Chapter 41

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 


40th UNIVERSITY COMMENCEMENT EXERCISE

 

 


"Marshalls, please lead the graduates to the stage..." sabi ni Professor Kim Taeyeon.

 


"Announcing the graduates with Baccalaureate Degree: Summa Laude..."

 

Inumpisahan ni Prof Kim ang pagtawag isa isa ng mga pangalan ng mga nagtapos na may Summa Laude award. 

 

Hindi na mapakali si Tita Jean at Yeri sa upuaan. They can't wait to hear Joohyun's name kapag inannounce na ang mga graduates na nakakuha ng 2nd highest Latin honor.

 

"Mama, wala pa nga umiiyak ka na." biro ni Yeri.

 

"Proud na proud ako sa mga achievements niyong mga anak ko pagbiyan mo na ako, nak."

 

"With Baccalaureate Degree: Magna Laude..." pagpapatuloy ni Prof Kim. 

 

"Joohyun Bae!"

 

Medyo napalakas yung pag-announce ni Taeyeon sa pangalan ni Joohyun dahil kahit siya ay sobrang proud sa achievement na ito ng pinsan ng kaniyang girlfriend.

 


"Mukhang mas proud pa sa akin si Taeyeon." natatawang sabi ni Tita Jean.

 

 

 

 

 


"Congrats mga lodi!" sabi ni Wendy kay Joy at Joohyun.

 

"Love, stop calling us lodi. Sobrang outdated na niyan." natatawang sabi ni Joy.

 

"Bakit? Hindi ah. Tama lang tawagin ko kayong mga lodi. LODI ang girlfriend ko tapos Magna LODI naman ang bestfriend. Oh diba lodi talaga?" paliwanag ni Wendy.

 

"Thank you Wends, pero tama si Joy. Ang outdated na nga ang corny pa." biro ni Joohyun.

 

"Grabe kayo sa akin." nagpout si Wendy.

 

"Joy, congratulations! We made it." masayang sabi ni Joohyun sa bestfriend niya.

 

"Congrats din Joo! Kahit na ang dami mong pinagdaanan you still managed to achieve your goals. Proud ako sa'yo." sagot ni Joy.

 

Napangiti na lang si Joohyun sa sagot ng bestfriend. Naalala niya kasi si Seulgi sa sinabi ni Joy.

 

'Mahal, kung nandito ka alam kong magiging proud ka rin sa akin ngayon.' sabi ni Joohyun sa sarili.

 

"Joohyun, alam kong may celebration ka rin mamaya pero kung may time ka daan ka sa celebration ng lalab ko ah?" aya ni Wendy.

 

"Tignan ko Wends kung makatakas ako mamaya sa bahay." sagot ni Joohyun.

 

 

 

 

 


"Hello?"


...


"Pupunta ka ba mamaya?" tanong ni Taeyeon sa kausap.


...


"Akong bahala sa'yo. Matutuwa siya sigurado ako."


...


"Basta kung magbago ang isip mo, just text me okay?" binababa na ni Taeyeon ang cellphone pagkatapos ng tawag. Lumapit siya kila Joohyun na nasa may gitna ng auditorium ng school.

 

"Joohyun! Congratulations!" sabi ni Taeyeon.

 

"Ate Taeyeon, thank you." masayang sagot ni Joohyun.

 

"Pinabibigay ng Ate Tiffany mo." inabot ni Taeyeon ang puting paper bag na may logo ng kulay-abong kinagatang mansanas. "I'm sorry Hyunnie, my leave got rejected. Hindi tuloy ako nakapunta sa graduation mo." sabi ni Taeyeon habang ginagaya ang tono ng girlfriend. Playfully mocking the way Tiffany speaks. 

 

"Isusumbong kita kay Ate Tiffany." banta ni Yeri. 

 

"Wag naman! Kakabati lang namin bago siya lumipad eh." napakamot ulo si Taeyeon. 

 

"Pakisabi kay Ate Tiffany, salamat. Ang mahal naman ng grad gift niya." nahihiyang sabi ni Joohyun. 

 

"Para sa pinakapaborito naming pinsan yan." Sabi ni Taeyeon. 

 

Joohyun's heart is full. Marami sa paligid ang nagmamahal sa kaniya. Nandiyan ang nanay at kapatid niya, ang mga kaibigan, at sila Taeyeon at Tiffany na itinuring talaga siyang tunay na kapatid sa kabila ng nangyari noong nakaraang taon pero may kulang pa rin sa puso ni Joohyun. May palagi pa rin itong hinahanap. 

 

'I wish you were here.' sabi ni Joohyun sa sarili. 

 

"Ate..." tawag ni Yeri sa kaniya. 

 

"Hmmm?" 

 

"You spaced out. May sinasabi si Ate Taeyeon." bulong ni Yeri. 

 

"Anak, sabi ng ate Taeyeon mo na sumabay na tayo sa kaniya pauwi para hindi na tayo mahirapan." sabi ni Tita Jean. 

 

"Joohyun, okay lang antayin niyo ko sa may entrance? I just need 30 mins to wrap things up here. Baka may kailangan pa kasi si Dean Yoo." 

 

Tumango si Joohyun. "Dun na lang kami sa may mga bench tapat ng parking magiintay." sagot niya. 

 

 

 

 

 

 

Kasalukuyang nakaupo ang mag-iina sa isang bench na katapat ng entrance ng building at parking lot nang biglang magsalita si Joohyun. 

 

"Ma, nung nawala si Papa nakaramdam din po ba kayo ng takot na baka isang araw makalimutan mo na lang kung paano siya ngumiti, kung paano siya magsalita, baka makalimutan mo na yung pakiramdam ng mga yakap niya?" 

 

Hinawakan ni Tita Jean ang kamay ni Joohyun at pinisil ito. She knows her child too well. "Anak, darating talaga yan kahit iwasan mo pero..." tumingin siya sa mga mata ng anak. "...yung pagmahahal ang hinding hindi mawawala sa puso mo."

 

"Huling araw ko nang makikita 'tong school. Napakarami naming memories ni Seulgi dito. Natatakot akong baka unti unti makalimutan ko na yung pakiramdam ng mga hawak niya, yung mga ngiti niya sa akin, yung boses niya pag tinatawag ang pangalan ko. Baka makalimutan ko na ang lahat ng yun dahil po mababawasan na ang mga bagay na magreremind sa akin kay Seulgi." honest na sagot ni Joohyun sa ina. 

 

"Gaya nga ng sabi ko kanina, yung pakiramdam diyan sa puso mo hinding hindi mawawala. Makalimutan mo man yung ibang memories niyo na magkasama pero yang pagtibok ng puso mo para sa kaniya nandiyan lang yan."

 

 

 

 


Congratulations! 

Joohyun Bae
Magna Laude
Bachelor of Science in Nursing
Batch 2022

 

Proud na ipinaskil ni Tita Jean ang tarpaulin sa harap ng bahay nila. Hindi niya akalain na makakapagpatapos siya ng anak sa kolehiyo na may ganitong achievement. 

 

 

"Mama, tara na po sa loob. Di na alam ni Ate Joohyun anong gagawin sa mga niluto niyo." aya ni Yeri. 

 

Pagkatapos kasi ng graduation ceremony nila ay umuwi na sila para makapaghanda. May konting salu-salo sila para i-celebrate ang achievement ni Joohyun. 

 

Kaunti lang naman ang inaasahan nilang dumating. Si Tito Rey, Taeyeon, ilang mga kamaganak ni Tita Jean, mga kaibigan ni Joohyun, at...

 

 

 

 

 

 

...si Seulgi. 

 

 

 

 

 

 

"Ate, wag mo na intayin yun. Di naman darating yun eh."

 

"Tinext ko siya, Yeri. Sabi ko may kaunting celebration tayo mamaya." sagot ni Joohyun. 

 

"Ate, kung makasabi ka naman na tinext mo akala mo nagkakausap talaga kayo sa text eh. May nireplyan na ba siya kahit isa lang sa mga texts mo simula nung huling usap niyo sa Sunken? Wala diba? Kaya wag mo na asahan si Ate Seulgi."

 

"Okay lang, nagbakasakali lang naman." sabi ni Joohyun na may pilit na ngiti. 

 

Simula nung huli silang magusap ni Seulgi sa Sunken Garden paminsan minsang tinext ni Joohyun si Seulgi gaya ng Christmas at New Year greeting, nagsend din siya ng mahabang text nung birthday ni Seulgi, noong supposed 2nd anniversary nila dapat kung hindi sila nagbreak nagsend siya ng maikling message na may 'mahal na mahal kita, magiintay ako' sa dulo pero wala siyang natanggap na reply. Kapag masaya si Joohyun nagtetext siya para ikwento ang ganap. May mga pagkakataon na nagtetext siya kay Seulgi kapag nakakaramdam siya ng lungkot o di kaya ay stress sa acads pero lahat yun walang nireplyan si Seulgi. 

 

Maraming nagsasabi sa kaniyang baka hindi na iyon ang gamit na number ng ex-girlfriend kaya hindi siya nakakatanggap ng replies, nagsuggest pa si Joy na tawagan ni Joohyun para masiguradong iyon pa nga ang number ni Seulgi pero hindi niya kayang gawin. Takot siyang malaman na pinutol na ni Seulgi ang natitirang paraan para magkausap sila kaya hinayaan niya lang ang agam agam na yun sa utak niya. Mas gusto na lang niyang hindi makatanggap ng reply kaysa malaman na putol na ang communication nilang dalawa.

 


"Haaaaaay, ate. Tama na please? More than a year ka ng ganyan." alam ni Yeri na hindi na talaga yun ang gamit na number ni Seulgi pero hindi niya magawang sabihin kay Joohyun d

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
887 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
338 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
887 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
887 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.