Chapter 2

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

"Papahabol ako sa kanila."

 

"WHAAAAAAT?! NO!" mariing pagtanggi ni Joohyun sa plano ni Seulgi.

 

"Hyun, aray ah. Dati ka bang nagtrabaho sa baranggay? Nalunok mo ata yung megaphone nila eh."

 

Tinitigan lang siya ng masama ni Joohyun.

 

"Kaya ko naman tumakbo ng mabilis. Varsity ako ng track and field baka nakakalimutan mo?" sambit ni Seulgi. 

 

"Baka nakakalimutan mo rin na ang tagal na nating nakalock down. Wala kang practice Seulgi baka mapano ka." nagaalalang sabi ni Joohyun. Nakakapit na siya sa laylayan ng tshirt ni Seulgi. Ayaw niya talagang pumayag sa plano nito.

 

"Kaya ko promise. At tsaka wala na tayong time oh tignan mo pag tayo nakita niyang mga aso na yan sure ako hahabulin na tayo. Di ka naman makakatakbo ng mabilis. Kaya sige na tago ka na dun ah? Pag nasa akin na yung atensyon ng mga doggos maglakad ka lang ng normal na lakad papunta dun sa drug store. Pasok ka sa loob para safe. Dun mo ko intayin ah?" bilin ni Seulgi.

 

Wala nang nagawa si Joohyun kundi ang sumunod kay Seulgi. Nagtago siya sa may puno at pinanood si Seulgi. Ayaw naman niya talagang iwan si Seulgi sa ganung sitwasyon pero tama siya eh. Di siya makakatakbo ng kasing bilis ni Seulgi. Ipapahamak lang niya si Seulgi pag nagpumilit pa siya. 

 

"witwiiiiiw!" nag-whistle si Seulgi para makuha ang atensyon ng mga aso. Nang makita niyang nakatingin na sa kanya ang mga ito nag akma siyang susugod papunta sa kanila para matrigger na habulin siya. 

 

"This is it! Habol mga asooooo!" sigaw ni Seulgi. At nagsimula na nga ang greatest match sa buhay ni Seulgi. Chinitang varsity vs mga aso sa kanto. Nakakadalawang kanto na siya palayo kay Joohyun pero nakasunod pa rin sa kanya yung mga aggressive opponents niya. Pinagdadasal na lang niyang shorts lang ang makagat sa kanya at wag ang precious niyang mga binti. 

 

Approaching sa pangatlong kanto na siya nang nakaramdam na siya ng pagod. Bumagal na ang speed niya. Tama nga si Hyun, wala siyang practice. Yabang lang ang puhunan niya ngayon. May dalawang asong ilang centimeters na lang ang layo sa kanya. Maaabutan na siya ng mga ito. Malapit na niyang tanggapin sa sarili niya na makakagat na siya ng aso nang biglang dumaan yung mga nagrorondang tanod. Nataboy naman nila yung mga asong pagpi-piyestahan na sana si Seulgi. Humihingal siyang tumigil sa pagtakbo. Para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Yes! Di nagasgasan ang precious niyang binti. 

 

"Ne, ano bang ginagawa mong magisa dito. Hinabol ka pa tuloy ng mga aso. Di namin alam saan galing yang mga yan. Nasa dog poubd na yung mga datihang aso dito eh." sabi nung isang nakakatandang tanod sa kaniya. 

 

"Pauwi na ho dapat kami eh kaso ang daming aso dun sa may kanto. Ayun hinabol ako." humihingal na sabi niya. 

 

"Ah may kasama ka? Nasan siya hatid na namin kayo."

 

"Nandun ho siya sa may Mercury. Ako lang ang hinabol ng aso." sagot ni Seulgi. 

 

 

09:25 PM
Hyunnie: Seulgi nandito na ako sa Mercury. Alam ko naman busy ka sa pagtakbo pero magiingat ka. :'( help is on its way. 

 

09:35 PM
Seul kulit: anong help? Hyun, nakasalubong ko ang Avengers. Ni-rescue nila ako. Hehe

 

09:36 PM
Hyunnie: okay ka lang ba?! Come here na please. 

 

Pagkababa ni Seulgi sa mobile ng baranggay nakita niya si Joohyun sa labas ng entrance ng drug store. 

 

"Seulgi!" napakapit ulit si Joohyun sa laylayan ng tshirt ni Seulgi. Nagaalalang sinisipat kung may galos ba siya. 

 

"Sabi ko sa'yo dun ka sa loob magintay eh. Mas safe dun eh." di namalayan ni Seulgi na napa-pout na pala siya sa likod ng mask nung nakita niyang sa labas nagaantay si Hyun.

 

"Sorry." malungkot na sabi ni Joohyun. 

 

Napalingon naman silang dalawa. 

 

"Miss, ikaw pala yu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
887 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
338 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
887 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
887 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.