 para di magutom si Joohyun sa practice. Tsaka tanggalin mo na yung nurse sa pangalan namin. Wala naman tayo sa ospital eh." nakangiting sagot ni Joy. 

 

 

 

 

 

 

 

"Tol, bakit kailangan kasama ako dito?" tanong ni Lisa kay Seulgi.

 

"Para may kasama kami ni tropa mag-antay habang nagpa-practice sila." sagot ni Seulgi kay Lisa habang pinaglalaruan niya ang kamay ni Joohyun. 

 

"Oh tapos ano? Makikita ko kayo ni Wendy na mabaliw sa mga jowa niyo? Di na uy! Dun muna ko sa unit mo tatambay. Pahiram susi." tumayo si Lisa at naglakad papuntang exit. 

 


"Wala ka pala kay Lisa eh iniwan ka na oh." kantyaw ni Joohyun. 

 


"Babalik din yan, mahal. Tignan mo." confident na sagot ni Seulgi. 

 

"Pano mo nalaman? Tignan mo nga nakalayo na."

 

"Sure ako. Pustahan?" nakangising sagot ni Seulgi sa girlfriend. 

 

"Call! What's at stake?" 

 


"Sure ka? Matatalo ka, Hyun. Hmmmm..." nag-isip si Seulgi ng ipapagawa kay Joohyun kung sakaling matalo siya. "Alam ko na." may nakakalokong ngisi sa mukha ni Seulgi. "Loser gives the winner a massage."

 

Tumaas ang kilay ni Joohyun sa naisip ni Seulgi. Nilamukos niya yung mukha ni Seulgi dahil sa kalokohang balak nito. "Mahal! Mukha kang ewan. Nakangisi ka pa."

 

"Haha bakit? Wala naman akong sinabing masama. Massage lang eh." hinila ni Seulgi ng bahagya si Joohyun at hinalikan sa pisngi. "Ikaw naman. Ano sa'yo pag nanalo ka?"

 

"Pag natalo ka, isusuot mo kahit anong ipasuot ko sa'yo." masayang sabi ni Joohyun. 

 

"Hmmmm...." sagot ni Seulgi na patango-tango pa. 

 

Nanlaki yung mata ni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
887 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
338 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
887 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
887 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.