What's on your mind, Hyun? #1
Anghel ni Seulgi
2 weeks after magsimulang magbantay ng store nila si Joohyun.
07:50 PM
Joohyun: Joy! Nandito na naman sila Seulgi sa store. Tatambay na naman 'tong mga' to dito. Nakakainis.
08:00 PM
Joy: hahaha napagtripan ka na naman ng tatlong yan, Joohyun. Bentahan mo burger!
...............
2nd month ng pagbabantay niya.
07:55 PM
Joohyun: help!
Joy: Andiyan ulit sila Kang no?
Joohyun: si Seulgi lang at nangiinis na naman. Ang ingay ingay, Joy! Ginagawa niyang drum stick yung mga pens niya. Katok ng katok sa bench sa labas! Grrrrr....
Joy: May crush talaga sa'yo yang si Seulgi! Hahaha bahala ka diyan. Kaya mo yan!
...............
3rd month:
Joohyun: Joy, nauubos na pasensya ko sa tatlong 'to. Nakatambay na naman sa labas. Di naman bumibili. Itong si Seulgi nagdala pa ng sariling palamig at dinisplay dun sa counter ng store. Nanghingi pa sa akin ng yelo! Akala tuloy ng mga tao tinda ko yun!
Joy: LOL! Bakit siya nagdala niyan hahaha
Joohyun: para daw makatipid sila kasi ang mahal daw ng gulaman na tinda ko! Grrrr!
...............
Recently...
Joy: mukhang wala ata si Seulgi diyan ah. Di ka nagrereklamo eh.
Joohyun: naku, Joy araw araw yan nandito. Never naka-miss yan kahit isang araw para asarin ako. Lately, di ko na lang masiyadong pinapansin.
Joy: woooaaaaaah! Natutunaw na ba ang nagyeyelong puso ni Bae Joohyun? Hahaha
Joohyun: sira! Wala lang akong energy at tsaka behave siya ngayon ng konti. Binigyan niya ko ng purple na tray para dito sa store. Ang cute. :)
...............
Joohyun: Joooooooy! Nakakatawa si Seulgi! Hahaha may pinagalitan siyang customer kasi di maayos yung pagkakasuot ng mask. Napagkamalan naman nung customer na guard si Seulgi nakakatawa yung reaction niya hahaha
Joy: yieeee! Napatawa siya ni Seulgi. Crush back mo na ba?
..............
Joohyun: joy? Random question. Naranasan mo na ba yung maasar pero di mo alam yung dahilan? Tapos kahit na asar na asar ka nakagawa ka pa rin ng isang bagay na out of character? Kunyari may mabilis naman na way ng paguwi mo pero you chose to walk. Ganyan?
Joy: naku Joo, kunyari na lang di ko alam na tungkol kay Seulgi 'to. But to answer your question, may mga times na ganyan ako lalo na kung mahal ko yung tao. Effort ang tawag dun, Joo.
...............
Nagmamadaling binaba ni Joohyun ang video call nila ni Seulgi. Gusto niya kasing tawagan si Joy dahil May urgent siyang itatanong.
"Hello, Joyiiieeee!" masayang bati ni Joohyun kay Joy.
"Joo! Anong meron? Bakit ka namumula? Naka-cheek tint ka sa bahay? Hahaha"
"Wag mo akong aasarin ah? Magpromise ka!"
"Promise! Kwento!"
"ugh! Magkausap kami ni Seulgi kanina bago kita tawagan and..." pagaalinlangan ni Joohyun.
"and? Go on..." may malokong ngiti sa labi ni Joy.
"at inaya niya akong magpunta sa Sunken bukas." nahihiyang sabi niya.
"sa wakas! Kala ko di ka na aayain ni Kang mag-date eh. I'm happy for you Joo."
"Ha? Anong date! Gagawa lang kami ng project no!" pagtanggi ni Joohyun. "at tsaka parehas kaming babae." dugtong ni Joohyun.
"and so? Parehas din kaming babae ni Wendy pero nagde-date kami. Nagkikiss pa nga eh!" sabay kindat ni Joy.
"hindi ko alam, Joy." napahawak siya sa ulo out of frustration. "Gagawa lang talaga kami ng project." patuloy na pagdepensa ni Joohyun. This is the first time na makaramdam siya ng ganito towards someone. Yes, may mga nagpakita na ng interest sa kaniya noon pero hindi naman niya ito inentertain dahil busy siya sa pag-aaral or simply because hindi lang niya kayang i-reciprocate yung feelings. Ito yung unang pagkakataon na nakita niya yung sincerity ng tao, kay Seulgi pa lang.
Comments