Chapter 62

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 


"I should've known. Pag nag-aya ka ng date may kinalaman sa grocery o sa bahay eh." reklamo ni Seulgi. Kasalukuyan silang naglalakad sa kahabaan ng Dapitan Arcade, the famous tipid shopping destination of QC.


"Mas tipid kasi dito kesa sa mall tayo bibili."


"I know kaya lang kanina pa nagda-drama yung kili-kili ko. Pawis na." naka-pout na sabi ni Seulgi. Hindi effective pang-sangga ng init ng araw yung payong na dala nila. 


"Sino kasi nagsabing mag-long sleeves ka." natatawang sagot ni Joohyun. Hinila niya si Seulgi para sumilong sa malilim na parte ng daan. "Mahal, factory ka talaga ng pawis. Ganyan ka rin nung nag-Intramuros tayo." sabi niya habang dinadampian ng panyo ang mukha ng girlfriend.


"Sabi mo kasi date. Siyempre gusto ko I look good." naka-pout pa rin si Seulgi.


"You look good kahit ano pang suot mo." she stopped para kumuha ng wet wipes na idadampi niya kay Seulgi para malamigan ito kahit paano. "Pinagpapalit kita kanina ng damit ayaw mo naman. mo na lang 'to."


"Di ko naman alam na dito pala tayo pupunta. Sa next date natin ako na talaga magpa-plano."


Joohyun grinned. "Ikaw na mag-plano sa next date. Saglit na lang po promise. Bili na lang tayo ng rattan basket bagay kasi yun sa bagong unit natin."


Kita ni Seulgi yung excitement sa mga mata ng girlfriend kaya nakalimutan na niya yung nirereklamo niyang init at at lagkit sa katawan. 


"Last na ah? Tara dun sa dulo sabi nila mas mura dun." aya ni Seulgi bitbit yung isang plastic ng mga pinggan na binili nila. Napalitan na ng ngiti yung naka-pout na labi niya kanina. 


"Ay wait! Bili rin pala tayo ng wooden saucers. Let's go!" 


Napa-face palm na lang si Seulgi. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


"Ang init grabe." sabi ni Seulgi habang binubuksan yung tumbler na inabot sa kaniya ni Joohyun. Ibinalik niya agad ito sa girlfriend nang ma-satisfy na ang uhaw niya. "Inom ka rin, mahal."


"Palit kang damit." inabutan ni Joohyun ng bagong tshirt si Seulgi. "Talikod." pinunasan niya ang likod ng girlfriend hanggang sa matuyo ang pawis. "Hmmm...bango pa rin. Amoy nakipagdigma sa MRT." biro niya. 


"Mahal naman eh. Ang baho ko na?" malungkot na tanong ni Seulgi. 


"Joke lang po mabango pa rin. Pa-kiss nga!" akmang hahalik si Joohyun sa leeg ng girlfriend pero agad itong tumanggi. 


"Ayaw! Malagkit na ako." sagot ni Seulgi. Sinimangutan niya muna si Joohyun bago niya inistart ang makina ng sasakyan.


Soft giggles. "Ang cute mong pikon no?"


Di siya sinagot ni Seulgi at patuloy lang na nagdrive pauwi. Salubong na ang kilay dahil sa init at traffic.


"Init na ulo ng baby ko. Gutom ka na 'no?" tanong ni Joohyun. Kinuha niya mula sa bag ang isang pack ng wafer na baon niya para kay Seulgi. Simula nung nadala ang girlfriend niya sa infirmary dahil sa mababang sugar level, Joohyun made sure na may stock siya ng sweets sa bag just in case kailanganin ni Seulgi. 


"Gutom na." mahinang sagot ni Seulgi. 


"Kain ka muna nito." sinubo niya sa girlfriend ang isang pirasong wafer. Nang makarating sila sa intersection ay inabutan sila ng red light kaya nagkaroon ng chance si Seulgi na tignan si Joohyun. 


"Mabaho na ko?" nakasimangot niyang tanong. 


Pigil-tawang sumagot si Joohyun. "Hindi po." she kissed Seulgi's cheek. 


A small smile of satisfaction formed on Seulgi's lips, her eyes lit up and her face brightened. Parang hindi mainit ang ulo kanina. 


'Success!' Joohyun mentally celebrated her victory. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Tol, last na 'tong mga 'to." sabi ni Byul nang makasalubong niya si Seulgi sa may elevator. Tulak tulak niya ang cart na may kargang ilang boxes. 


Moving day ngayon ni Seulgi at Joohyun kaya nag-volunteer ang mga kaibigan nilang tumulong sa paglilipat. 


"Thank you, 'tol. Una ka na dun nag-prepare si Hyun ng merienda. Baba lang ako bili lang softdrinks." nakangiting sagot ni Seulgi. 


"Wait lang antayin mo ko sama 'ko sa'yo."


"Clingy ka pala, Byul. Crush mo ba ko?" Seulgi chuckled. 


"Gago may naiwan ako sa kotse."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


"Grabe no? Parang kailan lang patambay tambay ka lang sa store nila Joohyun tapos ngayon titira na kayo sa sarili niyong place." komento ni Byul habang namimili sila ng softdrinks at snacks sa convenience store sa ibaba ng bagong condo unit nila Seulgi. 


"Kahit ako minsan di makapaniwala na inabot namin ni Hyun yung ganito. Dati inaasar ko lang siya para mapansin ako. Kuntento na ako dun eh pero ngayon shet..." tumigil si Seulgi saglit at pumikit. Nag-flashback sa kaniya yung mga moments na tinutukoy ni Byul. "...we're starting to build our dreams together. Aaaaah!" 


"Tangina nung kilig mo rinig hanggang sa labas." natatawang saway ni Byul.


"Sino ba naman kasi mag-aakalang mai-inlove sa'kin ang isang Bae Joohyun, mag-aantay ng tatlong taon na wala namang kasiguraduhang babalik ako, tapos tinanggap ako without hesitation."


"Dati di ako naniniwala sa true love pero nung nalaman kong inantay ka niya ng ganun katagal naniwala na ako eh. Alagaan mo kung anong meron kayo. Sobrang precious."


"Di ko na uulitin yung tumakbo at magtago sa problema, 'tol." umiling si Seulgi. "Gusto mong alak? Parang bagay sa tagayan yung usap natin eh." biro niya. 


"Lakas ng loob mong mag-aya ng inom eh ang dami niyo pang ia-unpack mamaya." paalala ni Byul. 


"Luuuh di niyo kami tutulungan?" 


"Bold of you to assume na tutulungan namin kayo." Byul chuckled. 

 

 

 

 

 

 

 


Pag-akyat nila naabutan nilang busy si Lisa sa pagsasalansan ng mga bags at boxes na nakakalat sa kitchen area. Hindi nakasama si Roseanne at Wendy dahil sila ang naka-duty ngayon sa 2E.


Habang si Joy at Joohyun naman ay abala sa pag-aayos sa kwarto. "Joo, anong plano mong ilagay dito?" turo ni Joy sa plain wall sa ibabaw ng headboard.


"Di ko pa naisip eh. Pili na lang siguro kami ni Seulgi ng bagay na art work niya para diyan." sagot ni Joohyun.


"Ah oo nga nakalimutan kong artistic nga pala jowa mo pero...pero...alam mo kung anong art ang mas maganda ilagay diyan?"


Nabaling ang atensyon ni Joohyun sa tanong ni Joy. "Ano?"


"Couple portrait. Mala bride and bride ang datingan." kantyaw ni Joy.


"Gaga ka talaga, art ba yun." nakangising sagot ni Joohyun. Ito na naman tayo sa topic ng kasal, kinikilig siya every time na mauungkat yung usapang yun.


"Love is a form of art, Joo." sagot ni Joy. She's trying her best not to cringe kasi sobrang cheesy ng sinabi niya.


"Joy, you sound like Wendy." natawa si Joohyun. "Kumusta pala kayong dalawa?"


Pagkarinig ni Joy sa pangalan ng girlfriend ay nagliwanag ang mukha nito. "You wanna know a little secret?"


"Oooh spill." tipid na sagot ni Joohyun pero halatang interesado siya sa sasabihin ng bestfriend.


"Nainspire si Wendy sa mga plano niyo sa buhay. She's in talks with your agent. Balak niyang bumili rin dito."


"That's great, Joy! Marami na sigurong ipon si Wendy, no?" masayang sagot ni Joohyun pero mukhang di niya pa naga-grasp yung gustong ipahiwatig ni Joy.


"Ah Joo? She asked me to move in with her pag na-turnover na sa kaniya yung unit." nahihiyang paliwanag ni Joy.


"Oh my gaaaad! Aaaaah!" napatili si Joohyun nang marinig niya ang plano ni Wendy for her bestfriend. "I'm happy for you, Joyie!"

 

Biglang pumasok si Seulgi sa kwarto pagkarinig ng tili ng girlfriend niya.


"Hyun? Bakit ka sumigaw?"


Tinuro lang ni Joohyun si Joy.


"Ah sinabi mo na?" tanong ni Seulgi kay Joy.


Tumango si Joy na may malaking ngiti sa labi. "Mas excited pa ata siya sa akin."


"Alam mo na?" takang tanong ni Joohyun.


"Oo, nabanggit ni Wendy nung kinuha niya yung number ng agent natin dito."


"Sana makakuha sila dito sa floor natin para neighbors tayo." nakangiting sagot ni Joohyun.


"It's up to them pero okay yun makakahingi tayong ulam. Diba, Joy?" biro ni Seulgi.


"Ask Wendy, siya naman tagaluto eh. Taga 'nice, baby. ang sarap, love' lang naman ako." natatawang sagot ni Joy.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Mahal, tulog na tayo. May pasok ka pa bukas. Ako na gagawa niyan pag-gising ko." aya ni Joohyun kay Seulgi na abala pa rin sa paga-unpack ng ibang mga gamit. Kanina pa nakauwi sila Joy pero hindi pa rin sila tapos mag-ayos.

 

 

"Sige pero wag mong galingan masyado ah baka pag-uwi ko bukas tapos mo na 'to. Tulong tayo dun sa mabibigat."

 

 

"Pasyente nga nabubuhat ko eh yan pa kayang mga yan. Kayang kaya, mahal."

 

 

"Basta pag pagod ka na wag mo pilitin. Matatapos din natin pag-aayos dito."

 

 

"Yes po. Halika na tulog na tayo." hinila na ni Joohyun si Seulgi papasok sa kwarto nila.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Hyun? This feels like a dream, 'no?" tanong ni Seulgi kay Joohyun nang makahiga na sila sa kama. "May sarili na tayong place."

 

 

"Who would've thought na aabot tayo sa ganito. Sariling bahay, future plans, achieving our goals na magkasama." sagot ni Joohyun. 

 

 

"Dati binu-bwiset lang kita ngayon in love na in love ka na sa'kin haha" biro ni Seulgi. 

 

 

"Kala mo naman siya hindi. Ako lang in love na in love?" nakasimangot na tanong ni Joohyun. 

 

 

"Siyempre ako rin. Patay na patay nga ako sa'yo highschool pa lang eh."

 

 

"See?" natatawang sagot ni Joohyun. "Pero mahal, kahit na patay na patay ka sa'kin, pwede kang mainis o magalit kung may nagawa akong mali ah."

 

 

"Alam mo ba kung bakit lagi kong sinasabi na hindi ko kayang magalit sa'yo? It's not because I am blindly in love with you. Yung tipong kahit mali na tatanggapin ko na lang? No, hindi ganun."

 

 

Tahi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
886 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
337 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
886 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
886 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.