Tell Us More, Seulgi #2

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

Ang sakit sakit na nga na makita si Joohyun na may kasamang iba lalo pa siyang nasaktan nung ayain siya ni Suho na sumama sa kanila magdinner na para bang normal lang ang lahat, na parang ordinaryong kaibigan lang siya ni Joohyun.

 

Hirap si Seulgi tanggapin na nagbago na ang sitwasyon ngayon kaya mas pinili niya ang umalis na lang dahil hindi niya gusto ang mga ideyang naglalaro sa isip niya.

 

Pagdating niya sa parking ay hindi na nagpaawat ang inis kaya sinipa niya ng malakas ang gulong ng kotse niya.


.............

 

"Tangina. Dami na nainom ni Seulgi." sabi ni Lisa kay Byul. 

 

Narinig ni Seulgi ang sinabi ng kaibigan pero patuloy lang siya sa pagubos ng alak na nasa harap niya. Alam niyang mali at hindi maganda sa estado ng kalusugan niya pero di niya maiwasan dahil kahit paano nakakalimutan niya ang pinagdadaanan niya ngayon. 

 

 

.............. 

 

"Yun naman yung plano ko, mahal. iintayin kitang bumalik sa akin kahit gaano katagal." sabi ni Seulgi bago naputol ang tawag.

 

Na-drain na ang battery ng phone ni Lisa kaya hindi na niya naituloy ang sasabihin kay Joohyun.

 

'Hindi kita susukuan, Hyun. We are in this together. Kakayanin natin 'to.' sabi ni Seulgi. 

 


................ 

 

Ang sakit ng ulo ni Seulgi kinabukasan pero walang makakatalo sa sakit na patuloy na bumbayo sa puso niya. 

 

Naisipan niyang lumabas ulit para uminom kaya inaya niya sila Lisa at Byul. 

 

"Hello, Byul?" 

 

"Seul! Kumusta ulo? Buo pa ba? Sure ako sakit niyan no? Grabe nainom mo kagabi eh." biro ni Byul.

 

"Yun na nga. Kulang sa banlaw, 'tol. Tara labas ulit tayo." aya ni Seulgi. 

 


"Pass. Ang sakit pa ng katawan ko eh."

 

"Di ako sure pero parang binalibag ka ata ni Lisa kagabi sa backseat. Ang bigat mo kasi!" natatawang sabi ni Seulgi pero halatang pilit. 

 

"Pucha kaya pala eh. Tambay na lang tayo dito sa bahay, gusto mo?" alok ni Byul para makaiwas sa alak. 

 

"Pass din. Gusto ko uminom eh. Ako na lang siguro mag-isa. Sige, bye na."

 


"Hoooooy, teka! Diyan ka lang. Sige na punta na lang kami ni Lisa diyan. kami na rin bibili ng alak." sabi ni Byul. 

 

Ayaw na talagang uminom ni Byul pero ayaw naman niyang umalis at maginom ang kaibigan mag-isa nagbago na ang isip niya. 

 

............... 

 


'Suho na naman.' inis na sabi ni Seulgi sa sarili nung nakita niya sila Joohyun na kasabay lumabas ng classroom sila Suho. 

 

Padabog niyang niligpit ang mga gamit niya. 

 


............... 

 


"Suho, please paki-collect ng 10 pesos each sa mga classmates mo para sa photocopy ng hand outs." sabi ng professor nila. 

 

Nangolekta si Suho ng bayad mula sa mga classmates niya at pagdating kay Seulgi...

 

"Wala akong barya, sorry." sabi ni Seulgi. Inabot niya kay Suho yung 500 peso bill niya. 

 

Napakamot naman ng ulo si Suho dahil wala siyang isusukli kay Seulgi. 

 

"Teka hanap lang ako ng pang sukli." nagikot si Suho para maghanap ng panukli.

 

 

"Sukli mo, Seul." sabay abot ng 490 pesos na pinaghirapan niyang ipunin. 

 

"Ay, wag na pala. May barya pala ako sa bulsa." binawi ni Seulgi ang 500 pesos niya at binigyan si Suho ng tig pipiso. 

 

Pagalis ni Suho nilapitan ni Lisa si Seulgi. 
"Kita ko yun." nakangising sabi niya kay Seulgi. 

 

"Ano?" maangmaangang sagot ni Seulgi. 

 

"Para kang bata kung mangasar. Trip mo asarin si Suho ngayon no?" natatawa si Lisa sa ginawa ni Seulgi. 

 

"Di ko alam sinasabi mo. Wala talaga akong barya kanina." pagsisinungaling ni Seulgi. 

 

Kada kita niya kay Suho nagiinit ang ulo niya kaya sa mga ganitong paraan siya gumaganti. Mali? Oo. Alam ni Seulgi yun pero clouded na yung isip niya sa kung ano ba ang tama at mali kaya ginagawa niya pa rin. 

 


............... 

 


Pagdating ni Seulgi sa parking lot nakita niyang occupied na ni Suho ang favorite spot niya at ang katabing space na lang ang available. 

 

Sa inis niya, sa katabing vacant space nagpark si Seulgi. Sinigurado niyang halos dikit na ang kotse niya sa side ng driver's seat ni Suho para hindi nito mabuksan. Mahihirapan si Suho na pumasok sa sasakyan niyan dahil sa sobrang dikit ng pagka-park ni Seulgi. 

 

"Sige, agaw pa ng spot ko." sabi ni Seulgi habang sinisipat niya ang maliit na space sa pagitan ng mga kotse nila ni Suho. 

 

............. 

 

Kalaunan ay mas lalong tumindi ang inis ni Seulgi kay Suho kaya hindi na niya napigilang kausapin ito nung araw na muntik na siyang ma-late sa first exam nila. 

 

Alam niyang wala sa lugar ang argument na ibabato niya sa lalaki pero gaya ng dati, wala siyang paki. Gusto lang niyang ilabas yung inis niya dahil for an unknown reason napuno na siya. 

 

Pagtapos noong eksena niya kay Suho, sila naman ni Byul ang nagtalo dahil hinila siya palayo ng kaibigan mula sa lalaking kinaiinisan niya. 

 

Hindi rin maganda ang naging paguusap nila kaya umalis na lang siya bago pa siya makapagbitiw ng di maganda sa kaibigan. 


................. 


Dumeretso na lang si Seulgi sa bahay nila Joohyun para makausap ang dalaga. 

 

Hindi niya inaasahang makikita niyang bababa si Joohyun mula sa kotse ni Suho.

 

Parang target board na pinapaulanan ng darts ang puso ni Seulgi sa nakita niya. Bawat ngiti at galaw ni Joohyun ay siya namang pagkirot ng puso niya. 


Napayukom ang kamay ni Seulgi sa inis.

 


...............

 

"Porket ba may Suho na hindi na kita pwedeng kausapin?"

 

Ang dami pa sanang gustong sabihin ni Seulgi pero pinigilan niya ang sarili. Nagtatalo ang puso at isip niya. Yung puso niya, may tiwala na hindi magagawa ni Joohyun na ipagpalit agad siya sa iba habang yung isip naman niya ay abala sa kung ano anong pumapasok dito. 

 

Nagsisi naman siya agad sa nasabi niya kay

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
889 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
341 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
889 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
889 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.