Chapter 26A

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter


“Ma, mag-handa ka na po. Papakasalan ko na si Joohyun.” Sabi ni Seulgi with a dreamy far-off look.


“Anong sinasabi mo diyang bata ka? Bakit ang aga mo umuwi kala ko may date kayo?” tanong ng nanay niya. 


“Maaaa, kiniss ako ni Joohyun dito oh! MAAAA ditooooo!” turo ni Seulgi sa kanang cheek niya.


“Ano? Diyan lang? Tapos papakasal ka na? Naloloko na ata ‘tong batang ‘to.”


“Mama, papakasalan ko na si Joohyun.” 


“Ewan ko sa’yong bata ka.” di na siya kinausap ng nanay niya at natatawang iniwan siya sa may sala. 


Pag-uwi ni Seulgi sa kanila hindi siya makapaniwalang hinalikan siya ni Joohyun sa pisngi. Natulala na lang siya habang pinapanood ang kaniyang anghel na pumasok ng bahay nung hinatid niya ito. 

 

 

 

 

Seulgi Kang added Jennie Kim to the group

Operation Pag-amin


Seulgi: Buhayin ko ulit 'tong gc na 'to. :) 


Lisa: laban o bawi!


Byul: totoo na ba talaga? Hahaha


Wendy: tropaaaaaa, sure na sure na?


Joy: siguraduhin mo lang, Seulgi.


Jennie: what's this gc for?


Seulgi: classmate, gusto ko nang gawing official yung sa amin ni Joohyun. Mga erp, totoo na talaga. Naiiyak ako huhuhu tulungan niyo ko please. 

 


Monday after class
1 new message from <3 Soon

<3 Soon: Hyun, di muna kita masusundo ngayon pero pinapunta ko diyan sa store si Lisa para samahan ka umuwi. Sorry po. :(


Soon to be gf: Okay. I miss you :(


<3 Soon: Sorry na po. Babawi ako talaga promise. 

 

Nalungkot si Joohyun nang mabasa niya ang text ni Seulgi. Mas lalo lang niyang namiss ito kahit na magkasama lang sila kahapon.

 

 


“tropa, bilisan kaya natin para masundo ko pa rin si Joohyun? May sad face sa text niya oh.”


“Ang clingy mo naman tropa magkasama lang kayo kahapon eh. Kailangan mo magpractice bahala ka diyan.” Sabi ni Wendy kay Seulgi.


Nagpunta si Seulgi kila Wendy pagtapos ng klase nila kanina para magpaturong mag-bake ng carrot cake. Nabanggit kasi noon ni Joy na carrot cake ang favorite ni Joohyun. Nag-suggest sila Lisa na bumili na lang siya pero mas gusto niyang siya mismo ang magbe-bake nito. Balak niyang ibigay ito kay Joohyun sa araw na aayain na niya itong maging girlfriend.

 

 

 

 

 

 

 

 

“Hi classmate, ako duty today.” Nakangiting bati ni Lisa kay Joohyun.

 

“Lisa, nakakahiya naman sa’yo nagpunta ka pa dito. Kaya ko naman umuwi eh.” Malungkot na sagot ni Joohyun.


“Naku alam mo naman yung si Seulgi. May pagka-superhero. Gusto nun lagi kang safe. Ayos lang naman sa’kin pumunta wala naman akong gagawin.”


Tumango lang si Joohyun. Bakas sa mga mata ang bahagyang lungkot dahil sa di pagpunta ni Seulgi. Masyado na siguro siyang nasanay na nasa tabi niya palagi si Seulgi.

 

 

 

1 new message from Lisa
Lisa: ‘toooool! Lagot ka malungkot si classmate. 


Seulgi: huhuhu abot mo na, erp. Thank you.

 

 

 

 


“Classmate.”
Lumingon si Joohyun sa direksyon ni Lisa. 


“Pinapabigay nga pala ni Seul. Wag ka na daw malungkot. Babawi siya.” Inabot ni Lisa ang isang piraso ng sunflower na may naka-attach na note.

 

 

 

Soon,

Wag na sumimangot. Para sa’yo ‘to. Mahal kita.

-Kulit

 

 

 

Napakabilis nag-shift ng mood ni Joohyun. Kanina lang ay malungkot siya pero pagka-abot sa kaniya ni Lisa ng bulaklak galing kay Seulgi ay nagliwanag ang ekspresyon ng kaniyang mukha.


“Grabeng epekto ni erp sa’yo classmate ah. Kanina parang iiyak ka na eh pero ngayon oh kahit naka-mask kitang kita ko yung ngiti oh.” Komento ni Lisa.


“Yan kasing friend mo di nagsabi agad na di siya pupunta nag-expect tuloy ako.” Nakangiting sabi ni Joohyun.

 

 

 

1 new message from Soon to be gf

Soon to be gf: mas lalo kitang namiss. 
:( 

Thank you sa flower and sa note. Mahal din kita.


<3 Soon: I miss you more huhu text kita mamaya ah. Ingat kayo ni Lisa. Magjeep na lang kayo pag may dumaan. 

 

 

 

 

 

“Alam mo tropa buti na lang nagpractice ka. Baka sumakit tiyan ni Joohyun pag kinain niya ‘to. Hilaw pa eh. Sabi ko kasi sa’yo pre-heat mo muna yung oven kaso sinalang mo agad.” Sabi ni Wendy.


“Di ko narinig tropa. Kinakabahan ako eh.” Sagot ni Seulgi habang malungkot na nakatingin sa failed carrot cake niya. May bahid pa ng flour ang mukha.

 

 

 

“Mama, bakit tayo kasali dun?” natatawang tanong ni Yeri sa kaniyang ina.


“Gusto ng ate Seulgi mo nandun tayo.” Sagot ni Tita Jean habang tinutulak ang grocery cart.

 

 

 


“Hello, ‘tol. Nahiram mo ba yung cajon?” tanong ni Seulgi kay Byul.


“Oo ‘tol nasa akin na, relax ka lang. Aayain mo pa lang maging girlfriend ah hindi ka magpo-propose ng kasal.” Natatawang sagot ni Byul.


“Tol, kinakabahan talaga ako baka himatayin ako.”

 


Operation Pag-amin
Seulgi: @Joy @Jennie kayo na please magdecorate. Nahihilo na ako sa amoy ng carrot cake.


Joy: Kang, nakailang bili ka na ng ingredients? Hahaha sabi ni Wendy naubos mo na daw gas nila sa bahay.


Jennie: Seulgi, will you please relax? Kami na bahala mag-ayos dun. Also, Saturday pa naman di ba? Tuesday pa lang. 


Joy: tarantang taranta na si Kang. Mas mataranta ka kasi naiinis na si Joohyun. Di mo na naman daw siya pinuntahan ngayon hahaha


Seulgi: yare na talaga ako. Sabi ko babawi ako eh. Huhuhuu

 

 

 

 

“Hello, soon. Sorry na po. May biglaang nangyari.” Vague na paliwanag ni Seulgi.


“Okay lang, soon. Sorry ang clingy ko na ba?” malungkot na tanong ni Joohyun.


“Mas gusto ko ngang clingy ka eh. Kasalanan ko talaga di kita nasabihan agad. Pinapunta ko si Byul diyan siya po maghahatid sa’yo.”


“Okay. Sige na. Mag-aayos pa ako dito.” Pagkababa nila ng call ay sabay naman ng dating ni Byul.

 

 

 

 

“Classmate!” sigaw ni Byul mula sa driver’s seat ng kotse. Napalingon si Joohyun sa sigaw.


“Byul, nakakahiya na talaga ‘tong ginagawa ni Seulgi. Pwede naman magjeep na lang.”


“Okay lang classmate, nagbigay pang-gas si erp. Antay kita dito ah?” di na bumaba ng kotse si Byul at inantay na lang matapos si Joohyun sa pagsasara ng store.


Pagtapos ng ilang minuto sumakay na si Joohyun. “Classmate, oh peace offering ng tropa kong loko loko.” Nag-abot ng isang maliit naa tub ng teokkbokki si Byul.


Di nagbago ang malungkot na ekspresyon ng mukha ni Joohyun pagtingin niya sa inabot ni Byul. Hindi gaya ng kahapon na nabago ang mood niya dahil sa pa-bulaklak na pinaabot ni Seulgi.

 

 

1 new message from <3 Soon
<3 Soon: Soon,

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
889 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
342 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
889 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
889 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.