Chapter 7B

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

They ate the remaining food in silence. Ang awkward pa rin. She needed to break this deafening silence, naisip ni Seulgi.

 


"Hyun, ready ka na maging next Picasso?" biro ni Seulgi hoping na matanggal yung awkwardness sa pagitan nila.

 


"Sira! Si van Gogh idol ko." natawa naman sila ng sabay habang nilalabas yung mga art materials na dala ni Seulgi.

 


Bukod sa art materials, nagdala si Seulgi ng dalawang clipboard para may maayos na pagsusulatan.

 


"Tadaaaaa!" pinakita naman ni Seulgi kay Joohyun yung halos patapos na niyang project. Parts and function na lang ang kulang dito.

 


"tapos ka na sa drawing mo?" manghang tanong niya. Di niya kasi inasahan na gagawin agad ito ni Seulgi. Mahilig kasi ito magcram sa pag-rereview at sa mga projects gaya nito.

 


"Oo hehe." hiyang sagot ni Seulgi. "Nung na-late ako ng sundo...I mean nung na-late ako ng punta sa store. Totoong nakatulog talaga ako pero dahil diyan yun. After kasi ng class natin ginawa ko agad yan. Di muna ako natulog. Tapos nung nagpapalipas na lang ako ng oras inantok ako kaya na-late ng gising." paliwanag ni Seulgi.

 


Na-guilty naman si Joohyun. Asar na asar siya kay Seulgi nung time na yun tapos malalaman niyang kaya ito na-late ay dahil nagsipag ito sa paggawa ng project. Magso-sorry na lang ulit siya kau Seulgi. Pero paano? Napaisip na naman siya.

 

 

 


Nagumpisa na sila sa project. Hawak ni Joohyun ang Ana-Physio book niya dahil siya ang tatapos ng project ni Seulgi. Ang kulang na lang naman ay ang label ng parts at isulat sa tabi nito ang mga function. Habang si Seulgi naman ay may hawak na blank bond paper na nakaipit sa clip board.

 


"May napili ka na idrawing Hyun?" tanong ni Seulgi.

 


"Brain. Mahirap ba i-drawing?"

 


"Hindi naman. I'll draw most of it tapos turuan kita sa shading?" suggestion ni Seulgi.

 


"hmmm" matipid na sagot niya kay Seulgi.

 


Nagumpisa na sila sa kaniya kaniyang task nang mapansin ni Joohyun na namumula ang mga mata ni Seulgi. Pinagpapawisan na rin ito at paminsan ay humahawak sa parte ng ulo na nauntog kanina. 

 


Kinuha ni Joohyun ang baon na pamaypay at sinimulang paypayan si Seulgi. "Okay ka lang? Masakit pa ba ulo mo?" worried na tanong niya. 

 


Ngumiti lang si Seulgi na parang walang iniindang sakit. Nagpatuloy lang sila sa paggawa ng project. Halos matapos na ni Seulgi yung drawing kaya inabot na niya ito kay Joohyun. Tinuruan niya kung paano lagyan ng shading ang drawing. 

 

 

Ang aliwalas ng paligid. Tama si Seulgi, gaganahan ka talagang maging productive pag nandito ka. Naisip ni Joohyun. 

 


"Ayan! Napalabas na natin ang inner van Gogh mo, Hyun!" pangaasar niya sa dalaga na obviously ay hindi masaya sa pagshe-shade na ginawa niya. 

 


"Seul, pumangit na yung drawing mo nung nilagyan ko ng shading. Kanina ang ganda na eh." malungkot na sabi ni Joohyun. 

 


"Ano ka ba? Abstract ang tawag diyan." naguumpisa na namang mangasar si Seulgi. Di talaga kumpleto araw niya kapag di niya naasar si Joohyun. 

 


Nagpout na lang si Joohyun dahil wala na siyang magagawa kung hindi ay magpasalamat kay Seulgi. Kung tutuusin ay di hamak na mas maganda ang collab drawing nila ni Seulgi kumpara sa kung siya lang magisa ang gagawa nito. 

 

 

"Thank you, Seul ah. Kasi kung ako gagawa magisa niyan good luck na lang talaga sa eyes ni Prof. Taeyeon."

 


"You're welcome. Hyun, okay lang ba kung iidlip ako saglit habang tinatapos mo label ng project mo? Medyo masakit pa kasi 'tong bukol eh." apologetic na sabi ni Seulgi. Ayaw niya sana tulugan si Joohyun kaso di na talaga niya matiis ang sakit. 

 


"Seul, uwi na lang kaya tayo. Sa bahay ko na tatapusin para makapahinga ka na?"

 


"Wag. Dito muna tayo please?" ayaw pa kasi niyang mahiwalay kay Joohyun. Sayang naman yung opportunity na 'to kung mapapalampas lang niya dahil sa bukol. 

 


"Okay sige pero pag di mo na kaya uuwi na tayo ah?" 

 


Nag thumbs up si Seulgi kay Joohyun. Yumuko na siya at tinukod ang kanang kamay sa mukha bilang suporta sa ulo. Parang pose ni Ninoy sa 500 peso bill. 

 


"Seulgi, lalo sasakit ulo mo pag naka-yukyok ka ng ganyan." tinapik tapik ni Joohyun ang kanyang balikat. "Try mo na lang sumandal sa akin." alok ni Joohyun. 

 


Holy guacamolie! Gaano kaya kadami ang good deeds na nagawa ni Seulgi sa past life niya para mabigyan siya ng chance na makatulog sa balik

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
896 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
352 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
#5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
896 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
896 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.