Chapter 36 (D)

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

"Anak, kaya mo na bang pumasok?" worried na tanong ng nanay ni Seulgi.

 

 

 

 

"Opo, Ma. Ayoko rin pong matambakan ng gagawin kung di pa ako papasok ngayon." pagsisinungaling ni Seulgi. Ang totoo niyan masama pa rin ang pakiramdam niya pero dahil ayaw na niyang patagalin pang hindi sila nag-uusap ni Joohyun, she decided to come to school earlier than advised. 

 

 

 

"Oh sige pero hindi kita papayagang mag drive. Ako muna maghahatid sa'yo."

 

 

 

Hindi pumasok sa isip ni Seulgi na pagbabawalan muna siya ng nanay niyang magdrive. 'Paano ko makakausap si Hyun nito na kami lang dalawa kung hindi ako makakapagdala ng kotse.' tanong ni Seulgi sa sarili.

 

 

 

Napansin ng nanay niyang bahagyang natahimik si Seulgi na para bang may malalim na iniisip.

 

 

 

"Gusto mo bang isabay natin si Joohyun?"

 

 

 

 

"Po? Ah... Hindi na po." pagtanggi niya. Hindi siya sigurado kung papayag ba si Joohyun na sumabay sa kanila ng nanay niya at baka magtanong pa ito kung bakit hindi siya ang nagdadrive. Ayaw niya nang dagdagan ang worries ng ngayon ay ex-girlfriend niya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Lunes na naman. Nag-abang magdamag si Joohyun kung may marereceive ba siyang text o message mula kay Seulgi pero nabigo siya. Hindi na naman siya nakatulog ng maayos dahil sa kakaantay.

 

 

 

Umaasa pa rin siyang papasok na si Seulgi at makakausap niya na ito kaya nagmamadali siyang pumasok sa school.

 

 

 

 

 

 

 

 

"Seulgiiiiiiiiiii!" sigaw ni Byul at Lisa nang makita ang kaibigan papasok ng classroom nila.

 

 

 

"Kalma lang kayo, ako lang 'to." biro ni Seulgi.

 

 

 

 

"Namiss kita, 'tol!" sabi ni Lisa sabay yakap kay Seulgi na napaatras dahil sa impact ng pagyakap sa kaniya. Halatang nanghihina pa ito. 

 

 

 

 

"Namiss din kita, 'tol. Dahil diyan palit tayo upuan ah."

 

 

 

"Ha?" takang tanong ni Lisa.

 

 

 

"Palit tayo sige na. Dun muna ko sa sulok." turo ni Seulgi sa upuan ni Lisa na nakapwesto sa may pinakadulo ng room katapat ng pinto.

 

 

 

"Bakit?" tanong ni Byul.

 

 

 

"Eh kasi di ako sure kung makaka-focus ba ako sa lecture kung nasa harap ko lang nakaupo si Hyun. Wala akong ibang maiisip kundi ang kausapin siya." paliwanag ni Seulgi.

 

 

 

 

 

Maya-maya pa ay dumating na ang babaeng pinaguusapan nila kanina. Pagpasok ni Joohyun sa classroom ay napatingin agad siya sa upuan ni Seulgi pero nagtaka siya kung bakit si Lisa ang nakaupo doon. Nabaling ang tingin niya sa usual na upuan ni Lisa. Napahinto siya sa paglalakad dahil sa wakas ay nakita na niya si Seulgi. Kahit na nakayuko ito sa desk at natatakpan ng buhok ang mukha kilalang kilala niya ito.

 

 

 

'Seulgi.' sabi ni Joohyun sa isip niya.

 

 

 

Matapos pagmasdan ang natutulog na si Seulgi ng ilang segundo dumeretso na siya sa upuan niya.

 

 

 

 

"Hi, classmate. Ah ano...dito muna ako ah? Bigla kasi lumabo paningin ko di ko makita masyado pag nandun ako sa likod." paliwanag ni Lisa kahit di naman siya tinanong ni Joohyun.

 

 

 

Napatitig na lang si Joohyun sa kausap at tsaka niya na-realize...

 

 

 

'Kaya ka ba nakipagpalit ng pwesto dahil hindi mo na talaga ako kayang kausapin? Kaya ba naka-off na lang ang phone mo para hindi kita ma-contact? Kaya ba...ayaw mong pasabi sa mga kaibigan natin kung anong nangyari sa'yo dahil ayaw mo nang makausap ako?' tanong ni Joohyun sa isip niya. Nalungkot si Joohyun kung totoo nga iyon. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Parehas balisa si Seulgi at Joohyun buong umaga. Yung isa hindi makahanap ng tamang timing para makapagusap sila at yung isa naman ay dahil sa nabuo niyang ideya na ayaw nang mapalapit sa kaniya ni Seulgi. 

 

 

 

Dumating ang lunch break at nakakuha na ng lakas ng loob si Seulgi na lapitan si Joohyun. 

 

 

 

"Hyun...pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Seulgi kay Joohyun. 

 

 

 

Napatigil si Joohyun sa ginagawa niya at nilingon ang direksyon kung saan nanggaling ang boses ng tumawag sa pangalan niya. 

 

 

 

Nagtama ang kanilang tingin pero walang nagsalita ni isa man sa kanila. Joohyun took this opportunity to look at Seulgi. Malulungkot na mata ang sumalubong sa kaniyang tingin. Bakas sa mukha ni Seulgi ang puyat at pagod, isang linggo pa lang ang nakalipas pero halata na ang pagpayat nito, at higit sa lahat very evident ang pagkaputla ng kaniyang balat. 

 

 

 

Walang ibang gustong gawin si Joohyun sa tagpong yun kundi ang yakapin si Seulgi pero hindi niya nagawa. 

 

 

 

'I did this to you.' sabi ni Joohyun sa sarili. 

 

 

 

"S-sige." matipid na sagot ni Joohyun. 

 

 

 

 

Sumunod siya palabas kay Seulgi. Ang akala niya ay sa kotse sila maguusap pero nagtaka siya nang lumiko si Seulgi papunta sa likod ng college building nila. 

 

 

 

 

"Sorry. Okay lang sa'yong dito mag-usap?" tanong ni Seulgi. 

 

 

 

Tumango lang siya. Di naman importante kung saan sila maguusap ang mahalaga ay masagot na lahat ng mga tanong niya. 

 

 

 

"Hyun..."

 

 

 

"Seulgi, anong nangyari sa'yo? You look...unwell." tanong ni Joohyun.

 

 

 

"Wala naman. Pagod lang siguro dahil may inasikaso kami ni Mama." pagsisinungaling ni Seulgi. "Kumusta ka na, mah...Hyun?"

 

 

 

Bahagya nagulat si Joohyun sa muntik na pagtawag sa kaniya ni Seulgi ng mahal.

 

 

 

'Namiss kong marinig yan, mahal. Will I ever hear you call me that again?' tanong ni Joohyun sa sarili.

 

 

 

Pinilit ngumiti ni Joohyun bago sumagot.

"Ayos lang ako." pagsisinungaling ni Joohyun. 

 

 

 

'Hindi ako okay makita kang nagkaganyan. Hindi ako okay dahil sinaktan kita. Ang hirap ng wala ka.' sa isip ni Joohyun. Di niya maamin kay Seulgi na nahihirapan siya sa desisyong ginawa niya

 

 

 

"Hyun, gusto ko lang malaman mo na nandito pa rin ako para sa'yo. Mababago ko pa ba ang isip mo?" nagaalangang tanong ni Seulgi

 

 

 

Umiling si Joohyun. "Wala na tayong magagawa, Seulgi. Hindi na magbabago ang isip ko." malungkot niyang sagot.

 

 

 

"Gagawan ko ng paraan. Naghahanap na ako ng bibili ng kotse. Kinausap ko na rin si Papa para makahiram ng pera para sa operasyon ni Tita Eula."

 

 

 

"It's not that simple. Sa ngayon ang mas importante ay gumaling si Tita. Kaya ba natin maging masaya kung alam natin na may buhay na nakataya?"

 

 

 

"pero..."sabat ni Seulgi.

 

 

 

"last week nakasalubong ko si Tita Eula. She does not look okay. Tapos nitong weekend nakatanggap ako ng text galing sa kaniya. Sabi niya na nagpaalam na siya kila ate Tiffany na pupunta muna siya ng probinsya pero ang totoo ay magpapa-opera na siya. Wala na rin magagawa kung maibenta mo pa yung kotse."

 

 

 

Akala ni Seulgi ay may oras pa siya para isalba ang relasyon nila ni Joohyun pero nagkamali siya. 

 

 

 

"Kumusta na si Tita Eula?" 

 

 

 

"Hindi ko pa alam. Hindi pa siya nagtext ulit." 

 

 

 

 

Tahimik lang silang nakatayo. Tinatantsa ang sitwasyon. 

 

 

 

"Hindi kita kayang i-give up, Hyun. Ano bang dapat kong gawin b

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
893 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
349 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
#5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
893 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
893 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.