Chapter 22

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

Last weekend na ng pagiging malaya nila bago magstart ang classes nila bukas. 2nd year-second sem. Excited si Joohyun dahil pagtapos ng sem na ito ay maguumpisa na sila sa clinical duties, medyo kabado lang dahil hindi pa sure kung erradicated na ba ang Covid by that time. As an aspiring nurse, isa sa pinakainaabangan niya ang makapag-start sa clinical duties. Yung mga theoritical learnings niya simula noong una siyang tumungtong sa university will be applied sa totoong buhay. Skills na natutunan niya sa mga return demonstrations will be tested.

 

"Soon, excited ako for tomorrow. First day!" masayang sabi ni Joohyun sa katabi niya. 


"Soon, ikaw lang kilala kong excited mag first day bukas." mahinang sagot ni Seulgi in a muffled voice. Nakasiksik kasi ang mukha nito sa leeg ni Joohyun.


Joohyun giggled sa itsura ni Seulgi na halatang ayaw pang bumangon. 


"Alam mo, soon. Favorite ko soft giggles mo. Di ko rin ma-explain pero I love hearing you laugh like that." Pag-amin ni Seulgi. She cuddled closer. Yumakap pabalik si Joohyun dahil namiss niya ng sobra si Seulgi.


Pagkatapos kasi nung little drama nila nung nakaraan, masayang iyakan kung tawagin ni Seulgi, ay di pa ulit sila nagkita. Busy si Seulgi sa cafe at siya naman ay ginamit ang free time para sa online job niya. Pagdating ni Joohyun sa bahay nila Seulgi kaninang umaga ay tulog pa ito. Nakailang sigaw na ang nanay nito pero hindi pa rin bumabangon para salubungin siya. Kaya pinaakyat na lang si Joohyun para siya na mismo ang mang-gising. Siyempre bilang mas tulog pa sa malamig na mantika si Seulgi, Joohyun ended up sitting beside her sa kama niya. Naramdaman ni Seulgi ang presensya ni Joohyun kaya idinilat nito ng bahagya ang mata. Tahimik na inayos ang pagkakahiga ni Joohyun sa tabi niya at nauwi sa much anticipated cuddling. 

 

"Seulgi, patayin natin yung aircon. Nilalamig ako." malambing na request ni Joohyun. 


"Ayaw. Mas masarap mag-cuddle pag malamig." inayos ni Seulgi ang comforter na nakabalot sa kanila at tsaka hinagod ang likod ni Joohyun for added warmth. Umusog pa lalo si Seulgi at naramdaman ni Joohyun ang mainit na paghinga ng kayakap sa kaniyang leeg. 


'Sheeet. Sheeeet. Ito na naman tayo sa mga ganitong moments Bae Joohyun! Ayusin mo thoughts mo!' sabi ni Joohyun sa isip niya. 


Matapos mapakalma ang sarili pinagmasdan na lang niya si Seulgi matulog. Napakaamo ng mukha akala mo hindi kayang makapatay ng ipis sa pagka-amo. Poreless skin- para sa taong hindi fan ng skin care ay napakaganda ng balat nito. Plump lips- pinkish, moist, ang cute. Observation ni Joohyun. Plump lips- parang ang sarap...


'Gago, Joohyun. Matulog ka na lang kaysa ano ano iniisip mo!' bihira magmura si Joohyun pero this time minura niya ang sarili sa isip dahil gago naman talaga mga thoughts niya ngayon. 


First kiss. Never been kissed ang anghel ni Seulgi. Hindi niya alam kung bakit hindi nagi-initiate ng kiss ang soon to be girlfriend niyang si Seulgi pero thankful siya dahil she wants her first kiss to be memorable. Of course, gusto niya si Seulgi ang first kiss niya pero hindi sa ganitong paraan na magte-take advantage siya sa taong tulog. Kaya minabuti na lang niyang samahan si Seulgi matulog. 


Kapag magka-cuddle sila ay may nadevelop na mannerism si Joohyun. Gustong gusto niyang hinahawakan ang tenga ni Seulgi. Feather-light touch tracing the shell of Seulgi's ear. And so, para makatulog siya she unconsciously reached for her love's ear. Nagising naman yung isa, pulang pula ang mukha pati ang tengang kasalukuyang nilalaro ni Joohyun. 


'Pakingshet, Seulgi. Parang awa mo na Joohyun stop mo na yan ang dami dami kong naiisip.' thoughts ni Seulgi. 


Unti unting minulat ni Seulgi ang isa niyang mata para i-check kung gising pa ba si Joohyun. Nagstop na kasi ang kamay ng dalaga sa mga movements nito kanina. Nakahinga ng maluwag si Seulgi at bumalik na rin sa pagkakahimbing. 

 

After a few hours nagising na lang si Seulgi na nabago na ang pwesto nila. Nakaharap na si Joohyun sa kabilang direksyon facing her room's door at siya naman ay nakayap from behind Joohyun. Spooning her little girlfriend. 'Haaaay ang sarap sana pakinggan ang girlfriend title pero kailangan naming magtiis sa ngayon.' Seulgi thought. 

 

"Good morning, kulit." bati ni Joohyun in her raspy voice. 


Natawang bahagya si Seulgi dahil pupungas-pungas siyang binati ng katabi. 
"Tanghali na po. Haba ng tulog natin." sagot niya 


Lumaki yung mata ni Joohyun sa gulat dahil ang akala niya ay minuto lang ang inidlip niya. Nagpunta siya kaninang umaga para dalawin si Seulgi pero di niya inaasahang makakatulog siya ng matagal. 


"Nagiging bonding na natin ang matulog. Mana ka na sa'kin?" biro ni Seulgi. 


"Di mo ko ginising." nag-pout siya unconsciously. 


"Ang cute mo." sabi ni Seulgi pero hindi sumagot si Joohyun, yumakap lang ito kay Seulgi. "Kain na tayo. Nagtext si mama nagiwan daw siya ng lunch natin. Umalis siya eh namalengke ata."


"Nakakahiya kay Tita. Pinaakyat niya ko para gisingin ka tapos nakitulog pa ako."


"Okay lang yun kay Mama. Sigurado ko ako sinisisi niya kung bakit nakatulog ka rin. Haha."


"Totoo naman kasi. Ayaw pa bumangon."


"Yiiieee worried siya sa sasabihin ni Mama." panunukso ni Seulgi. 


"Siyempre baka hindi ako magustuhan ni Tita." 


"Ano ka ba, Hyun? Gustong gusto ka kaya ni Mama. Pagsinusundo kita lagi niya sinasabi ingatan kita. Kala mo ikaw yung anak eh."

 

"Talaga?" tanong ni Joohyun na may malapad na ngiti. 


"Oo kaya. Ikaw nga lang pinayagan ni Mama na pumasok sa kwarto ko eh."


"Aaaah so may iba ka palang in-attempt papasukin sa kwarto mo?" 


"Ha?" nanlaki ang mata ni Seulgi sa nasabi niya. Parang may mali. "Wa-wala, Hyun. Sila Lisa kasi magulo kaya ayaw ni Mama papasukin dito sa kwarto."

 

"Sila Lisa lang?" patuloy na tanong ni Joohyun. 


"Oo, Hyun. Sila lang naman nagpupunta dito tsaka ikaw." paliwanag ni Seulgi. 

 

"Okay." sagot ni Joohyun. Tumayo na ito at nagumpisang tiklupin ang comforter ni Seulgi. Nakasimangot. 


"Hyun, oh ano yan? Bakit nagsasalubong na naman ang kilay? Wala naman iba umaakyat dito sa kwarto eeeh." di pa rin siya pinansin ni Joohyun. "Hyuuuuun. Hyuuuuunnieeeee. Pansinin mo na kooooo." Seulgi is now whining like a child. 


Pinigil ni Joohyun yung tawa niya kaso napahagalpak na lang siya bigla. 


"Ang arte mo haha. Joke lang eh. Wala naman problema kung may ibang umaakyat sa kwarto mo NOON. Pero subukan mo lang ngayon..." Joohyun glared at Seulgi. 

 

"Hahaha Hyun ang cute mo magselos parang matutunaw ako sa tingin na yan eh. Walang ibang makakapasok dito sa kwarto ko. Ikaw lang." h

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
885 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
336 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
885 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
885 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.