Tell Us More, Seulgi #1 (part1)

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

"Seulgi, di ba magduduty na kayo sa iba't ibang ospital? Hindi ka ba mahihirapan magcommute papunta dun kung sakali?" tanong ng tatay ni Seulgi. 

 

"Siguro po kung malayo medyo mahirap. Sasabay na lang po siguro ako kila Byul." sagot ni Seulgi. 

 

"Eh pano kung ikaw na lang ang magsabay sa kanila at kay Joohyun?" tanong ng tatay niya. 

 

"Po?" medyo nag-buffer si Seulgi sa tanong ng tatay niya. 

 

"Naisip namin ng mama mo na ibigay na lang sa'yo 'tong kotse para may magamit ka. Mahirap yung nagcocommute lalo pa may mga pagkakataong gabi kayo uuwi."

 

Lumaki yung mata ni Seulgi dahil di niya inasahan na bibigay sa kaniya yung kotse. "Paano po kayo?" 

 

"Balak namin bumili ng mama mo ng van para mas malaki at mas makakatulong yun sa negosyo natin."

 

Tuwang tuwa si Seulgi dahil mas mapapagaan na ang buhay commuter niya. Hindi na rin sila mahihirapan ni Joohyun sa mga dates nila. 


............ 

 


Maling mali talaga na hinayaan ni Seulgi si Joohyun magisang harapin yung problema nila. Kaya kahit na pinauwi na siya ni Taeyeon ay bumalik pa rin siya. 

 

Nasa labas lang sila ng bahay nila Joohyun. Kanina niya pa gustong pumasok pero pinipigilan siya ni Taeyeon. 

 

Di rin naman siya kumportableng iwan ang Ate Taeyeon niya dahil ang sama ng tingin sa kanila nung lalaking nakaabang sa kotse ng lola ni Joohyun. 

 

"Driver ba siya ng lola nila?" tanong niya kay Taeyeon. 

 

"Siguro. Siya kasama pagdating eh." sagot ni Taeyeon. 

 


............ 

 

Gumising ng mas maaga si Seulgi para makabili ng favorite hot choco ni Joohyun. Nakasanayan na niya kasing i-surprise randomly ang girlfriend ng mga paborito nitong pagkain o inumin. 

 

Sumasaya kasi siya pag nakikita niya yung ngiti sa labi ni Joohyun. 

 

"Hot choco para sa'yo bo-ko. Tangina ang corny ko pero sana kiligin siya." natatawang sabi ni Seulgi. 

 

Kanina niya pa pinagiisipan kung paano niya ibibigay kay Joohyun yung hot choco. Ayaw naman niyang basta na lang iabot sa girlfriend ito. Kaso nga dahil napakaaga pa di pa siya makaisip ng matinong banat. 

 

............... 

 

"Hyun, di ka naman nakatingin eh." binaling ni Seulgi ang mata sa katabi. Di niya inasahang susunggaban siya ng halik ng girlfriend.

 

Isa sa dahilan bakit masaya si Seulgi na nagkaron na siya sa wakas ng sariling sasakyan ay dahil sa mga ganito tagpo. 

 

Kasi she can kiss her girlfriend in private. She loves kisses pero nitong mga nakaraang linggo napapansin niyang mas clingy at touchy si Joohyun. Sino ba naman siya para tumanggi sa grasya. 

 

................. 

 

Kanina pa napapansin ni Seulgi na balisa si Joohyun. Nagtaka pa siya lalo nang hindi sumagot si Joohyun sa tawag ng prof nila. 

 

'Mahal, recitation 'to. Ano ba iniisip mo?'tanong ni Seulgi sa isip niya. 

 

Pangalawang tawag kay Joohyun pero hindi pa rin ito nagising sa pagkakatulala kaya napilitan na siyang gumawa ng paraan. 

 

Hinulog niya yung libro niya para gumawa ng ingay para makuha ang atensyon ni Joohyun. 

 

.............. 


Halos 30 mins na siyang nag-iikot mula Visayas Ave hanggang UP pero hindi pa rin niya nakikita si Joohyun. Nagaalala na siya dahil napaka-unusual ng ganitong kilos ng girlfriend. Buong akala niya ay dumeretso na ito sa bahay

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
885 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
335 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
885 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
885 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.