Chapter 67

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

Unang buwan ni Seulgi sa Qatar.


Nahirapang mag-adjust si Seulgi at Joohyun sa timezone ng isa't isa. Five hours behind si Seulgi sa oras ni Joohyun sa Pilipinas.


Pabago-bago rin ang schedule ni Joohyun dahil sa nalalapit na major exam nila. Kaya kadalasan ay nakakapag-video call na lang sila kapag oras ni Joohyun mag-review.


Hindi ito naging madali dahil minsan ay naka-focus lang si Joohyun sa pagbabasa at hinahayaan na lang siya ni Seulgi. On-going lang ang video call habang nagaaral siya samantalang kuntento na si Seulging pagmasdan ang girlfriend.


May mga pagkakataon ding nakakatulog naman si Seulgi dahil sa pagod at sa alanganing oras ng tawag nila. Sa ganitong tagpo, si Joohyun naman ang makukuntento na lang pagmasdan ang tulog na tulog na girlfriend. May mga pagkakataong natatawa siya dahil sa nakabukas na bibig ni Seulgi habang natutulog, may mga oras naman na magki-kick in ang lungkot at maluluha na lang siya bigla. Pasalamat na lang talaga siya na hindi nakikita ni Seulgi ang pagbe-breakdown niya. 


Sari-sari ang rason sa pagkagupo ng lakas at emosyon ni Joohyun. Pagod sa pag-aaral, pangungulila sa pinakapaboritong constant sa buhay niya, at pressure na maitawid ang huling taon niya sa med school.

 

 

 


Med school. Pangarap niya na ito bata pa lang siya. Ilang tumbling at kembot na lang ay malapit na siya sa finish line pero sabi nga nila, sa karera, ang pinakahuling lap ang pinaka-crucial dahil anytime pwedeng may maka-ungos sa kaniya.


She knows she's winning this race pero hindi niya magawang maging complacent dahil baka may makaagaw ng pwesto niya.


Gustong gusto niyang ialay sa nanay at sa girlfriend ang tagumpay na malapit na niyang makamit. Ilang buwan na lang at magbubunga na ang matagal nilang pinahirapang tatlo.


Hangga't hindi siya ang nakakaputol ng finish line ribbon sa dulo ng paglalakbay na ito, hindi siya pwedeng maging kampante. 


'Para sa inyo ni mama 'to, mahal.' sabi niya sa isip.

 

 

 

 

 

Ikalawang Buwan ni Seulgi sa Qatar.


"Mahal! Good morning!" masayang bati ni Seulgi sa kabilang linya.


Alas sais ng umaga sa Pilipinas at ala una pa lang ng madaling araw sa Qatar. Madalas ganitong oras sila magkausap dalawa dahil ito ang pinaka-pasok sa schedule nila. 


One AM, siguradong nasa bahay na si Seulgi habang si Joohyun naman ay may isang oras para makumusta ang girlfriend. 


"Good morning, mahal." malambing na bati ni Joohyun. "Hindi ba magigising yung roommate mo diyan. Ang taas ng energy mo?" 


Umiling si Seulgi. "Wala siya dito hehe nasa bahay ng boyfriend niya. Sleepover daw."


"May boyfriend na siya diyan?" gulat na tanong ni Joohyun. 


"Speed no? Kakakilala lang nila last month. Love at first sight daw." biro ni Seulgi. 


"Wala naman sa tagal yan. Nasa klase ng love na yan, kulit. Pero wait lang, di ba bawal diyan magsama pag di pa kasal?" 


"Oo, bawal. Kaso niri-risk nila eh. Pag nahuli, yari."


"Iba talaga nagagawa ng pag-ibig no?" 


"Against all odds sila." sagot ni Seulgi pero hindi niya napigilang mahikab. 


Nalungkot naman si Joohyun dahil kahit nasa malayo si Seulgi ay siya pa rin ang madalas na nag-aadjust para magtagpo ang oras nilang dalawa. Bakas sa mukha ng girlfriend ang pagod at antok. Di rin nakaligtas sa mapagmatyag na mata ni Joohyun ang pangingitim ng mata ni Seulgi pati na rin ang obvious na pagbawas ng timbang nito. 


"Mahal, sleep ka na. Antok na antok ka na."


"Ayaw. Gusto pa kitang makausap, Hyun. Miss na miss na kita." malungkot na sabi ni Seulgi. 


"I miss you too, sobra. Konting tiis na lang, mahal." she gave Seulgi her sweetest smile para naman mapagaan ang loob ng girlfriend kahit paano. 


"May 30 minutes pa. Usap pa tayo, please?"


Ngumiti si Joohyun at tumango.


"How was your day, mahal? Kumusta po training mo?" 


Seulgi's face brightened. Parang nagliwanag sa kislap ang ang mga mata niya nang mabanggit ang training. An obvious indication na masaya ito. Seulgi has her ways of pulling Joohyun's heartstrings at isa ito sa mga yun. Makita lang ni Joohyun na masaya o nakangiti ang girlfriend ay makakaramdam na siya ng warmth. Ganun ata talaga ang true love, they can easily make their loved one feel warm and cozy. 


"It was fun! Alam mo ba mahal, bilib sila sa'kin dun kasi kahit na ang hirap i-position ng patient dahil medyo big built sila kaya ko." sabay pag-flex ni Seulgi sa non-existent bicep niya. "Guuuuuns." dagdag nito.


Natawa naman si Joohyun sa kalokohan ng girlfriend. "Wala ka namang muscle diyan, mahal."


"Hooooy! Meron ah!" pagmamaktol nito. "Medyo pumayat lang ako pero meron pa rin. Oh tignan mo." nilapit ni Seulgi sa camera ang braso niya para patunayang meron talaga. 


"Wala naman eh. Mukhang puro buto na lang." pang aasar ni Joohyun. 


"Ah ganyanan ah? Walang muscle ah. Teka." tumayo si Seulgi at in-on ang ilaw. Bahagyang dumilim ang screen ni Joohyun dahil dumikit ng napakalapit si Seulgi sa camera. 


"Mahal! Wala akong makita. Balik ka na sa pwesto mo." sabi ni Joohyun. 


"Sure ka, mahal? Babalik na ko sa kama?" 


"Opo. I wanna see your face." malambing na sagot niya kay Seulgi. 


Unti-unting umatras si Seulgi at hindi inasahan ni Joohyun ang nakita. Habang papalayo kasi si Seulgi ay lumilinaw ang nakikita ni Joohyun sa screen. Dahan-dahan niyang napagmamasdan ang paborito niyanng parte ng katawan ng girlfriend. 


ABS.


'Putangina namiss ko 'to.' sabi ni Joohyun na ngayon ay nagkakaroon ng internal battle between her reasoning and instinct. Gusto niyang tumili pero hindi niya magawa dahil nasa doctor's lounge siya ngayon. Kaya buong lakas niyang pinigilan ang mura na sa isip na lang niya nasambit. 


Seulgi chuckled. "Mahal? Oh bakit ang pula mo na diyan?" 


"Nakakainis ka!" mahinang bulong ni Joohyun. 


"Bakit? Hahaha!" 


Hindi makasagot si Joohyun dahil unti-unti na niyang naramdaman yung init na umaakyat mula sa dibdib niya hanggang sa mukha. In the end, mas mapula pa siya sa kamatis. 


"Baba mo na yan! Baka may makakita dito." nahihiyang sabi ni Joohyun. 


"Ayaw mo kasing maniwala eh." medyo itinaas pa ni Seulgi ang laylayan ng tshirt niya to give Joohyun a better view of her toned abs. Tinatapik at hinihimas niya pa ito ng bahagya para lalong asarin ang girlfriend. 


Napapikit na lang si Joohyun dahil ayaw tumigil ni Seulgi sa pang-aalaska sa kaniya. 


"Namiss mo?" naka-smirk na tanong ni Seulgi. 


"Namiss ko- I-I mean, namiss kita." napa-facepalm na lang si Joohyun. 


"Oops. Freudian slip. Mas naniniwala talaga ako sa subconscious feelings ng tao." natatawang sagot ni Seulgi. 


"Gago ka." nakasimangot na sagot ni Joohyun. 


"Joke lang po. Mahal, 5 mins before 7 na baka ma-late ka. Wag ka papagutom ah? Mahal kita."


"Lagot ka talaga sa'kin pag-uwi mo." nakasimangot pa rin si Joohyun. 


"Salubong na naman po kilay. MAHAL KITA, BAE JOOHYUN." sigaw ni Seulgi. 


"Mahal din kita, Kang Seulgi." nakangiting sagot niya. 

 

 

 

 

 

 

 

Ikatlong buwan ni Seulgi sa Qatar.


1 new message from My love

My love: mahal, sorry po. Di kita matatawagan mamaya ah? Maaga kasi kaming aalis bukas. Nag-aya yung mga kasama ko pupunta daw sila sa bilihan ng mga gold dito. Nahiya na akong tumanggi kasi isang beses pa lang ako sumama sa kanila gumala sa dami ng invite nila eh. Bawi ako bukas ah. Mahal na mahal kita. 


Pagkabasa ni Joohyun sa message ni Seulgi ay napanguso na lang siya dahil sa disappointment. Excited pa naman siyang makausap ang girlfriend dahil wala silang pasok pareho kinabukasan. Mas mahabang oras sana silang magkaka-video call pero napawi rin agad ang dismaya niya nang maalalang bihira naman mamasyal si Seulgi doon. Katwiran ng girlfriend ay masyadong mahal ang bayad sa uber at magastos kung sa labas siya kakain.

 

 

 

 

Pagka-reply niya sa message ay nagpaka-busy na lang siya sa paglilinis at pagre-rearrange ng furnitures sa unit. Isa ito sa naging hobby ni Joohyun nang manirahan magisa. Usually ginagawa niya ito to take her mind off of stress o di kaya naman ay pag namimiss niya si Seulgi. Magandang way of distraction din

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
889 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
341 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
889 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
889 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.