Chapter 45

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

Maliit lang yung unit na nirerentahan ni Seulgi. Pagpasok mo nasa kanang bahagi ang kusina. May maliit na ref at dining table naman sa tabi. Sa kabilang side ang bathroom. Kaunting lakad lang ay nasa mini living room ka na agad. May wood partition lang sa pagitan ng sala at ng bedroom. 

 

Pinagmasdan ni Joohyun ang paligid. Malinis naman, yung itsurang mukhang kakalinis lang. Natawa siya dahil naimagine na niya si Seulgi kung paano pagalitan ni Tita Cherry noon dahil sa kalat sa kwarto. 

 


"Seulgi, maligo ka na bago ka pa sipunin." sabi ni Joohyun. 

 

"Sige. Ligo ka na lang agad pagtapos ko." kinuha ni Seulgi yung towel at pamalit na damit sa cabinet niya. "Hyun, pili ka na lang susuot mo sa cabinet. May mga bagong underwear sa drawer. Yung towel nasa bandang itaas pero mukhang abot mo naman yun." biro ni Seulgi. 

 

"Ay naku nangasar pa. Sige na maligo ka na." 

 

 

 

Naligo rin agad si Joohyun pagtapos ni Seulgi. Nung makalabas na siya galing bathroom inaya siya ni Seulgi maupo sa sofa. 

 

"Inom ka nito, Hyun." inabot ni Seulgi yung kakatimpla lang na chamomile tea kay Joohyun. "Hinaan ko aircon?" 

 

"Opo. Ang lamig eh." 

 

"Ang cute mo no? Naka-hoodie ka na nga malamig pa rin." pinagmasdan ni Seulgi si Joohyun. Yung butterflies sa tiyan niya nagpupumilit na naman kumawala. Suot suot kasi ni Joohyun yung isang hoodie niya. "Mukhang mababawasan na naman hoodie ko ah?" natatawang tanong ni Seulgi. 

 

"Bahala ka. Akin na 'to." nag-pout si Joohyun.

 

 

 

 

 

 


Tahimik na naman silang dalawa. Di mapakali si Seulgi kasi gusto na niyang magkwento. Gusto na niyang ilahad lahat ng nangyari pero ang hirap pala. Yung tatlong taong kwento niya mahirap pala umpisahan lalo na kung hindi niya alam paano tatanggapin ni Joohyun lahat. 

 

"H-hyun..."

 

Tumingin si Joohyun sa kaniya. "Seulgi, makikinig ako." lumapit si Joohyun kay Seulgi at tsaka sumandal sa balikat. "Don't hold back. Kahit ano pa yan, i'll listen."

 

Nawala yung kaba ni Seulgi. 'Ito na talaga. Lord, sana po maging maayos na.'

 

"Alam mo ba kung bakit ako umalis noon? Kung bakit nag-decide na akong bumitaw?" 

 

Umiling si Joohyun. 

 

"Kasi...nakita kitang masaya na wala ako sa tabi mo. Nakita ko rin kung gaano kalaki yung kaibahan ng mga ngiti mo tapos hindi ako ang dahilan. Nabulagan ako sa sakit, Hyun. Sumunod ako kay Papa sa La Union. Wala na kasi akong ibang mapuntahan. Bawat sulok ng kwarto ko ikaw ang naalala ko. Kapag lalabas ako ng bahay, school man o kahit sa kalsada nalulunod ako sa mga memories sa isip ko. Pagdating ko sa La Union, akala ko magiging okay na ako kasi malayo na ako dito pero mali ako. Kada kakain ako ng masarap, kada makakakita ako ng magandang tanawin, o kaya may mararanasan akong bago ikaw pa rin yung nasa isip. Sana nandun ka para magkasama tayo sa mga bagong ganap sa buhay ko. Ganyan palagi yung tumatakbo sa utak ko." huminto si Seulgi. 

 

"I'm sorry." mahinang sabi ni Joohyun. 

 

"Shhhh...wag kang magsorry. Wala kang kasalanan." sagot ni Seulgi. "Nung nag-umpisa yung summer class I detached myself from everyone. May mga nakikipag-kaibigan sa akin pero I pushed them away. I thought na mas makakabuti sa akin ang maging mag-isa. Maling mali pala, Hyun. Doble yung struggle sa acads at personal life ko. Naitawid ko yung summer na halos bumagsak ako sa mga subjects kaya pagpasok ng first sem ang sabi ko, hindi ko na ikukulong yung sarili ko sa kalungkutan. Palagi akong pinapangaralan ni Ate Taeyeon noon na wag magpalugmok sa lungkot at wag kong sirain yung pag-aaral ko. Timing naman na bago lahat yung mga naging kaklase ko noon kaya madali ko silang naging kaibigan pero meron pa rin emptiness sa puso ko. Hindi ko maipaliwanag noon kung bakit. Until one day, there's this girl na kinaibigan ako. Bagong lipat lang din siya nung sem na yun. We instantly clicked. Unti-unti yung emptiness na naramdaman ko noon parang nakakalimutan ko na."

 

Napakapit si Joohyun ng mahigpit sa kamay ni Seulgi. Di sapat yung salitang kaba para ilarawan yung pakiramdam niya ngayon. 

 

'Did you fall for that girl?' tanong ni Joohyun sa sarili. 


Tumingin si Seulgi kay Joohyun at ngumiti. Hoping that it will give her girl the reassurance she needs. 


"Malungkot pa rin ako pero yung emptiness nawawala kapag kasama ko siya. Lumipas ang ilang buwan at masyado kaming naging close. Umabot sa puntong naikwento ko na sa kaniya yung nangyari sa atin. Isang araw nagpunta kami sa park para magpicnic, malayo sa Sunken Garden yung itsura ng park pero may pamilyar na pakiramdam. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narealize ko nung oras na yun. All this time niloloko ko lang pala yung sarili ko na masaya na ako, hindi pala. Kasi...kasi bawat galaw niya ikaw pa rin yung nakikita ko. Unconsciously, sumasaya pala ako kasi feeling ko ikaw yung kasama ko sa bawat tawa, sa bawat pagkakataong masaya ako na kasama siya. I felt guilty kasi pakiramdam ko I was cheating on you. After that moment, iniwasan ko siya. Hindi ko na kayang makipag kaibigan sa kaniya kasi ikaw pa rin ang mahal ko. Hindi nawala yun sa puso ko pero it does not justify yung mga panahon na nabulagan ako ng presensya niya. Hindi pala mao-over power ng pain at fleeting happiness yung tindi ng pagmahahal ko sa'yo."

 

Nanlambot si Joohyun sa narinig niya. Hindi niya pa mawari kung dapat ba siyang masaktan kasi may pumasok sa buhay ni Seulgi o dapat ba ayos lang yun kasi break naman sila. Di niya alam anong dapat maramdaman kaya patuloy lang siyang nakinig. 


"Tuloy mo, makikinig ako." 

 

"Nagalit siya kasi iniwasan ko siya bigla kaya napilitan akong ipaliwanag na ikaw pa rin ang mahal ko at nagamit ko siya ng hindi sinasadya para mapunan yung void na nararamdaman ko. Iyak siya ng iyak noon. Ang sabi niya kahit na panakip-butas lang tatanggapin niya kasi mahal na raw niya ako. Hindi ako pumayag sa gusto niya kasi hindi ko naman siya mahal. Hindi naman ako lumayo para maghanap ng iba eh. Lumayo ako para maibalik ko yung dating Seulging minahal mo."

 

"W-what's her name?" nanginginig na tanong ni Joohyun. 

 

"Krystal."

 

Ilang segundo lang silang natahimik pero it felt like years for the both of them. Ito yung pinaka-kinakatakot ni Seulging parte ng nakaraan niya. Dito siya pinakakinakabahan, kung ano bang magiging reaksyon ni Joohyun. 

 

"i'm sorry, Hyun. Kasi inentertain ko yung friendship at naenjoy ko yung company niya."

 

"Seulgi, hindi ka sa akin dapat humingi ng sorry. Sa kaniya dapat kasi may mga nagawa ka sigurong mga bagay na naging dahilan para isipin niyang may gusto ka rin sa kaniya." 

 

"I did. Humingi ako ng tawad sa kaniya. Pagtapos nun naging magkaibigan na kami. She said she's moved on at masaya ako dahil naging maayos yung gulong ginawa ko." nagisip si Seulgi saglit kasi sobrang tahimik ni Joohyun. 

 


"Hyun, say something. Magalit ka o kaya mainis sa akin. You have the right to get mad kasi kahit na wala kaming naging relasyon ni Krystal I still cheated on you. Yun yung dahilan bakit hindi ko kinayang makipagkita sa'yo nung grad celebration mo. Kinain ako ng guilt kaya nawalan ako ng lakas ng loob para harapin ka. Lumuwas ako para batiin ka sa achievement mo pero naduwag na naman ako."

 

Huminga ng malalim si Joohyun at tsaka tumingin kay Seulgi. "Walang rason para magalit ako sa'yo. Wag mong isiping nag-cheat ka. Wag ka rin ma-guilty kasi hindi naman dapat. Single ka nung nagkakilala kayo ni Krystal at walang masama kung magka-feelings ka sa kaniya. I just have to ask this, minahal mo ba siya?" takot si Joohyun sa isasagot ni Seulgi. 

 

"Hindi, Hyun. Masama mang pakinggan pero hindi ko siya minahal. Nung narealize kong kaya ko siya gustong makasama kasi nakikita kita sa kaniya sobrang bigat sa puso. Malaki kasalanan ko sa inyong dalawa. Kay Krystal, for leading her on. At sa'yo kasi sa sobrang kagustuhan kong mawala yung sakit hinanap ko na pala sa iba yung solusyon. Nakalimutan ko yung goal ko kung bakit ako umalis." paliwanag ni Seulgi. 

 

Yumakap si Joohyun kay Seulgi. "Tuloy mo na."

 

 


"Sobrang proud ko nung naka-graduate ka with Latin honor. I have no doubts talaga. Alam kong kaya mo yun at mas lalo pa akong bumilib sa'yo kasi na-achieve mo yun kahit na alam kong may pinagdadaanan ka. I'm sorry kasi wala ako sa tabi mo para i-celebrate yung milestone na yun sa buhay mo. Ang lapit ko na sa'yo pero naduwag pa rin ako. Nung lumabas yung result ng board exam naiyak ako sa sobrang saya. Nakalimutan kong i-check yung sarili kong pangalan sa listahan. Pinili kong wag magpakita sa'yo noon kasi inuumpisahan ko nang ayusin, for real, yung sarili ko. Tapos na ako sa kalungkutan. Sabi ko pag bumalik ako sa'yo di na ako yung dating Seulgi. Ang haharap na sa'yo yung mas mature at mas mapag-unawang Seulgi. Narealize ko kasi na mali palang gawing goal yung ibalik yung dating Seulgi dahil yung dating ako kulang pa sa maturity, may tendency na tumakbo sa problema, ang laban lang nung dating ako eh yung tindi ng pagmamahal ko sa'yo. Kung iisipin mo, kulang na kulang yun kaya ako bumigay at lumayo nung panahong nasukol na ako sa sakit."

 

Kung proud si Seulgi sa mga achievement ni Joohyun sa buhay mas proud naman ang anghel niya sa mga naririnig niya. Mahal niya yung dating Seulgi pero mas mamaha

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
893 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
348 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
#5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
893 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
893 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.