Tell us more, Seulgi #3

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 


"Hello? Ate Seulgi?"

 

"Oh Yeri?"

 

"Pinapatanong ni Mama kung nasan ka na daw? Gusto mo daw bang kumain muna bago kayo mag-grocery?"

 

"Ah malapit na. Paliko na ko sa Shell. Pakisabi kay Tita Jean mamaya na lang ako kakain baka kasi marami ng tao sa grocery matagalan kami."

 

"Ganun ba? Manlibre ka na lang ng lunch kaya?"

 

"Ha?" di masyadong narinig ni Seulgi yung sinabi ni Yeri. "Ah ano Yeri? Lunch? Mamaya na lang siguro."

 

"Mamaya? Manlilibre ka na?! Yes! Baba ko na 'tong call baka magalit sa' kin si ate dahil tinawagan kita ng nagdadrive. Bye!"

 

Pagkatapos magsalita ni Yeri ay agad niyang binaba ang tawag. Ang huling narinig ni Seulgi ay yung libreng lunch na hindi siya sigurado kung kailan siya napapayag.

 

 

 

 

 

 

 


"Ate Seulgiiiiiiiiii!" tawag ni Yeri habang nagmamadaling maglakad papunta sa gate nila para pagbuksan si Seulgi.

 

"Ikaw ah, parang nauto mo ata ako sa lunch?" natatawang biro ni Seulgi. "Bihis na bihis ka ah. Kasama ka?" dagdag pa niya.

 

"Kanina pa ko nakabihis 'no. Gusto ko kasing sumama. Namiss kita eh." sagot ni Yeri.

 

"Sus. Ikaw sasama sa grocery? Ang sabihin mo pinlano mo talagang magpalibre ng lunch no?"

 

"Nag-crave kasi ako ng burger tapos sabi ni Mama mag-prito na lang daw ako ng patty galing sa store." malungkot na sabi ni Yeri. "Eh piniprito pa lang yun lasang lasa ko na angel's. Manlibre ka na please?" naka-pout na sabi ni Yeri.

 

"Kayong magkapatid dinadaan niyo ko sa pagpapa-cute no? Sige na manlilibre na. Tawagin mo na si Tita para makaalis na tayo."

 

 

 

Pagdating nila sa mall nag-aya agad kumain si Yeri. Di alam ni Seulgi anong power ba ang meron ang mga Bae para mapa-oo na lang siya na walang kalaban-laban. 


"Seulgi, lagi mo na lang sinusunod yang si Yeri. Kaya wala ng ibang bukambibig yan kundi pangalan mo." sabi ni Tita Jean. 


"Hindi naman po madalas mag-request, Tita. Naeenjoy ko rin naman po kasi ngayon lang ako nagkaron ng kapatid."


"Oh diba, Mama? Di naman napipilitan si Ate Seulgi eh." depensa ni Yeri. 


Inabutan ni Seulgi ng pera si Yeri para siya na ang pumila sa counter. Perfect time kasi ito para makapag-paalam siya sa plano niya. 


Habang nag-aantay kay Yeri, hindi mapakali si Seulgi sa upuan niya. 


'Ganito pa lang hirap na hirap na akong mag-paalam. Paano pa kung kasal na ang ihihingi ko ng permiso.' sabi ni Seulgi sa sarili. 


"Seulgi, okay ka lang? Gutom ka na ba?" tanong ni Tita Jean. 


"Po? O-okay lang po ako." 


"May gusto ka bang sabihin?" natatawang tanong ni Tita Jean.


Seulgi sighed. Kung hindi pa niya sasabihin ngayon mawawalan na siyang ng chance pagbalik ni Yeri so she mustered up all the courage she has. 


"Tita...alam ko po madalas na mag-stay si Joohyun sa condo. Gusto ko pong magsorry kasi minsan hindi na kami nakakapag-paalam sa inyo at alam ko pong nagko-cause ng worry yun sa inyo."


"Minsan oo, pero alam ko namang aalagaan mo ang anak ko kaya tiwala naman ako."


"Gusto ko po sanang ipaalam kung pwede ko pong ayain na si Joohyun na sa condo tumira permanently? Kung papayag po kayo tsaka ko lang po aayain si Joohyun." nagaalangang tanong ni Seulgi. 


"Yun lang ba? Payag naman ako, Seulgi. Kaso na kay Joohyun pa rin yan kung gusto na niyang mamuhay ng may asawa." 


Namula si Seulgi sa narinig dahil di niya inasahang ganun ang interpretasyon ng nanay ni Joohyun sa ipinagpaalam niya. Kung tutuusin may punto naman si Tita Jean, they're practically married dahil iisa na sila ng tinutuluyan at iisa na ang expenses nila. 


"H-hindi po ganun yun, Tita!" Seulgi waved her hand. 


"Ibig mo bang sabihin wala kang balak pakasalanan ang anak ko?" tumaas ang kilay ni Tita Jean. 


"Po?" gulat na tanong ni Seulgi. She'll marry Joohyun kahit saang simbahan pero gusto lang niyang linawin na hindi pa iyon ang pinagpapaalam niya. "Papakasalan ko po si Joohyun sa kahit anong simbahan kung papayagan nga lang po kami. Kaya lang po hindi pa po yun ang inihihingi ko ng permiso. Living together po...uhm live-in?" pagliliwanag ni Seulgi sa intensyon niya. 


Tita Jean chuckled. Katunog ng tawa ni Joohyun. "Biro lang, nak. Alam ko naman yung gusto mong sabihin. Payag ako kung papayag si Joohyun." nakangiting sagot ng nanay ni Joohyun. 


"Thank you po, Tita. May isa pa po akong ipapaalam."


"May isa pa? Wag mong sabihing sa malayo mo dadalin si Joohyun. Malulungkot kami ni Yeri nun."


"Hindi ko po gagawin yun." Seulgi paused for a bit. "Alam ko po aware kayo sa ipon namin ni Joohyun simula nung college. Nag-usap po kami na gamitin yung pang-suporta sa pagaaral niya. Kapag po naubos yun sa tingin ko po kakayanin naman ng sahod kong ipagpatuloy ang pagsuporta kay Joohyun." 


"Halo halo yung nararamdaman ko, Seulgi. Nagpapasalamat ako na buo ang suporta mo sa anak ko pero di ko maiwasang isipin na ako ang nanay, ako ang dapat magpa-aral sa kaniya. Inaalala ko rin paano kung maubos na ang ipon niyo. Ayokong mawalan kayo ng pagkukunan sakaling kailanganin niyo." paliwanag ni Tita Jean. 


"I understand po. Alam ko pong isa yan sa dahilan ng hindi niyo pagpayag pero Tita, pera din po ni Joohyun yun. Pwede niyang gamitin pag kailangan at ito na po yung b

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
869 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
310 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
869 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
869 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.