Chapter 52

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

"Good morning po, Tita." masayang bati ni Joohyun. 

 

 

 

"Nak, kumusta kayo diyan? Pasaway ba yang si Seulgi? Pasensya ka na ah dugyot mamahay yang anak ko."

 

 

 

"Okay naman po kami, Tita. Masipag na po si Seulgi maglinis ng bahay pati po maglaba. Ayaw na ayaw lang niya magtupi ng sinampay." natatawang sagot ni Joohyun sa kausap sa kabilang linya.

 

 

 

"Ay naku tamad talaga yang bata na yan. Pag pinasakit ang ulo mo isumbong sa akin, nak ah?" sabi ni Tita Cherry.

 

 

 

"Tita, pagalitan niyo nga po ayaw din kumain ng gulay." sumbong ni Joohyun.

 

 

 

"Naku, Joohyun. Sasakit ang ulo mo pagdating sa gulay. Kahit subuan mo siguro yan di kakain ng gulay yan." natatawang sabi ni Tita Cherry. "Pero nak, maiba ako salamat sa paghihintay at pagtanggap ulit sa ma-drama kong anak ha? Wag kang magaalala ako mismo ang kakastigo diyan kapag may ginawa yang kalokohan."

 

 

 

"Tita, wala pong kaso yun. May kasalanan din naman po ako sa nangyari sa amin ni Seulgi pero napagusapan na po namin yun. Mahal ko po ang anak niyo kaya kahit ano pong mangyari di na po kami papayag na magkahiwalay." paliwanag ni Joohyun.

 

 

 

"Napakaswerte niyang si Seulgi sa'yo. Ano bang nakita mo diyan sa anak kong yan?" biro ni Tita Cherry.

 

 

 

"Yung puso niya po, Tita. Di ko po alam kung napapansin niyo pero sobrang totoo po magmahal ng anak niyo. Hindi lang sa akin pero pati na po sa pamilya ko." nahihiyang sabi ni Joohyun.

 

 

 

Tahimik ang kabilang linya. Akala ni Joohyun ay naputol na ang tawag kaso biglang narinig niya ang paghinga ng malalim ni Tita Cherry. "Joohyun, pinapaiyak mo naman ang tita eh. Natutuwa ako dahil natagpuan niyo ang isa't isa. Sana dumating yung panahon na Mama na rin ang itawag mo sa akin. Para na kitang anak."

 

 

 

Overwhelming in a good way ang pakiramdam ni Joohyun sa narinig. Alam niyang mahal siya ng nanay ni Seulgi pero iba pa rin ang marinig ito mula mismo kay Tita Cherry.

 

 

 

"Tita...ako naman po yung pinapaiyak niyo." nagpause saglit si Joohyun para punasan yung luha niyang nagumpisa nang tumulo. "Salamat po sa pagturing sa akin bilang anak niyo. Alam ko pong hindi ideal sa ibang mga magulang ang relasyon namin ni Seulgi pero tinanggap niyo po kami ng buong puso."

 

 

 

 

"Ang importante sa akin nak yung masaya kayo ni Seulgi. Walang ibang pwedeng magdikta ng kung anong tama at mali sa inyo. Basta wala kayong natatapakang tao."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Mahal, gising ka na." umupo si Joohyun sa gilid ng kama para gisingin si Seulgi. "Magka-klase ka pa di ba?" dugtong niya. Nakailang attempt si Joohyun bago siya nakakuha ng reaksyon. 

 

 

 

"5 minutes, mahal." sagot ni Seulgi. 

 

 

 

"Gising ka na po. Pag iniwan kita nang hindi pa nakabangon baka ma-late ka."

 

 

 

Nahimasmasan si Seulgi sa sinabi ng girlfriend kaya bigla siyang napabangon. Pagmulat ng mata niya nakita niyang naka-uniform si Joohyun. "Good morning, mahal. On-call ka?" sabi ni Seulgi na pupungas-pungas pa. 

 

 

 

"Opo. Puno daw ward ngayon eh. Ite-text ko na lang si Mama na bukas na lang natin siya sasamahan mag-grocery."

 

 

 

"Kami na lang tutuloy mamaya after ko sa training center. 3 hours lang naman ako dun. Pahinga ka na lang bukas tsaka para makapag-review ka rin. Sundo kita pag-out mo?" 

 

 

 

 

"Sorry, mahal. Alam ko na-plano na natin lakad ngayon. Huling weekend rest day mo pa naman na 'to. Ang bilis ng panahon no? Tapos na probationary period niyo."

 

 

 

"Ang bilis ng 3 months." napangiti si Seulgi. "Lapit na rin tayo 3rd monthsary. Kinikilig ako." hinawakan ni Seulgi ang kamay ni Joohyun. 

 

 

 

"You want to celebrate it sa La Union? Kausap ko si Tita Cherry kanina tinatanong kung kailan tayo dadalaw."

 

 

 

"Mas madalas ka pa tawagan ni Mama kesa sa akin." Seulgi chuckled. "Pero gusto ko yun, Hyun. Let's go next week?" 

 

 

 

"Tara! I'll file a leave." excited na sagot niya sa girlfriend. "Mahal, okay lang sundo mo muna ako mamaya bago mo hatid si Mama? Dun muna ako sa bahay magsleep since hindi ako makakauwi next week dahil punta tayong La Union."

 

 

 

"Awww LDR tayo ng isang araw? Mamimiss kita, asawa ko." hinila ni Seulgi ng bahagya si Joohyun para mayakap. 

 

 

 

"Cute mo. Isang gabi lang naman. Babalik rin ako bukas ng gabi."

 

 

 

"Sige ako na mag-aayos ng review materials mo para makapag-aral ka sa inyo. Lagay ko na lang sa kotse para maiuwi mo mamaya."

 

 

 

"The best talaga asawa ko. I love you! Alis na ko." paalam ni Joohyun. 

 

 

 

"Thank you." sagot ni Seulgi. 

 

 

 

"Thank you??? Ang sabi ko I love you." nag-pout si Joohyun. 

 

 

 

"hmmmm..." tumango si Seulgi habang nahihikab. 

 

 

 

"Mahaaaaaal! Sabi ko I love you, aalis na ako." nakataas na yung kilay ni Joohyun. 

 

 

 

"Ingat ka." humalik si Seulgi sa pisngi ng girlfriend. 

 

 

 

"Male-late na ko, mahal. Sabi ko I. LOVE. YOU." ang sama na ng tingin ni Joohyun. "Di ako maka-alis. Nasan na yung I love you too ko?" 

 

 

 

Humagalpak ng tawa si Seulgi pero agad naman niyang niyakap si Joohyun. "Hyun, ang cute cute mo talaga pag naaasar. My love, ingat ka pagpasok ah? Mahal kita." sabi ni Seulgi habang nakatingin kay Joohyun. 

 

 

 

Napangiti si Joohyun dahil kahit na ininis siya kanina ni Seulgi ramdam pa rin niya yung pagmamahal nito sa kaniya. Noon pa niya sinasabi na sobrang expressive ng mga mata ng girlfriend niya at hindi maikakaila yung pagmamahal na iyon sa kung paano siya tignan ni Seulgi.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Joojoo! Magkaduty pala tayo ngayon eh. Good luck sa atin kasi..." bati ni Jooyoung sa kaibigan na kararating pa lang.

 

 

 

"kasi...?" tanong ni Joohyun.

 

 

 

Nakangising itinuro ni Jooyoung ang isang malaking bilao ng pancit sa round table nila. Kumakaway sa kanila na para bang nangaasar. 

 

 

 

Napa-facepalm na lang si Joohyun. "Yari na." narinig ng iba nilang ka-duty ang komento ni Joohyun, wala na silang ibang nagawa kundi matawa at mag-abang na lang sa nagbabadiyang ka-toxican sa araw na iyon.

 

 

 

"Dala ng relative kanina na na-discharge." paliwanag ni Jooyoung.

 

 

 

 

And true to its claim, ang sumpa ng pancit sa duty, pagod na pagod sila Joohyun ng araw na iyon. Isa na ata iyon sa p

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
884 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
335 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
884 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
884 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.