Chapter 19
Anghel ni Seulgi
Ilang araw ang nakalipas mula nung overnight nila Joohyun sa condo.
Lumabas si Jennie para bumili ng burger sa store nila Joohyun at para madalaw na rin niya ang kaibigan. She decided to walk kasi ayaw na niyang mahirapan magpark ng kotse. Napakalapit lang naman at kayang lakarin. Malapit na siya sa may waiting shed sa may gilid ng condo nang nagulat siya at nainis sa nakita.
"Oh my ghaaaaad. Angel's ba yan?! I am so gonna tell Joohyun." sigaw niya sa lalaking nagtapon ng burger. Baka sa mga mata nito ang pagkagulat.
"Jennie! Wait lang! Teka mage-explain ako." hinabol niya si Jennie at akmang hahatakin sa braso.
Bigla naman dumating si Byul at pinigilan ang akmang paghatak ni Bogum kay Jennie. kanina pa pala nagmamasid sa nangyayari si Byul.
Nagdala siya ng dog food para sana ipakain sa mga doggo friends ni Seulgi pero di niya inasahan na mahuhuli niya yung nagtatapon ng burgers.
"Alam mo brooooo ilang beses ko nang nakikitang may nagtatapon niyan dito. Sana binigay mo na lang sa nagugutom kesa parang basura mong hinahagis dito. Wag mo rin dadahilan sa akin na pinapakain mo mga aso dahil binabato mo lang yan diyan basta."
Di nakasagot si Bogum. Di niya alam paano lulusutan 'to kasi huling huli na siya. Kaya sumakay na lang siya sa puting kotse at humarurot palayo.
"Byul, what was that? You mean this is not the first time?"
"Oo, classmate. Ilang beses ko na muntik mahuli yan. Pucha si bagang pala. Sabi na eh."
Sabay na nagpunta si Byul at Jennie papuntang store nila Joohyun para ibalita. Tinawagan din ni Byul si Seulgi para pasunurin.
Kinwento agad ni Jennie ang nakita. Si Byul naman ay nagkwento rin ng mga nakita niya simula nung unang beses.
Inis na inis si Joohyun sa mga narinig niya. Mas lalo lang siyang nainis nang maalala niyang palaging nababanggit ng nanay niya si Bogum na kesyo mukha naman daw mabait.
Pagdating ni Seulgi sa store ay kinwento ng mga kaibigan sa kaniya ang nangyari. Inis na inis si Seulgi. Gusto na niyang puntahan at kausapin ang lalaki pero pinigilan siya ni Joohyun.
"Sinasabi ko na nga ba walang magandang dulot yang bagang na yan eh." komento ni Seulgi.
"Sasabihin ko kay Mama yan. Bilib na bilib pa naman yun kay Bogum kahit na daw mayaman eh walang arte sa pagkain." naiinis na sabi ni Joohyun.
Sabay na umuwi si Joohyun at Seulgi pero hindi sila masiyadong naglalapit dahil sa pagaalalang makita sila ng mga kapitbahay. Gusto mang hawakan ni Seulgi ang kamay ni Joohyun ay di niya magawa.
"Hyun?"
"hmmm?"
"Nakahanap ako ng part-time job. Sa Ka Tonyo's. Bukas first day ko." masayang sabi ni Seulgi.
Nagulat si Joohyun sa narinig niya. Di naman nabanggit ni Seulgi na naghahanap siya ng trabaho.
"Kulit, bakit? Kung tungkol 'to kay lola di mo naman kailangan magtrabaho. Nagsabi na si Jennie sa akin na marerecommend niya daw ako maging on line tutor sa friend ng ate niya."
"Hyun, di naman pwedeng nakatanga lang ako kahit na alam kong may pwedeng mangyari. Naghahanda lang naman tayo. Wag ka magaalala ikaw pa rin ang priority ko." sabay kindat kay Joohyun.
"Seulgi, pano pag nagresume na classes? Oo ngayon maluwag ang sched kasi sembreak. Paano after sembreak?"
"Oh yung kilay nagsasalubong na naman. Relax lang po. 4 times a week lang ako dun. Pag nagstart na classes every weekend lang. Pumayag naman si manager eh."
"Hindi ko alam, kulit. I don't want to burden you with this." malungkot na sabi ni Joohyun.
"Ano ka ba? Hindi ka magiging burden sa akin kahit kailan. Kung kailangan ko kayong ipagsibak ng kahoy gagawin ko." biro niya.
"Seulgi, seryoso na kasi. You don't have to do this. Di mo obligation yun."
"Gusto kong gawin 'to para sa atin. Mahal kita at hindi ako tutunga lang sa isang gilid at hayaang mawala ka."
Gusto nang yakapin ni Joohyun si Seulgi pero hindi pwede dahil malapit na sila sa bahay niya.
"Kung sana lang bukas ang mata ni Mama sa kung gaano mo ko kamahal." napabuntong hininga si Joohyun. "Mahal kita."
"Kaya natin 'to. Basta walang bibitiw." sabi ni Seulgi.
Naabutan ni Joohyun na naghahain ng hapunan ang ina.
"Ma, bakit ang late na po ngayon lang kayo kakain?" tanong ni Joohyun.
"Oh tamang tama sabay sabay na tayo. Sige na maglinis ka muna ng katawan."
Pagtapos niyang maligo ay bumaba siya agad para masabayan sa hapunan ang pamilya niya.
"Ma, bakit nga po ngayon lang kayo kakain ni Yeri?"
"Naku Ate yang si Mama tagal nakipagkwentuhan sa manliligaw mo."
"Huh? Sino? Wala akong manliligaw." takang tanong ni Joohyun.
"Late na kasi ako nakapagluto nandito kasi si Bogum kanina dumalaw."
"Bogum? Bakit po dumalaw?" tanong niya sa nanay niya. "Tsaka anong manliligaw yun Yeri?"
"Anak, nagpaalam sa akin si Bogum kung pwede ba siyang manligaw sa'yo. Pumayag ako. Mukha namang mabait na bata."
"Mama, bakit po kayo pumayag? Hindi niyo man lang po tinanong kung gusto ko ba. Hindi nga po natin kilala 'yang si Bogum. Ma, si Seulgi po ang mahal ko. Wala po akong balak magpaligaw sa kahit na sino lalo na sa Bogum na yun."
Marahas na binaba ng nanay niya ang mga kubyertos na hawak bago nagsalita.
"Ano bang masama dun ha, Joohyun? Di ko naman sinabing sagutin mo agad. Kilalanin mo lang yung tao. Baka yang nararamdaman mo kay Seulgi matapos din kung may ibang magmahal sa'yo."
"Mama, yung nakikita niyo pong ugali ni Bogum hindi totoo. Alam niyo po bang tinatapon niya lang yung mga binib
Comments