Chapter 38 (B)
Anghel ni Seulgi
Nagisip muna si Byul bago nagsalita.
"Hanap tayo ng bago mong pwede pagkaabalahan. Madami diyan sasamahan ka namin ni Lisa 'tol."
"Ano? Get a hobby and forget your worries, ganun ba Byul? Tingin mo ganun lang kadali kalimutan lahat yun?" naiiritang tanong ni Seulgi.
"Tol, hindi ko dina-downplay yung nararamdaman mo. I just want to help you."
"Naappreciate ko naman yung intention niyo ni Lisa pero wala kayo sa sitwasyon ko para sabihin sa aking ubaling ko sa iba a g focus ko para kalimutan yung sa amin ni Hyun. Sinukuan na nga niya ako paano ko pa mababalik sa dati kung pati ako susuko na rin?" naiinis na sabi ni Seulgi.
"Hindi ibig sabihin sumuko ka ngayon eh hindi mo na itutuloy ang laban. Pwede naman na nagpahinga ka lang muna para hindi ka masira."
"Hindi niyo ko naiintindihan eh." umiling si Seulgi bago naglakad palayo. "Una na muna ko di ko kayo masasabay pauwi."
Pinanood lang ni Byul si Seulgi makalayo nang biglang dumating si Lisa.
"Seulgi, 'tooooool! May babalita ako!" sabi ni Lisa na humahangos pa pero si Byul na lang ang naabutan niya.
"Bakit umalis? May sasabihin ako tungkol kay Suho at Joohyun."
"Ayun uminit na naman ulo. Sinabihan ko lang na tigilan muna si Joohyun tapos maghanap ng distraction tapos umalis na."
"Ayun na nga! Di naman siya dapat uminit ulo kay Suho dahil wala namang something sa kanila ni Joohyun." pinaliwanag ni Lisa kay Byul yung napagusapan nila ni Suho kanina.
"Tara sundan natin si Seulgi para naman makabawas sa mga iniisip niya." aya ni Byul.
Sunubukang habulin nila Byul si Seulgi pero hindi na nila ito naabutan. Naka-off rin ang phone nito kaya nagdecide na lang sila na sabihin kay Seulgi pag nagkita sila bukas para sa second day ng exam.
Pakiramdam ni Seulgi hindi siya naiintindihan nila Byul dahil palagi siyang sinasabihan na tigilan na muna ang pangungulit kay Joohyun kaya umalis na lang siya agad kanina pagtapos nila magusap. Agad siyang dumeretso sa bahay nila Joohyun hoping na makausap niya ito.
Ilang minutong nakapark si Seulgi sa may tapat ng gate ng ex-girlfriend para mag-abang. Alam niyang maya maya pa ito darating dahil nagcommute lang ito pauwi.
Hindi niya inaasahang makikita niyang bababa si Joohyun mula sa kotse ni Suho.
Pagbaba ni Joohyun ay ngumiti at kumaway ito sa direksyon ng driver's seat. Pinagmamasdan lang ni Seulgi ang eksena mula sa loob ng kaniyang sasakyan. Ang plano niya talaga ay kausapin si Joohyun pero nagulat siya sa tagpong na-witness niya. Napayukom ang kamay ni Seulgi sa inis.
Ilang segundo ang nakalipas at narinig niyang may kumatok sa kabilang side ng kotse niya.
"Hyun..."mahinang sabi ni Seulgi bago siya bumaba para harapin si Joohyun.
Paglapit niya sa dalaga hindi niya mabasa ang expression ng mukha nito.
"Hyun..."
"Seulgi, anong ginagawa mo dito?" malumanay na tanong ni Joohyun.
"Bakit ka hinatid ni Suho?" tanong ni Seulgi na halatang may inis sa tono ng boses.
Nagulat si Joohyun sa tanong ni Seulgi pero she kept her cool at sinagot ng maayos ang tanong.
"Sinabay lang kami pauwi dahil may dadaanan daw siya dito sa Visayas. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"
Seulgi scoffed. "May dadaanan? Naniwala ka naman dun."
"Bakit naman hindi ako maniniwala sa kaniya? Sige na papasok na ako. Ikaw rin umuwi ka na."
"Teka lang, Hyun. Pwede ba tayo mag-usap? Kahit saglit lang?" Seulgi said with pleading eyes.
"Alam mo naman may exam tayo bukas diba? At tsaka napagusapan na natin 'to. Ganun pa rin naman ang sasabihin ko sa' yo." tumalikod si Joohyun para pumasok sa bahay nila.
"Porket ba may Suho na hindi na kita pwedeng kausapin?" mahinang sabi ni Seulgi pero ramdam ni Joohyun ang inis sa tono nito.
Kahit kailan ay never siyang pinagtaasan ng boses ni Seulgi. Kapag naiinis ito noon ay mahinahon pa rin siyang kausapin nito pero mararamdaman mo ang inis sa tono ng pananalita nito. Gaya ngayon, alam ni Joohyun na may kinikimkim na sama ng loob ang ex-girlfriend niya kahit na hindi ito magtaas ng boses.
Humarap ulit siya kay Seulgi. "Sige, let's talk." pumasok si Joohyun sa kotse ni Seulgi.
Na-realize naman ni Seulgi na mali ang sinabi niya kaya nagmadali na siyang pumasok sa loob ng kotse para makapag-sorry kay Joohyun.
"H-hyun...sorry. Di ko sinasadya yung sinabi ko. It's just that..." Seulgi deeply sighed. "sobrang namimiss na kita and it pains me seeing you with someone else." napayuko na lang si Seulgi.
"I'm sorry for causing you so much pain." tumulo na yung luhang matagal ng kinikimkim ni Joohyun. "Nasasaktan din akong nakikita kang nagkakaganyan and it hurts even more knowing na ako ang dahilan. Kahit hindi tayo madalas naguusap napapansin ko pa rin yung pagbabago mo, yung pagiging mainitin ng ulo mo. Pati friends mo nadadamay." Joohyun paused for a bit." I heard kinausap mo si Suho. Magkaibigan lang kami nung tao at wala nang mas hihigit pa dun, if that's what you're worried about."
Natigilan saglit si Seulgi. "I'll work hard on it. Ibabalik ko yung dating Seulgi. P-please comeback?" nauutal na sabi ni Seulgi.
"No, Seulgi. We need to stop this, you need to stop. Parehas lang tayong nahihirapan. Akala mo ba madali lang sa akin na i-reject ka everytime na lalapit ka? Mas doble yung sakit dito." turo ni Joohyun sa dibdib niya habang umiiyak. "Nasasaktan ako dahil paulit ulit kitang nasasaktan." humagagulgol na si Joohyun.
Hinawakan ni Seulgi ang kamay ni Joohyun at inilapit sa pisngi niya. Namiss niya yung warmth na nabibigay ni Joohyun. "Hyun, hindi kita kayang hayaang mawala. K-kahit...maging kaibigan mo na lang tatanggapin ko." humihikbing sagot ni Seulgi.
"Hindi rin kita kayang mawala pero sa ngayon mas mabuti sigurong lumayo muna tayo sa isa't isa. We need to heal first, Seulgi. Pag maayos na tayong dalawa pwede
Comments