Chapter 27

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Isang taon ang nakalipas. Maraming nangyari at maraming nagbago, isa lang ang hindi-- ang pagmamahal ni Seulgi at Joohyun para sa isa't isa.

 

 

 

 

 

 

 

"Ano 'tol? Superhero time na ba?" tanong ni Lisa kay Seulgi.

 

 

 

"Oo, 'tol. Una na kayo. See you tomorrow." sagot ni Seulgi.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Miss Lee, okay lang po ba kung magpahinga lang muna ako dito? Inaantok po kasi ako di ko kayang magdrive pauwi." paalam ni Seulgi sa clinical instructor niya.

 

 

 

"Ganun ba? O sige pero wag kang manggugulo sa next group ah and don't tell them na may surprise quiz din sila mamaya." bilin ng kaniyang CI.

 

 

"Yes, ma'am!"

 

 

 

Pumwesto na siya sa bakanteng bed sa kwarto at natulog.

 

 

 

 

 

 

 

 

"Joo, tignan mo si Seulgi oh. Nakalusot na naman kay Miss Lee." natatawang sabi ni Joy kay Joohyun.

 

 

 

"Kahit saan talaga kaya niyang matulog. Hindi ko rin alam paano niya nagagawa yun." sagot ni Joohyun kay Joy. Nilapitan niya ang girlfriend na mahimbing na natutulog.

 

 

 

 

"Mahal." niyugyog niya ng bahagya si Seulgi. "Mahaaaaaal, gising na." lumingon muna siya sa paligid bago humalik sa pisngi ni Seulgi.

 

 

 

Nag-unat si Seulgi at minulat ang isang mata. "Good morning, mahal." nakangiti si Seulgi.

 

 

 

"Good morning ka diyan, hapon na kaya."

 

 

 

"Good morning pa rin kasi naka-kiss ka sa'kin eh. Hehe" biro ni Seulgi.

 

 

 

"Sabi ko na gising ka eh. Hindi ka ganun kabilis magigising kung talagang tulog ka."

 

 

 

Kinindatan lang siya ni Seulgi.

 

 

 

"Pumayag si Miss Lee?" tanong ni Joohyun.

 

 

 

"Oo naman. Ako pa ba? Basta daw wag akong manggugulo sa inyo at tsaka wag kong sasabihing may surprise quiz siya mamaya." malokong sagot ni Seulgi. "Ooops." tinakpan niya ang bibig niya.

 

 

 

"Loko ka talaga buti di nila narinig." turo ni Joohyun sa iba niyang groupmates na busy na sa pagpe-prepara para sa endorsement.

 

 

 

 

3rd Year, 2nd sem na. Pangalawang sem na mula nung nagumpisa sila sa clinical duties. Kasalukuyang naka-assign ang klase nila Joohyun sa isang ospital sa Bulacan. Unfortunately hindi naging magka-grupo si Seulgi at Joohyun ngayong sem. Rotation ang duty ng mga nursing students kaya kung hindi sila magka-grupo ay hindi rin nagkakasabay ang oras ng duty nila. 

 

 

 

Kagaya ngayon, morning shift na-assign ang grupo ni Seulgi habang night shift naman sila Joohyun. Kapag ganito ang schedule nila kadalasan ay nag-aantay si Seulgi hanggang matapos ang shift ni Joohyun.

 

 

 

6AM to 2PM ang duty ni Seulgi habang 2PM to 10PM naman si Joohyun. Kapag malayo mula sa bahay nila ang lugar ng duty, nag-aantay na lang si Seulgi matapos ang shift ni Joohyun pero kung malapit lang naman ay babalik na lang siya para sunduin ang girlfriend. Bagay na pinagtalunan ng dalawa noon pero napagusapan naman nila ng maayos at nauwi sa positive compromise.

 

 

Una, hindi magaantay o magsusundo si Seulgi kapag may exam kinabukasan o di kaya ay maraming home work ang nakatambak. Pangalawa, kapag coding ang sasakyan ni Seulgi ay uuwi mag-isa si Joohyun. 

 

 

"Mahal, sige na endorsement na punta na akong nurse station." paalam ni Joohyun.

 

 

 

"Teka lang, mag-mask ka. May suspected Covid patient sa isolation room eh. Para sure lang tayo." inabutan ng bagong surgical mask ni Seulgi si Joohyun.

 

 

 

Nitong nakaraang taon ay halos wala na ring bagong Covid cases sa buong mundo pero nagiingat pa rin ang mga healthcare workers kapag may mga ganitong instance. Halos 95% ng dating way of life ng mga tao ay naibalik na. 

 

 

 

"Sino charge (nurse) niyo ngayon?" tanong ni Seulgi.

 

 

 

 

"Si Joy. Bakit?"

 

 

"Ah wala naman. Sana mapunta sa'yo yung patient ko kanina. MGH na yun eh tatanggalan na lang ng contraption. Na-health teaching ko na." sabi ni Seulgi. 

 

 

 

Ang totoo niyan, binilang na ni Seulgi ang dami ng mga patients sa ward ngayon. Kung walang madadagdag na bagong patient during endorsement, kay Joohyun mailalagay ng charge nurse yung patient niya kanina kaya nag-health teaching na siya para mabawasan ang gagawin ni Joohyun. 

 

 

 

"Sana nga sa'kin mapunta." sagot ng girlfriend niya. "Punta na ako ah. Buksan mo yung bag ko pinagdala kita ng snacks. Kain ka muna bago ka matulog." lumingon muna sa paligid si Joohyun, nang masigurado niyang sila na lang dalawa ni Seulgi sa room ay humalik ulit ito sa pisngi ng girlfriend. 

 

 

 

"Good luck kiss." sabi niya kay Seulgi. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pagtapos ng dalawang oras ay tsaka pa lang nakabalik ang grupo nila Joohyun sa bakanteng room sa ward na nagsisilbing holding area ng mga student-nurses. Tulog na tulog pa rin si Seulgi. 

 

 

 

"Nandito pa rin si Seulgi?" tanong ni Miss Lee sa grupo nila Joohyun. 

 

 

 

"Ma'am mantika po talaga matulog yang si Seulgi kaya hirap magdrive pag antok." sabi ni Wendy para i-save sa napipintong pagpapaalis dito ng CI nila. 

 

 

 

Bumulong ng thank you si Joohyun sa kaibigan. 

 

 

 

Hindi naman tago ang relasyon nila sa school pero hindi rin naman nila ito basta ina-announce lalo na sa mga professors o CIs nila. Hindi rin kasi sila sigurado kung papayagan pa rin ba si Seulgi na magstay ng ganito katagal after duty kung malalaman ng mga CI ang totoong dahilan. 

 

 

 

 

"Alright, I'll be back after 15 mins. Take your first break." sabi ni Ms. Lee. 

 

 

 

 

 

 

Paglabas ni Ms Lee ay agad chineck ni Joohyun ang bag niya para malaman kung kinain ba ni Seulgi yung dala niyang snacks. 

 

 

 

"Tsk tsk natulog lang di naman kumain." bulong niya pagkakita sa naka-seal pang sandwich at juice. 

 

 

 

"Seulgi, gising na." pahirapan na naman gisingin ang girlfriend. "Mahal, gisiiiiing."

Umupo na lang si Joohyun sa tabi ni Seulgi. 

Tinapik tapik ng mas may pwersa ang braso nito. "Kang Seulgiiiiii!" 

 

 

 

"Ha? Bakit?" naalimpungatang sagot nito. 

 

 

 

"Morning. 15 min break." nakangising bati ni Joohyun. "Bango

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
869 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
310 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
869 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
869 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.