Chapter 7A

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

Alas singko y medya ng umaga naka-ready na si Seulgi para sa lakad nila ngayon. 6 am sila magkikita pero dahil excited siya ay maaga siyang nagprepare. Nasa may sala na siya at nagpapalipas na lang ng oras. Katabi niya ang kanyang back pack na naglalaman ng mga kailangan nila para sa project. Di na siya makapagantay na makita si Joohyun. Ang bilis bilis naman kasi natapos ng video call nila kagabi. Gusto pa sana niya makausap si Joohyun pero inend na nito agad ang call.


Quarter to 6. Pagkatingin niya sa orasan ay kinuha niya agad ang bag para i-check ulit ang laman nito.


"hmmm kumpleto na sana eh. Bukas naman na siguro Jollibee ng 6AM." bulong ni Seulgi.


05:55 AM
Seul kulit: Hyun, good morning! Dito na ako sa labas ng bahay niyo. Antay na lang kita dito. 


05:56AM
Hyun: bakit ang aga mo? :(


Natawa naman si Seulgi sa sad face sa message ni Joohyun. Mukhang alam na niya ang nangyayari. 


05:56AM
Seul kulit: di ka pa ready no? Take your time. Dito lang ako.


After ilang minutes ay nakalabas na rin ng gate si Joohyun. 


"Good morning, Seulgi!" masayang bati ni Joohyun sa kaharap niya. 


"Magandang umaga, miss marilag." bati ni Seulgi. Para na namang nakakita ng anghel si Seulgi. Napakaganda ng nasa harapan niya. Nakalugay ang buhok nito at nakasuot lang ng simpleng short denim dress partnered with an orange tank top sa loob pang doble. Samantalang si Seulgi ay naka white top lang at yellow shorts. Tinaas na lang niya ang buhok niya gamit ang bandana para hindi magulo kung sakaling hanginin. 


"Sira! Haha. Ikaw ah akala ko kakanta ka ng mapanakit kagabi eh. Nagulat ako medyo rapper ka pala." pangaasar ni Joohyun sa kaniya. 


"pagkumanta ako ng malungkot sasama ka ba? Siyempre gusto ko yung kakaiba." sagot ni Seulgi. "tsaka bagay kasi sa'yo yung kanta. Marilag."


Nagsasalita pa si Seulgi kaso naglakad na pala palayo si Joohyun. Di niya tuloy narinig. 


"Hyun, may lakad ka ba? Bakit nagmamadali ka?" sabi niya habang hinahabol si Joohyun. 


"Wala naman. Baka lang kasi marami ng tao sa Sunken ngayon eh sabi mo hahanap tayo ng magandang spot."


Di na sumagot si Seulgi at sinabayan na lang si Joohyun maglakad palabas ng street nila. Nang makarating sila sa may Shell Visayas ay tumawid na sila sa may paradahan ng tricycle derederetso lang si Seulgi at hindi huminto sa may pilahan. 


"Seulgi! San ka pupunta? Di ba sasakay tayo ng tric papunta sa dulo nito." Turo ni Joohyun sa main road na tinutumbok ang Commonwealth Ave. Sa dulo kasi ng daan na ito sila tatawid at magsho-shortcut papasok ng UP. 


"daan lang tayo ng Jollibee, Hyun. Hehe" 


"Bakit? Akala ko may baon tayo?" tanong ni Joohyun. 


"ano kasi eh..." wala ng lumabas na salita kasunod nito dahil sa totoo lang di niya alam ano sasabihin. 


"ahahahaha! Ito ba yung sinasabi mong pancakes at hot choco? Galing kay Jollibee?" natatawang tanong ni Joohyun. 


"Oo, Hyun. Sorry na kasi naubos na pala yung pancake mix sa bahay eh. Di naman ako marunong magluto ng mano mano."


"sabi na eh. Don't worry ako na bahala sa'yo. Igotchu!" biro ni Joohyun sabay tapik sa dala niyang tote bag. "at tsaka tignan mo ang haba na ng pila sa counter oh. Baka lalo tayo matagalan. Tara na." aya ni Joohyun. 


"Eh di naman tayo diyan bibili, Hyun. Haba oh." turo niya sa pila sa loob. 


"Eh saan?"


"Dito!" turo ni Seulgi sa itaas na signage na may nakalagay na DRIVE-THRU. 


"Seulgi! Ayaw! Nakakahiya."mariing tanggi ni Joohyun. 


"Wala naman tayong kasunod na sasakyan sa likod tignan mo tsaka nakamask tayo di tayo makikilala. Dito, tayo agad ang mauuna. Wala naman sinabi na required na may sasakyan eh hehe."


At wala na ngang nagawa si Joohyun dahil naglakad na papunta sa first station ng drive-thru si Seulgi. Di niya alam bakit siya sumama sa trip ni Seulgi na ito pero imbes na mainis ay napapatawa na lang siya, never niya talaga ito itatry kung siya lang magisa pero okay na rin siguro. Masaya rin na nakaka experience siya ng kaunting fun sa buhay.


"Good morning, may I take your order?" sabi ng cashier sa mic. 


"ehem! Rinig niyo po ako?" pagclear ni Seulgi ng boses niya. 


"Yes, ma'am! What's your order po?" may narinig namang mahihinang hagikgik si Seulgi at Joohyun sa speaker. 


"ah okay. Dalawang 2 pc pancakes with hot choco please." sagot ni Seulgi sa cashier. "Hyun, gusto mo ng fries?"


Umiling na lang si Joohyun. Bakit ba kasi binanggit pa ni Seulgi yung pangalan niya baka may makakilala sa kaniya. 


"dalawang 2pc pancakes with hot choco. That would be 138 pesos. Please proceed to the next window for payment." sabi ng cashier na di na makapagpigil ng tawa. 


Habang naglalakad sila papuntang next window ay hinampas ni Joohyun ng very very light sa balikat si Seulgi. 


"Aray ko, Hyun! Bakit hahah" natatawang tanong niya sa katabi. 


"nakakainis ka binanggit mo pa pangalan ko baka mamaya may makakilala sa'kin nakakahiya."


"wala yan, ikaw lang ba ang may Hyun na pangalan dito sa Quezon City?" pabirong sagot ni Seulgi. 


"Seulgi, 138. Amin na bayad mo." natatawang sabi ng cashier. 


"Jeongyeon?!" gulat na sigaw ng dalawang nag-order. 


"The one and only. THE ONLY!" sagot ni Jeongyeon. "langya ka Seulgi dinamay mo pa si Joohyun sa kalokohan mo. Bakit dito ka nag order, ha?" natatawang tanong nito. 


"eh ang haba ng pila sa loob eh nagmamadali kami ni Hyun." 


"eh di sana tinext mo ko para naprep ko na order niyo at dinaanan mo na lang sa counter."sagot ni Jeongyeon. 


"eh malay ko bang shift mo pala ngayon." sabi ni Seulgi. 


"here's your order ma'am." sabay abot ng order ng dalawa. "Joohyun, naku iwas iwasan mo pag sama diyan kay Kang papahamak ka lang niyan hahaha!" pabirong banta ni Jeongyeon. 


"Parang gusto ko na nga umuwi eh. May time pa naman ako magback out." pangaasar ni Joohyun kay Seulgi. 


"Hyun naman eh nagrap pa ako para sa lakad na 'to tapos iiwan mo lang ako." malungkot na sabi ni Seulgi. 


"Oo na, di na ako uuwi. Tara na." aya ni Joohyun. "bye, Jeongyeon!" sabay na sabi nilang dalawa. 

 

 

Pumara na ng tricycle si Seulgi. "Kuya, sa may footbridge po." 


"Hyun, ikaw na diyan sa bandang loob. Para hindi hanginin yang dress mo." 


"Ah oo sige. Thanks, Seul."

"Oh careful sa pagpasok baka mauntog ka.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
887 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
339 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
887 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
887 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.