Chapter 30

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

"Dun na ba kita ibaba sa bahay nila Ate Tiffany o sa bahay nyo muna para makapagbihis ka?" tanong ni Seulgi pagpasok ng street nila.

 

 

 

"Deretso na lang dun mahal kasi nagiintay na si Tita Eula."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pagdating nila sa bahay nila Tiffany balisa na si Joohyun.

 

 

 

"Samahan na lang kaya kita?" alok ni Seulgi.

 

 

 

"Hindi na po. Hindi naman na siguro babalik si lola."

 

 

 

"Sige pero pag kailangan mo ko text mo lang ako ah? Sunduin kita."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Kumatok si Joohyun at agad naman siyang pinagbuksan. Mukhang nagiintay talaga sa kaniya ang Tita Eula niya.

 

 

 

"Joohyun, sabayan mo na akong mag-dinner. Mamaya pa ang uwi ng Tito Rey mo, ang ate mo naman may biyahe." sabi ng tita niya.

 

 

 

Habang kumakain sila inoobserbahan ni Joohyun ang tita niya. Wala naman siyang nakitang unusual kaya she let her guard down for a bit.

 

 

 

Nung nawala na ang kaba at akala niya na normal dinner lang ito tsaka naman nagsalita ang nanay ni Tiffany.

 

 

 

"Pinuntahan ko ang lola niyo."

 

 

 

Parang bangungot na pilit gumigising si Joohyun pero hindi niya magawa. 

 

 

 

 

Tumingin sa kaniya ang tita niya. "Nagpunta ako para kausapin siya. Para ipaliwanag na hindi sinasadya ni Rey ang mga nasabi niya." 

 

 

 

"Pero Tita, si Tito Rey na po ang mismong nagsa..." bago pa matapos ni Joohyun ang sasabihin nagsalita na ulit ang tita niya. 

 

 

 

Umiling ito at hinawakan ang kamay niya. "Hindi mo naiintindihan, Joohyun." huminga ng malalim ang tita niya. "Kakailanganin namin ang perang yun."

 

 

 

Naguguluhan si Joohyun sa mga naririnig niya. 'Bakit ganito ka-seryoso ang tono ni Tita Eula? Hindi ba nasabi na ni Tito ang dahilan niya?' naisip ni Joohyun. 

 

 

 

"Tita...pero yun po ang kagustuhan ni Tito Rey. Sa tingin ko po wala akong magagawa..."

 

 

 

 

"Meron, Joohyun. Meron. Ikaw lang ang makakatulong sa amin."

 

 

 

 

"Di ko po naiintindihan, Tita." naguguluhang tanong niya.

 

 

 

"Nagmamakaawa ako. Hiwalayan mo na si Seulgi. Yun lang ang kundisyon ng lola mo." malungkot na sabi ni Tita Eula.

 

 

 

Nagulat si Joohyun. Hindi siya makapaniwalang aabot sila sa ganitong usapan. Ganun ba kalaki ang interes ng tita niya sa pera? Hindi niya akalain.

 

 

 

"Tita, pasensya na po pero gaya ng sabi ko kay lola hindi ko magagawa yan." tumayo na si Joohyun dahil ayaw na niyang marinig pa ang sasabihin ng tita niya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"May sakit ako, Joohyun." sabi ni Tita Eula.

 

 

 

Napatigil sa paglalakad si Joohyun. Nilingon niya ang nanay ni Tiffany nakayuko ito at tahimik na lumuluha.

 

 

 

Tahimik na bumalik si Joohyun sa kinauupan niya kanina. "A-ano pong sakit niyo Tita? Ano pong sabi ni Tito Rey?"

 

 

 

"May kailangan daw operahan. Hindi ko na masyadong naintindihan dahil natakot ako sa sinabi ng doktor." tinignan ni Tita Eula si Joohyun para tignan ang reaksyon nito.

 

 

 

"Ano pong sabi ni Tito Rey? Ni Ate Tiffany?"

 

 

 

"Hindi pa nila alam. Sasabihin ko na dapat pero biglang dumating ang lola mo. Nawalan na ako ng pagkakataon. Malaman man niya kilala ko ang asawa ko. Hindi magbabago ang isip nun. Sigurado akong magpapakalunod sa trabaho si Rey para lang masuportahan ang gamutan."

 

 

 

Di alam ni Joohyun anong dapat sabihin. Pinaglalaruan na ata talaga siya ng tadhana.

 

 

 

"Ang ate mo kakabalik pa lang sa trabaho. Kakayanin naman siguro namin ang gastos pero hindi ko maatim na ipapasan sa kanilang dalawa 'tong problema na gayong may mapagkukunan naman kami ng pera." 

 

 

 

"Nurse ka, alam mo kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ng may sakit at ng pamilya. Ayaw ko ng dagdagan ang bigat ng sitwasyon. Kung tutuusin hindi naman kami dapat madamay sa problema niyo. Sana naiintindihan mo."

 

 

 

'Hindi naman ako masamang tao pero bakit nangyayari sa akin 'to?' tanong ni Joohyun sa sarili.

 

 

 

"Tita, hi-hindi ko po alam." tumayo si Joohyun at mabilis na naglakad palabas. Hindi siya makahinga para siyang sinasakal ng bagong problemang dumagdag.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

1 new message from My love

 

My love: mahal, nakauwi ka na?

 

 

 

Nagtext si Seulgi kay Joohyun para alamin kung nakauwi na ba ang girlfriend. Ang usapan nila kanina ay ia-update siya once na makauwi si Joohyun pero tatlong oras na ang nakakaraan wala pa rin siyang natatanggap na message. 

 

 

 

Nilapag niya ang cellphone sa tabi. Umaasang magrereply si Joohyun agad. After a few minutes tumunog ang phone niya. She sighed in relief nung naka-receive siya ng message. 

 

 

 

"Sa wakas nagtext din." sabi ni Seulgi 

 

 

 

Pero nawala ang ngiti niya sa nabasa. 

 

 

 

1 new message from Tita Jean

 

Tita Jean: Seulgi, may dinaanan ba kayo ni Joohyun? Anong oras kayo makakauwi? Di sumasagot sa text ko nakatulog ba sa biyahe yang batang yan? 

 

 

 

Nagmadaling i-dial ni Seulgi ang number ni Joohyun. 

 

 

 

'The number you dialed is out of coverage area.'

 

 

 

Naka-off ang phone ni Joohyun kaya tinext na lang niya ito hoping na mabasa ang message niya once na i-on na ni Joohyun ang phone. 

 

 

 

My love: Hyun, nasan ka? Susunduin kita. Nagtext si Tita Jean di ka pa raw umuuwi. Replyan mo naman ako, please. 

 

 

 

 

Wala siyang na-receive na reply kaya lumabas na siya agad. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Ma, lalabas lang po ako susunduin ko si Hyun."

 

 

 

"Solgeee, gabi na. Bumalik ka agad ah." bilin ng nanay niya. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Una niyang pinuntahan ang bahay nila Tiffany.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
886 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
337 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
886 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
886 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.