Epilogue

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

"Kuya BJ! Thank you talaga for introducing Sir Jason to us." sabi ni Seulgi sa sikat na fashion photographer na nakilala nila ni Joohyun noong estudyante pa lang sila sa Intramuros.

 

 

Si Sir Jason ay isa sa pinakasikat na wedding videographer sa Pilipinas. Kung si BJ ay photographer to the stars, si Jason naman ang most sought after sa larangan ng same-day edits sa mga huge event. 

 

 

"Don't mention it, Seulgi. I'm glad you reached out to me para sa photo and video coverage ng wedding niyo."

 

 

"Thankful pa rin po talaga kami ni Hyun na tinanggap niyo 'tong wedding namin kahit hindi niyo naman forte ang events."

 

 

"Ano ka ba. Gift ko na sa inyo yun. I was shocked to know na sobrang succesful niyo ng dalawa sa field niyo samantalang dati babies pa kayo nung na-meet ko kayo."

 

 

"If you don't mind me asking po, what made you decide to accept our wedding kahit na di naman po kayo wedding photographer?"

 

 

"The same reason pumayag ako noon sa request mong picturan ko kayo sa Intramuros." ngumiti si BJ. "I see myself in you, Seulgi."

 

 

Napataas ang parehong kilay ni Seulgi sa pagtataka kung anong ibig sabihin ni BJ sa sinabi. 

 

 

"I saw how you looked at Joohyun habang nagseselfie kayong dalawa sa Intramuros. I can still remember your eyes na full of love. Yung mga mata mo kasi sobrang expressive, bonus na rin siguro na isa yun sa mga gusto ko sa mga subject ko."

 

 

"Ah naalala niyo pa yun, kuya BJ?". 

 

 

"Oo naman, you know why? Kasi bukod sa love na nagsusumigaw sa mga mata mo nakita ko rin yung fear. I didn't exactly know what happened between you two back then pero parang takot kang mawala siya."

 

 

Seulgi chuckled. "That obvious, huh? First date namin ni Hyun yun pagkatapos kaming bigyan ng blessing ng Mama niya. Grabe yung struggles namin noon kaya siguro may fear pa rin kayong nakita, kuya."

 

 

"Nung nakita ko yun sa'yo I felt somehow connected. Baka dahil nagkaroon din kami noon ng problema ng partner ko. Amazing lang kasi even without knowing the story behind it, I still felt the connection."

 

 

Namangha si Seulgi sa sagot na nakuha niya mula kay BJ. This is the first time she's hearing this kaya evident yung gulat sa mukha niya. Sasagot pa sana siya kaya lang may narinig na siyang katok mula sa pintuan. Di nagtagal nakita na niyang nakasilip na si Joohyun. 

 

 

"Mahal?" 

 

 

"Yes po?" sagot ni Seulgi na may malaking ngiti sa labi. 

 

 

"Sir Jason's asking if you're done with your make up na?" 

 

 

"Opo kanina pa hehe was just chatting with Kuya BJ. Tapos na rin siya mag-shoot dito."

 

 

"Hi, kuya! Nandito ka pala." Joohyun trailed off. "Sorry po, kailangan ko muna hiramin si Seulgi kasi mags-start na si Sir Jason. Tawag na tayo, mahal."

 

 

Sinundo na ni Joohyun si Seulgi sa kabilang room dahil male-late sila sa schedule na ginawa ng wedding planner nila for today kung hindi pa makakapag-start ang videographer sa shoot nito ngayon. 

 

 

Tanghali pa ang wedding pero alas sais pa lang ng umaga ay gising na sila to prepare for the big day. 

 

 

Hectic and busy. Perfect adjectives para sa araw nila ngayon. 

 

 

"Mahal, bakit may interview? Para naman tayong artista eh." biro ni Seulgi. 

 

 

"Para daw sa same-day edit mamaya sa reception."

 

 

"Alam mo ba ano mga itatanong? Hindi ako nagreview eh."

 

 

"Sira! Mahal, ayusin mo sagot mo ah? Baka mamaya puro ka na naman joke magmukha na naman tayong comedy show."

 

 

"Di ko mapa-promise hehe."

 

 

Tinaasan lang siya ni Joohyun ng kilay. 

 

 

"I'll try my best, soon." nakangising sagot ni Seulgi. 

 

 

Natigil bigla si Joohyun sa pagbubukas ng pinto sa narinig niya.

 

 

"Soon na ulit?" takang tanong niya kay Seulgi. 

 

 

"Oo, soon. My soon to be wife."

 

 

"Oh haven't heard that term of endearment, tagal na ah."

 

 

"College pa tayo nung last na tinawag kitang soon eh." malambing na ngiti ang sumalubong kay Joohyun. 

 

 

"It fits today's celebration, soon." sagot ni Joohyun sabay halik sa pisngi ng fiancé. "But you can only call me that until before I say 'I do' kasi Mrs. Kang na ako pagtapos nun." sabi ni Joohyun sabay kindat. Di na niya inantay pa si Seulgi na sumagot at pumasok na sa loob ng kwarto. 

 

 

Natatawang sumunod si Seulgi sa soon to be wife niya habang nire-recall yung mga previous banters nila tungkol sa kung sino ang magdadala ng apelyido nino, while being fully aware that it's not legally possible sa Pilipinas. It is just Joohyun's cute attempt of asserting dominance.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Hello, ladies. Are you ready?" tanong ni Jason. "Have a seat." tinuro niya yung couch na nire-arrange ng team niya sa gitna ng room. May two camera set-up sa harap at isa sa gilid para may variety ng angles. May isang medium-sized lighting softbox sa bandang likuran at isang maliit na light source sa harap para pang-balanse ng harsh light na galing sa likod. Impressive equipment tapos nasa loob pa ang ilan sa ka-team ni Jason kaya medyo intimidating para kay Joohyun. 

 

 

Napansin ito ng videographer kaya agad niyang pinalabas ang lahat ng members ng team niya pagkatapos makabitan si Seulgi at Joohyun ng mini-lapel mics. 

 

 

"Just think of this na parang nagku-kwento lang kayo ng journey niyo sa family and friends. If you're uncomfortable sa questions, let me know ah." nakangiting sabi ni Jason trying to shake off the awkwardness ng ipapagawa niya sa ikakasal. 

 

 

"Okay po. Grabe ganito pala feeling ng artista. Baka biglang lumabas si Tito Boy, hindi po ako ready sa s*e*x or chocolates fast talk." biro ni Seulgi para pagaanin ang mood. Effective naman dahil nakatanggap siya ng mahinang hampas mula sa babaeng papakasalan niya. 

 

 

 

"Mahal! I warned you na eh tignan mo di pa tayo naguumpisa ayan ka na sa mga ka-cornyhan mo."

 

 

Napahalakhak naman si Jason sa nawitness niya. 

 

 

 

 

 

Di rin nagtagal ay nag-start na ang wedding videographer sa interview. Na-explain naman na niya sa dalawa na dito kukunin yung ibang clips para sa same-day edit video na ipe-play mamaya sa reception. 

 

 

 

 

"How did you guys meet?" unang tanong ni Jason. 

 

 

"We were classmates since first year highschool." simpleng sagot ni Joohyun. 

 

 

"What was your first impression of each other?"

 

 

"Oh! Ako muna sasagot." sabi ni Seulgi. "Alam mo ba yung para kang nakakita ng anghel galing sa langit na bumaba sa lupa? Ganun! I can still remember paano nag-slowmo yung paligid nung pumasok na siya sa classroom. My heart skipped a beat nung hinawi niya na yung ilang piraso ng buhok na napatakip sa mukha niya kasi biglang humangin." kwento ni Seulgi. Dreamy look, heart eyes, with matching blushing cheeks. Definitely head over heels for Bae Joohyun. Kitang-kita yun sa camera na naka-set up sa bandang gilid. Raw emotion, perfect shot. 

 

 

"You're making this up, mahal." natatawang sabat ni Joohyun. 

 

 

"Hindi ah. You were wearing a cute pink cardigan nung first day ng highschool diba?"

 

 

"Tanda mo pa?" manghang tanong ni Joohyun, an effort to divert Seulgi's attention kasi nakangisi na sa kaniya ito nang mapansing nag-uumpisa nang mamula ang kaniyang pisngi at tenga. Sino bang hindi kikiligin kung sasabihin sa'yo ng girlfriend mong tandang-tanda niya pa yung unang araw na nagkita kayo kahit na ilang taon na ang nakalipas. Tapos ikaw mismo hindi mo na masyadong maalala. 

 

 

"How about you, Joohyun? Anong unang impression mo kay Seulgi?" tanong ni Jason. 

 

 

Napangiti si Joohyun habang nakatingin sa fiancé. "Kung siya, her heart skipped a beat. Mine was so calm. Ewan ko ba? She has that effect on me yung tipong makikita ko pa lang pagmumukha niya..." she paused to squeeze Seulgi's cheek. "...napapakalma na ako. I really can't put it into words basta yung feeling na ang peaceful lang tapos ang gaan? Yung para kang pinagduduyan hanggang sa makatulog. Di pa kami masyadong close nun pero may ganung effect na siya." 

 

 

"Sir Jason, ano bang gagawin ko? Patay na patay sa'kin 'tong katabi ko?" pagfe-fake ng kadramahan ni Seulgi. 

 

 

"Pero madalas niya rin akong asarin. Yan kagaya niyan. So, yung calmness napapalitan ng inis." nakatawang sabat ni Joohyun.

 

 

 

 

 


"What was your first date?" 


"A romantic stroll in Intramuros." proud na sagot ni Seulgi. "Nag-research pa ako nun kung saan ko ba siya pwedeng dalhin para ma-impress ko siya. Ang daming nag pop-up na suggestions si pareng google pero naalala ko yung favorite spot ko doon, sa Baluarte de San Diego kaya I stopped searching na." 


"That's where we met kuya BJ!" dugtong ni Joohyun. 


"Yun! Sobrang out of this world experience na makilala namin siya doon. Grabe, sikat na photographer pala siya tapos di ko alam inutusan ko pang picturan kami."


"Hiyang-hiya kami ni Kulit noon. We didn't know! Pero it made our first date more memorable."


"BJ told me that, he was also fond of that encounter. Ang cute niyo daw kasing tignan noon. Anyway, next question tayo."


"What are your favourite things about each other?"


"When she scrunches her nose kapag binoo-boop ko, yung tipong nagkukunwari siyang annoyed pero I know she loves it." sagot ni Joohyun habang pinipindot-pindot ang ilong ni Seulgi. 


"Paano mo nasabing gusto ko yun, mahal?"


"You never asked me to stop tapos yung smile mo kapag ginagawa ko yun abot tenga kahit na kunyare naiinis ka. It's a dead giveaway, mahal." sagot ni Joohyun.


"Wala akong kawala hahaha! Teka my turn na. Favorite ko about Joohyun is her patience. Grabe yung pasenya niya, at least for me. I always kasi. Nung college kami mas madalas ko pa siya inisin pero ang haba talaga ng pasensya ni Joohyun. She'll tell me nababanas na siya pero sasakyan niya lang din naman yung trip ko." 


Pinapanood lang ni Joohyun na masayang nagku-kwento si Seulgi. 'I'm always patient with you, mahal.' sabi niya sa sarili.

 

"Oh ito balita ko madaming interesadong malaman ito. How did the proposal go?" tanong ni Jason. 


"Oh my gaaaad, Sir Jason. Kung ike-kwento namin baka magahol tayo sa oras." sagot ni Joohyun habang inaalala yung moment na yun isang taon na ang nakakaraan. 


"Don't worry nagpaalam ako sa wedding coor at planner niyo. Tapos I asked BJ na medyo male-late kayo kaya siya na daw mag-aadjust para sakto pa rin tayo sa sched. Di daw niya tatagalan ang shoot niyo mamaya."


"Yun naman pala, mahal eh. Kwento na natin." sabi ni Seulgi kay Joohyun. "Ganito kasi yun, Sir Jason. Last year, a day before her graduation nasa quarantine facility ako tapos akala niya hindi ako makaka-attend ng graduation niya. Di niya alam I planned a surprise for her. Nasa store nila siya noon tapos nagulat na lang siya bigla akong sumulpot sa harapan niya." nakangiting kwento ni Seulgi. 


"Yes, nabanggit nga yan sa akin ng friend mo nung ini-interview ko sila kanina. What's her name nga again? Lisa?" 


Tumango si Seulgi. "Ah si Lisa. Oo, tropa ko yun."


"She told me something about your kiss sa gilid ng daan. She said na I should mention it sa inyo ngayon kasi very memorable daw. Kwento niyo naman?"


Napapikit si Joohyun nang marining ang tungkol sa kiss na yun. Para siyang ipinasok sa time machine dahil sobrang vivid ng memory na yun sa utak niya.


"Ganito po kasi yun..."

 

 

 

 

 


One year ago.

"Wala kaming candy. Nakita mo ba yang sign na yan ha, Seulgi? Angel's hamburger. Kung di burger ang bibilin mo, wag mo na lang akong buwisitin." and the best actress in a Rom-Com movie award goes to Bae Joohyun.


"Hello, mahal. Namiss kita." malambing na sabi ni Seulgi. 


Hindi na napigilan ni Joohyun ang maluha dahil pagkatapos ng tatlong buwang pangungulila ay nasa harapan na niya ngayon ang pinaka-paborito niyang tao sa mundo. Dali-dali siyang lumabas ng store at 
yumakap kay Seulgi. Yung yakap na akala mo hindi na niya ulit mahahagkan ang dalagang nakapaloob sa mga bisig niya. 


"Mah-al..." tanging nasabi nito nang mayakap niyang muli si Seulgi. 


"Tahan na po. Nandito na ako di na ulit ako aalis. Iku-kwento ko sa'yo mamaya kung paano." sagot ni Seulgi sa mga unspoken thoughts ni Joohyun habang hinahagod ang buhok at likod nito para mapakalma ang humihikbing girlfriend. 


Joohyun pulled back from the hug. Pinagmasdan niyang mabuti ang babaeng kayakap, kinukumbinsi ang sarili na hindi lang panaginip ang tagpong iyon. "Miss na miss kita." at walang kaabog-abog na hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Seulgi, inilapit ang mukha sa girlfriend at buong tapang na hinalikan ito sa harap ng maraming tao. 


Wala na siyang paki kung may mga Marites na makakita sa kanila. Ang mahalaga napapaligiran sila ni Seulgi ng mga importanteng tao sa buhay nila. Pamilya at kaibigan, mga nakasama nila sa masaya at unpredictable na roller coaster ride ng journey nila. 


Sa planong nabuo ni Seulgi sa isip niya habang nagtatantos ng ekis sa kada petsang lilipas noong naka-quarantine, mamaya pa dapat mnagyayari yung kiss eh. Doon dapat yun sa tagpong natanong na niya yung pinaka-mahalagang question para sa araw na yun. Naimagine na nga niya yung eksenang hahalikan niya si Joohyun kapag naisuot na niya ang singsing na binitbit niya pa mula sa kaharian ng mga camel at ginto. 


Kaso kailan ba naman naging normal ang mga ganap nilang dalawa? Parang hindi si Kulit at Hyun iyon kung smooth ang flow ng lahat kaya ito siya, masayang winewelcome ang bawat halik ng kaniyang girlfriend. 


Kada hagod ng mga labi ni Joohyun sa pair of lips ni Seulgi, kinikilig siya. Yung bawat mahina at pigil na ungol na naririnig niya sa girlfriend, naeexcite siya. Tapos yung bahagyang pagdaplis ng dila ni Joohyun sa kaniyang lower lip...


'Aba putangina! Sandaleeeee! Dila ba yun?! Make-out sa gilid ng kalsada na ba yung kasunod nito, Hyun?' tanong ni Seulgi sa sarili. Pero wala naman siyang pakialam kaya itinapon na niya lahat ng keber sa katawan at hinigpitan pa ang yakap kay Joohyun. 


"Ah ehem! Ehem, 'tol!" pagkuha ng atensyon ni Lisa mula sa mga kaibigang akala ata wala sila sa kalsada. "Tol, yung mga basketboleros natin...ano kasi...yung talent fee daw nila hinihingi na." awkward na sabi ni Lisa sa kaibigan habang abala ito sa alam niyo na, sa paglasap ng sarap na tatlong buwan niyang hindi natikman. 


Natatawa lang sila Joy at Wendy sa ganap sa harap nila. First time na makita nilang mag-initiate si Joohyun ng skinship sa harap ng maraming tao, sa harap pa mismo ni Tita Jean. 


"TOOOOOL! AWAT NA! BAKA MA-VIDEOHAN NA KAYO NIYAN!" sigaw ni Lisa. 


Natauhan naman si Joohyun sa pinaggagagawa niya kaya siya ang unang bumitaw sa halik. Yumuko at ibinaon niya ang mukha sa leeg ni Seulgi para isalba ang natitirang hiya na mayroon siya. 


Patawa-tawa namang nilingon ni Seulgi si Lisa. "Ano ba yun, 'tol? Istorbo ka naman eh." biro niya. 


"Hala. Si-nave ko na nga kayo sa potential rise to stardom niyo sa tiktok at facebook ganyan ka pa. Yung bayad daw nung mga kinuha kong artista asan na?" natatawang sagot ni Lisa.


"Gago, anong year na ba ngayon Lisa, ha? Wala ng gumagamit ng tiktok. It's so two thousand and twenty one pa!" 


"Haha oo nga no? Eh basta amin na pera 'tol. Pauwiin ko na mga yun."


"Abonohan mo muna deretso ako sa quarantine facility after airport eh. Wala pa akong hawak na peso, rials laman ng wallet ko."


Napa-facepalm naman si Lisa sa kawalang pulido ng plano ni Seulgi. Halatang na-excite i-execute ang proposal pero wala naman palang perang hawak.


"Ano ba yan, mahal. Kinilig na sana ako wala ka naman palang pambayad sa mga kasabwat mo." pumasok si Joohyun sa store para kunin ang bag na naglalaman ng wallet niya. Inabot niya kay Lisa ang ilang asul na perang papel. 


"Bring the kids na rin sa Jollibee. Kawawa naman dinamay niyo pa dito." natatawang sabi ni Joohyun kay Lisa. 


Napakamot-ulo na lang si Seulgi kasi wala na, sira na yung plano niyang romantic proposal para kay Joohyun. Nagkasingilan sa gitna eh pero di naman siya disappointed. Natatawa lang siya sa nangyayari. 


Humawak siya sa bulsa ng pantalon niya at nakapa ang singsing na simbulo ng for life and forever nilang dalawa. 


"Hyun?" nakangiti niyang tanong. 


"Yes po?" nakangiti rin sa kaniya si Joohyun. Bakas pa rin ang saya sa mukha kahit na nakahalata na ito sa napurnadang balak ni Seulgi.

 

 

 

"Sabi mo paglabas ko magde-date tayo sa Sunken. Tara dun?" paghihikayat ni Seulgi. Di naman na niya maitutuloy dito yung balak niya kaya proceed na lang siya sa plan B na ngayon lang din niya naisip. 


"Tara!" tipid pero excited na pagsang-ayon ni Joohyun. 


Nang marinig ni Seulgi ang enthusiastic na sagot ng girlfriend, she held Joohyun's hand and intertwined their fingers. Naglakad sila papunta sa sasakyan ni Byul na ginamit pang-sundo kay Seulgi sa Microtel. 


"Byul! Pahiram muna ng kotse! Saglit lang." sabi niya sa kaibigan habang nakangisi, umaasang pagbibigyan siya sa request niyang wala naman sa naunang plano.


Tumango lang si Byul at inihagis papunta kay Seulgi ang susi. "Ingatan mo ah?!"

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Namiss ko Sunken ah." sabi ni Seulgi pagkaangat niya ng handbrake. Nagpark siya sa usual na parking space nila kapag dumadalaw sila ni Joohyun sa paborito nilang lugar. 


"Ako rin. Tagal na natin di nagpunta dito."


"Let's go? Lakad lakad tayo?" 


Tumango si Joohyun bago lumabas ng sasakyan. 


Magkahawak-kamay silang nagtungo sa garden. Di mapigilan ni Joohyun na tignan si Seulgi paminsan minsan during their walk. Ang dami niya kasing tanong, di na siya makapag-intay na masagot ang mga ito. 


"Mahal, alam ko na yang gusto mong itanong." sabi ni Seulgi. Natatanaw na niya yung paboritong spot nila sa Sunken, yung area kung saan nakatayo ang isang matayog na puno ng accacia. 


Wala pa rin naman halos pinag-bago ang garden. Nandoon pa rin ang mga puno ng accacia na nakapalibot dito. Buhay na buhay ang mga damo sa malawak na lupain sa harap nila. 


"Sorry, wala akong dalang blanket para makaupo tayo." sabi ni Seulgi habang inilalatag ang panyong nasa bulsa niya sa konkretong bench sa gilid ng puno. "Dito na lang tayo umupo." dugtong niya. 


"Okay lang, mahal. Wala rin naman akong dalang gimbap for you."


"Aaaah ikaw Hyun, ah. Sinasabayan mo ko sa pagre-reminisce." sagot ni Seulgi. 


Pagkaupo nila ay idinantay niya ang kaliwang kamay sa mga hita ni Joohyun. Naka-skirt kasi ang girlfriend niya at ayaw naman niyang maging uncomfortable ito sa mga dumadaan sa paligid kaya her protective side kicked in. Yumakap naman si Joohyun sa braso ni Seulgi na iyon dahil aaminin niya, hindi pa sapat yung halik kanina para ma-satisfy yung pagka-miss niya sa girlfriend.


"Kwento ka na, mahal." malambing na sabi niya kay Seulgi. 


Tumango si Seulgi. "Two weeks na ako dito sa Pilipinas, Hyun. 14th day ng quarantine ko ngayon kaya nakalabas na ako. Saktong sakto para sa graduation mo."


"Ha? Paano? Eh diba nung Sunday lang ang flight mo, nakadating ka dito monday na? Sabi mo hindi ka makapag-rebook?" nakasimangot na tanong ni Joohyun. 


"Ops ops salubong na naman yung kilay. Relax lang po." hinalikan ni Seulgi ang girlfriend sa noo. Effective naman dahil nawala yung simangot sa mukha nito. 


"Ano na nga kasi?" 


"Nung nagpaalam ako sa'yo last week na hindi muna kita macha-chat, nasa airport na ako nun pauwi. Ang tantsa ko mga 5 hours lang ako mawawalan ng connection dahil ganun lang naman kabilis yung byahe kaso pag-lapag namin sa NAIA di namin expected na iho-hold kami para dalhin sa quarantine facility. So bale lumipad na ako pauwi a week before ng original plan ko."


"Eh sabi mo hindi ka makapag-rebook pano ka nakauwi ng mas maaga?" 


"Hindi nga ako makapag-rebook kasi pahirapan na bago pa man pumutok yung balita internationally. Nagkaroon lang kami ng advantage sa oras dahil sa ospital na pinagte-trainingan ko nadala yung first covid case. Nung ma-confirm na covid nga yun, immediately, pinastop yung training namin. Since one week na lang naman ang dapat na bunuin namin sa supposed to be 3 months kaya pinagbigyan na kami. Na-cut short naman na kaya nagbook na lang ako ng bagong flight kesa i-risk ko pang ma-lockdown dun."


"You should've told me pa rin, mahal. Grabe yung worry ko nun sa'yo."


"Sorry na po. Di ko rin alam na nung araw ng flight ko eh yun din yung araw na magsstart ang gobyerno natin na magpa-quarantine ng palihim. Yung sinasabi ng pinsan ni Nayeon na immigratio

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
889 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
341 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
889 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
889 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.