Bonus Chapter-Baby Milestones
Anghel ni Seulgi
Una
Bakas ang tuwa at galak sa mukha ng mga first time mommies na sina Seulgi at Joohyun. Bagama't bago ang lahat para sa kanila, magmula sa pagpapalit ng diaper at pagpapakain sa kanilang pinakamamahal na si Cheonsa, sinusubukan nila ang kanilang makakaya para matugunan ang lahat ng pangangailangan nito.
"Mahal, bakit iyak ng iyak si Cheonsa?" nagaalalang tanong ni Seulgi.
"Kalma ka lang, mahal. Chineck ko naman temperature niya pati color ng poopoo normal naman. It's just her way of communicating with us."
"Baka nagugutom?" bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha ni Seulgi.
"Kaka-milk lang niya kanina 30 minutes ago pero sige try natin." binuhat ni Joohyun ang anak at inilapit sa kaniyang dibdbib.
Masayang pinagmamasdan ni Seulgi ang kaniyang mag-ina na prenteng nakahiga sa kama habang siya naman ay nakahiga sa kabilang side nito.
Di mapapantayan yung sayang nararamdaman niya sa eksenang natutunghayan ngayon. Wala na siyang mahihiling pa.
"Hyun! Gutom na ulit baby natin tignan mo akala mo mauubusan ng milk." malakas na bulong ni Seulgi. Natigil si Cheonsa at bahagyang gumalaw ang ilong na animo'y nainis sa ingay ng kaniyang Mommy.
"Kulit, istorbo ka. Look oh tumigil tuloy siya." bulong ni Joohyun na napahikab sa puyat.
Alas dose na kasi ng hatinggabi pero hindi pa rin mapakali ang asawang si Seulgi sa kaka-check ng lagay nilang mag-ina.
"Hehe sorry na po. Antok ka na, Hyun?"
"Medyo...pero okay lang para kay baby naman." nakangiting sagot ni Joohyun.
"Sleep ka na, mahal. Mukha namang busog na siya sa midnight snack niya eh. Tsaka tignan mo nakatingin siya sa'yo." turo ni Seulgi sa anak na nakatuon ang direksyon sa mukha ni Joohyun.
"Di pa siya nakakakita, mahal. Na-rerecognize lang niya boses ko kaya sinusundan niya kung nasaan." sagot ni Joohyun sa asawa. "Diba 'no, Cheonsa? Naririnig mo boses ni Nanay?" malambing na tanong niya sa sanggol.
Para namang nanalo sa lotto si Seulgi sa excitement nang gumalaw bahagya ang nakayukom na palad ni Cheonsa pagkatapos magsalita ni Joohyun.
Ikalawa
Kasalukuyang nasa condo ngayon si Lola Cherry para dalawin ang kaniyang apo.
"Seulgi, anak. Kahit na nakadapa ang bata sa dibdib mo alalayan mo pa rin ang leeg niya. Nagsisimula na kasi siyang iangat ang ulo sa ganyang edad."
"Opo, Mama. Ito na hawak ko na." sagot ni Seulgi. Namamahinga sila sa couch sa living area dahil hinayaan muna niya si Joohyun na makatulog ng mas mahaba-haba dahil palagi na lang itong puyat sa tuwing magugutom ang anak nila sa madaling araw.
"Oh ito, ininit ko na 'tong tinolang pinadala ni balae. Pahigupin mo ng maraming sabaw ang asawa mo para mas dumami pa ang gatas."
"Pano yan, ma? Di kumakain si Hyun ng tinolang manok." sagot ni Seulgi. "Dumaan pa po pala kayo kila Mama eh ang dami niyo ng bitbit."
"Kahit yung sabaw lang, nak." napatigil ng saglit ang nanay ni Seulgi bago nagsalita. "Nakakalito yang tawag niyo sa amin ni balae, parehas Mama na ngayon eh. Sasabihin ko nga kay Joohyun paggising na Mamita na lang ang itawag sa akin."
"Ay wow sosyal ng nanay ko. Mamita na ngayon." biro ni Seulgi.
Ikatlo
"Ang baby kong mahilig tumitig kay Nanay. Ay sus!" sabi ni Joohyun sa 3 month old baby nila ni Seulgi.
Unti-unti na rin nilang nakikita ang pagbabago sa anak habang lumilipas ang mga araw. Ngayon, marunong na itong tumitig na parang palaging may gustong sabihin.
Isang trait ng bata na nangunguna sa listahan ni Joohyun ng mga bagay na namana ng anak nila kay Seulgi.
Pagpasok ng pinto ni Seulgi ay narinig niya ang mahinang boses ni Joohyun habang kinakausap ang kanilang anak. Hindi niya gaanoong narinig ang eksaktong sinabi ng asawa dahil nasa kwarto pa ito kaya excited siyang nagtungo doon para makisali sa mag-ina niya.
"Mahal, nandito na ako!" sigaw ni Seulgi.
"Mahal!" masayang bati ni Joohyun sa asawang kakauwi lang. "Oh wait lang po. Ligo ka muna bago hawakan si Cheonsa. Maghapon ka sa trabaho eh."
"Ay oo sige! Namiss ko kayo, Hyun." sagot ni Seulgi. Agad siyang dumeretso sa cabinet para kumuha ng damit pamalit.
"Nahanda ko na po bath robe sa toilet. Tapos ayan na sa gilid yung pamalit mo." turo ni Joohyun sa mga damit na maayos na nakatiklop sa ibabaw ng dresser nila sa kwarto.
Parang may kumurot naman sa puso ni Seulgi nang marinig ang sinabi ni Joohyun.
"Mahal, sabi ko naman sa'yo wag mo na ako intindihin eh. Yung ikikilos mo para asikasuhin ako, itulog mo na lang." malambing na sabi ni Seulgi.
"Di naman po pwede yun. Kailangan ko ring alagaan ang unang baby ko."
Akala ng iba kapag matagal na kayo sa relasyon normal na lang yung makuntento sa companionship at hindi na maghangad pa ng romance. Siguro kakaiba lang talaga ang dalawang ito dahil kahit na nga may anak na sila ay hindi nawala sa sistema ng bawat isa ang pagpapahayag ng pagmamahal nila.
"Abot tenga yang ngiti mo. Kinilig ka?" pangaasar ni Joohyun.
"Paano naman ako hindi kikiligin? Mahina ako sa word na baby. Alam mo naman yun." lumapit si Seulgi sa asawa at akmang hahalik.
Tinulak ni Joohyun bahagya ang nakangusong si Seulgi habang tumatawa.
Soft giggles. Yung fool proof na bala ni Joohyun kapag may gusto siyang makuha o ipagawa sa asawa. "Ligo muna po. Kikiss kita marami mamaya."
"Ito na maliligo na po. Wag mo na pahinain 'tong tuhod ko, mahal." nakangising sagot ni Seulgi.
Ika-apat
"Ah!" napasigaw si Joohyun sa biglang sakit na naramdaman niya.
Napabalikwas naman si Seulgi mula sa pagkakahimbing. "Ano yun? Ano yun? Ano nangyare?" tanong nito. Mukhang disoriented pa sa kung anong oras na ba dahil sa biglaang pag-gising.
"Kinagat ako ni Cheonsa." nakangiwing sagot ni Joohyun.
"Awww...baby. Iwas sa pagkagat kay Nanay kawawa naman. Sige ka pag yan naubusan ng milk para sa'yo, iiyak ako." kausap ni Seulgi sa anak na busy magpakabusog.
"Bakit naman ikaw ang iiyak?" natatawang tanong ni Joohyun.
"Eh pag wala ka nang milk, mabubutas na bulsa ko sa kakabili ng baby formula." Seulgi answered with a sheepish grin.
"Sira! Pipilitin kong natural milk si Cheonsa hanggang 2 years old." sagot ni Joohyun.
"Iba talaga pag doktor ang mommy. Thank you, mahal. Sobrang laking sacrifice niyan para sa'yo." humalik si Seulgi sa noo ni Joohyun.
Ika-lima
"Hyun, tignan moooo!" masayang bati ni Seulgi sa asawa. "Saan anak natin?"
"Nasa crib po. Natutulog." sagot ni Joohyun sabay yakap sa kararating lang na si Seulgi.
"Namiss kita."
Ikinulong ni Seulgi ang asawa sa isang mahaba at mainit na yakap. "Namiss rin kita. Sorry napapadalas ang overtime ko lately."
"Wag kang masyadong pakapagod ah?" sagot ni Joohyun na bahagyang tumingala para mag-abot ang tingin nilang mag-asawa.
"Promise po." ilang segundong tinitigan ni Seulgi si Joohyun bago niya ito dahan-dahang halikan.
Soft and slow.
Napakapit naman ng mahigpit si Joohyun kay Seulgi na tila may ibang plano bukod sa pinagkakaabalahan niya ngayon. Pababa na ng pababa ang mga labi nito na kanina lang ay busy sa paghalik sa kaniya.
"Hmmm...namiss ko asawa ko." halik sa gilid ng leeg.
"Pagod ka ba?" halik sa naka-expose na balikat ni Joohyun.
"Samahan mo ko maligo..." malambing na tanong ni Seulgi nang biglang may malakas na iyak silang narinig mula sa kwarto.
Nagpigil naman ng tawa si Joohyun. "Mukhang No ang sagot ko diyan, mahal." nagmadali si Joohyun na puntahan ang anak na sa di maipaliwanag na dahilan ay bigla namang tumigil sa pag-iyak.
Kamot-ulong sumagot si Seulgi ng... "Mukha nga. Gusto mo pagbondingin muna natin si Cheonsa kay Lola Jean niya sa rest day ko sa weekend tapos kwentuhan tayo dito?" biro ni Seulgi habang sinusundan ang asawa.
"Ay naku may iba kang balak na naman. Ano pala yang dala mo?"
"Haha akala ko lulusot eh." inabot ni Seulgi kay Joohyun ang bitbit. "Bumili ako ng bagong toy. Napapansin ko kasi mas nilalaro ni Cheonsa yung mga red at pink toys niya eh."
Ika-anim
"Hala, Maaaaaa! May multo ata dito sa atin." panic na tawag ni Yeri kay Lola Jean.
"Ano ba naman yang sinasabi mo, Yeri? Anong multo?" tanong ng nanay niya.
"Eh si Cheonsa kasi pagtingin ko sa kaniya sa playpen niya kanina, nakadapa tapos biglang humiga tapos umikot-ikot. Tapos biglang tumatawa mag-isa, Mama!"
"Ay loka-loka kang bata ka walang multo. Ganyan talaga ang mga baby natutuwa kasi sila sa mga makukulay na bagay kaya kahit yun tinatawanan nila."
"Ganun ba yun?" sagot ni Yeri na hindi pa rin convinced sa sagot ng ina.
"Natext mo ba ang ate mo? Nasaan na daw sila?"
"Malapit na daw po eh. Ay ayan na sila. Sakto, Ma." sagot ni Yeri habang nakatingin sa may pintuan ng bahay nila.
"Cheonsa, namiss mo ang Nanay?" tanong ni Joohyun habang dumudungaw sa playpen ng anak. Nang marinig ng bata ang boses ng ina, nagpaikot ikot na naman ito hanggang sa...
"Mahaaaaaal!" tili ni Joohyun.
"Oh, mahal! Ano yun?!" nagmamadaling lakad ni Seulgi papunta kay Joohyun bitbit ang mga grocery bags.
"Tignan mo." maluha-luhang sagot ni Joohyun.
"Ha? Alin? Bakit ka umiiyak?" tinigan naman ni Seulgi ang anak na ngayon ay...
"Anak, nakakaupo ka naaaa!" proud na sigaw ni Seulgi na siya namang ikina-surpresa ni Lola Jean at Yeri.
"Nakakaupo na ang apo ko!" masayang sabi ni Lola Jean nang makumpirmang nakaya na nga ni Cheonsa umupo mag-isa.
"tsk tsk yung multo talaga nag-upo diyan kay Cheonsa." bulong ni Yeri sa sarili.
"Mahal, kita mo gaano kalakas anak natin? 6 months pa lang nakakaupo na magisa." proud na sabi ni Seulgi.
"Alam mo, mahal hindi ko rin alam kanino nagmana si Cheonsa dahil parehas tayong lampa. Sa ibang mga baby ika-8 month pa dapat na kaya na nilang makaupo mag-isa eh." natatawang sagot ni Joohyun.
Comments