Chapter 51

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

Naging abala sila Joohyun at Seulgi sa mga sumunod na araw dahil sa dami ng pasyente at mga empleyadong naghahabol sa deadline ng APE. Mabibilang lang sa isang kamay ang mga sumunod na practice session nila Joy, Joohyun, at ng grupo niya kaya hindi pa ganun ka-confident si Joohyun sa performance nila mamaya. 

 

 

 

 

"Tol, sinabi mo na kay Joohyun?" tanong ni Byul kay Seulgi.

 

 

 

Nakangising umiling si Seulgi. "Hindi. Surprise nga eh."

 

 

 

"Dami mo talaga pakana no?" pangaasar ni Lisa.

 

 

 

"Gusto ni Hyun ng mga ganun eh. Sino ba naman ako para hindi ibigay ang hilig ng aking sinta?" madramang sagot ni Seulgi.

 

 

 

 

"Bawas bawasan mo yang kakornihan mo, 'tol." payo ni Byul. "Teka lang. Pano mo pala nailusot sa kotse mo yang gitara mo?"

 

 

 

"Nung naliligo siya kanina bumaba ako para ilagay sa kotse."

 

 

 

"Dun ulit natulog si classmate? Buti okay lang kay Tita Jean." tanong ni Byul. 

 

 

 

"Hehehe..." napakamot ulo si Seulgi. "Pinag-impake na nga ni Tita Jean. Balik ko na lang daw si Hyun pag naging pasaway."

 

 

 

Muntik na maibuga ni Lisa yung iniinom niya sa narinig. "Live-in na kayo, 'tol?!"

 

 

 

"Hindi pa? Pero malapit na." tipid na sagot ni Seulgi.

 

 

 

"Anong pero malapit na?" pagka-klaro ni Lisa.

 

 

 

"Natutulog pa rin naman siya sa kanila. Mas maraming beses nga lang na sa condo na siya umuuwi." sabi ni Seulgi na may malaking ngiti sa labi.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Good afternoon, everyone. The competition will start any minute now but before that, let's give a round of applause for our lovely ladies of ward 2E!" sabi ng emcee ng pageant para sa Nurses Week.

 

 

 

Narinig ni Joohyun ang announcement ng emcee mula sa backstage.

 

 

 

"Joy, kinakabahan ako." sabi ni Joohyun sa bestfriend.

 

 

 

"Kaya mo yan, Joo! Kay Seulgi ka lang tumingin." sabi ni Joy para mapakalma ang kaibigan.

 

 

 

Nasa auditorium sila ng ospital at kasalukuyang nagaganap ang huling bahagi ng program para sa Nurses Week; The Search for Miss Nursing.

 

 

 

Ang lakas ng hiyawan ng audience na halos hindi na marinig ang tunog na mula sa malalaking speakers sa magkabilang side ng stage. May mga off-duty nurses na pumunta para suportahan ang lahat ng magpeperform at candidates para sa araw na yun, marami ring ibang medical staff ang nakisaya sa okasyon, at may iilang doktor ang nakihalubilo sa programang alay para gunitain ang serbisyo ng mga nurses. 

 

 

 

 

Ang grupo nila Joohyun at Joy ang na-assign para sa opening act ng kumpetisyon.

 

 

 

 

Paglabas nila sa stage ay biglang umilaw ang spot light na nakatutok sa kanilang apat. Lalong nadagdagan ang kaba ni Joohyun kaya hinanap niya agad ang girlfriend sa crowd. Mabilis lang niyang natagpuan si Seulgi na nakaupo sa pinakaharapang bahagi ng auditorium kasama ang mga kaibigan nila. 

 

 

 

Nagtama ang tingin nila sa isa't isa. "Kaya mo yan, Hyun!" sigaw ni Seulgi para i-cheer ang girlfriend. Hindi malinaw ang pagkakarinig ni Joohyun kahit sobrang lakas na ng sigaw ni Seulgi pero sapat ng alam niyang nakasuporta sa kaniya ito. 

 

 

 

Amidst the organized chaos of the audience, kalmado na si Joohyun.

Iyon talaga yung epekto sa kaniya ni Seulgi, ang mapakalma siya sa mga pagkakataong kailangan. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Bakit kayo nagkopyahang tatlo ng banner ha?" natatawang tanong ni Byul kay Seulgi, Wendy, at Lisa. Binasa niya yung mga hawak na banner ng mga kaibigan. 

 

 

 

"ROSEANNE BEST GIRL! pangit ng sulat mo Lisa." komento ni Byul. 

 

 

 

"JOY BEST GIRLFRIEND. Wends, tropa. Umasa ako sa'yo eh pero ang boring niyan 'tol."

 

 

 

"BAE JOOHYUN BESTEST GIRLFRIEND!" binasa ni Byul yung hawak ni Seulgi. "...in the whole wide world universe." tawang tawa si Byul sa banner ni Seulgi. Halata kasing madalian lang na idinugtong yung pagkakasulat ng 'EST' sa tabi ng 'BEST' at yung maliit na 'in the whole wide world universe' sa bandang ilalim ng banner. "Seulgi, 'tol. Magna laude at board topnotcher girlfriend mo tapos di mo man lang inayos grammar mo sa banner niya. Namuka!" 

 

 

 

"Mas maayos naman gawa ko kesa dyan kay tropa." sabi ni Wendy. 

 

 

 

 

"Lalagyan ko sana ng heart sa dulo kaso nahiya ako eh." sabat ni Lisa. 

 

 

 

 

"eh ito kasing dalawang 'to gaya gaya! Ako na nga nagisip na gumawa kami ng banner tapos pati ba naman laman gagayahin pa. Bae Joohyun Best Girl lang talaga sinulat ko kaso nung kinopya na nitong mga 'to, siyempre papayag ba ko? Hindi! Kaya dinugtungan ko. Hehe." sabi ni Seulgi. 

 

 

 

Habang nagpapaliwanag si Seulgi biglang nagplay yung song na sasayawin nila Joohyun. At lalo pang lumakas ang hiyawan ng mga empleyadong nanonood.

 

 

 

If you don't wanna see me

Did a full 180, crazy

 

 

 

"Mababaliw ata ako, 'tol. Ang ganda ganda ni Joohyun ko." sabi ni Seulgi sa mga kaibigan.

 

 

Walang ibang direksyong napuntahan ang mga mata ni Seulgi kundi kay Joohyun lang. Ni saglit na pag kisap-mata hindi niya ginawa.

 

 

 

Thinking 'bout the way I was

Did the heartbreak change me? Maybe

But look at where I ended up

I'm all good already

So moved on, it's scary

I'm not where you left me at all, so

 

 

 

 

Joohyun gracefully threw her arms out and waved them from one side to the other. Kanina lang ay kabadong kabado siya dahil first time niyang sasayaw sa harap ng maraming tao pero dahil kay Seulgi lang naka-focus ang atensyon niya, nawala na ang kaba. 

 

 

 

'Shi*.' napalunok na lang si Seulgi. Napanood naman na niya ang first half ng dance routine nila Joohyun noon pero para pa rin siyang nagayuma dahil hindi niya maalis ang tingin sa girlfriend.

 

 

If you don't wanna see me dancing with somebody

 

 

 

 

Seulgi lost her wits when she saw Joohyun dropped low. 

 

 

 

"Oh shi*." di napigilan magpakawala ng mura ni Seulgi na sinundan ng pigil na 'ugh'. Ungol ba yun? Hindi siya sigurado pero dahil napatingin sa kaniya ang mga kaibigan na may halong pagtataka at amused expression sa mga mukha, na-confirm ni Seulgi na oo, she let out a soft moan in broad daylight for people to hear. 

 

 

If you wanna believe that anything could stop me

Don't show up, don't come out

Don't start caring about me now

Walk away, you know how

Don't start caring about me now

 

 

Joohyun, Joy, and the rest of the group danced their hearts out. Legs poisedly swiping across the slick floor in a wave like motion. 

 

 

 

Sa huling ikot ni Joohyun bago siya tumayo para sa last part ng sayaw, nag-slowmo na naman ang galaw sa mundong nabuo ni Seulgi kung saan sila lamang ni Joohyun ang naroon. Parang sasabog sa saya at sabik ang puso ni Seulgi sa bawat pagkumpas ng kamay ng girlfriend, sa bawat paghawi ng buhok na ginagawa ni Joohyun at sa bawat ngiting natatanggap niya kapag nagtatama ang kanilang mga tingin. 

 

 

 

Isa sa paboritong pakiramdam ni Seulgi ay ang kasiyahang bumabalot sa buong pagkatao niya kapag nakikita niyang masaya ang mahal niya. Joohyun is obviously enjoying this experience at wala na sigurong mahihiling pa si Seulgi sa tagpong iyon. Hindi na pala niya kailangang surpresahin si Joohyun para mapasaya niya ito ngayong araw dahil ang girlfriend na mismo ang nakagawa nito para sa sarili. Joohyun happily grooving with every beat of the song is a sight to behold. 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Nurse Joohyun! Woohooo!" sabi ng isang doktor na nakaupo sa di kalayuan mula sa pwesto nila Seulgi. 

 

 

 

Naningkit ang mga mata ni Seulgi habang hinahanap kung sino yung sumigaw ng pangalan ni Joohyun. Nang matagpuan niya ito agad niyang tinanong si Wendy. 

 

 

 

"tropa, sino yun ha?" turo ni Seulgi sa bandang k

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
885 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
336 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
885 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
885 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.