82
Elesi
“Irene.” Mahinang sabi ni Seulgi.
Para namang pinipilipit ang puso ni Irene. Dahan dahan niyang tinignan si Seulgi. Ang laki ng pinayat nito. Inisip ni Irene kung kumakain ba siya ng tama.
“Seulgi..” Panibagong luha na naman ang nagbabadyang malaglag sa mga mata niya. Di siya makagalaw at nakakapit lang si Irene sa frame ng pintuan.
“Sorry.” Sabi ni Seulgi. “Sorry sa ginawa ko.”
Wala pa rin masabi si Irene. Nakatitig lang siya sa mga mata ni Seulgi.
“Pumunta lang ako dito.. para ibigay ‘to.” Nagabot ng box si Seulgi. “Yung.. yung pasalubong ko sayo. Galing Hong Kong.”
Naalala naman ni Irene ang lahat nung narinig niyang binanggit ni Seulgi yung Hong Kong.
‘’Ano ‘to?” Tanong ni Irene.
“Sapatos, saka keychain, saka dam—”
“I mean, ano ‘to?” Pagsabat ni Irene. “Ano nangyari? Bakit ganun? Ano ‘to, Seulgi? Ano tayo?”
Pumikit lang si Seulgi at tumingin sa lapag. “Sorry, Irene.”
“Sorry?” Di makapaniwala si Irene. “Sorry na lang? Yun lang masasabi mo?”
Umiling si Seulgi at umatras. “Andiyan na din yung.. yung pasalubong ko para sa iba.”
Tumalikod si Seulgi at hinabol siya ni Irene. “Seulgi!”
Naglakad na si Seulgi. “SEULGI!” Sigaw ni Irene.
Tumigil si Seulgi sa paglalakad. “Irene, I’m sorry. Hindi pa ako ready. Pahinga muna tayo. Aayusin ko muna sarili ko.”
Kinuha ni Irene yung box at binato niya yun kay Seulgi.
"Tangina mo, Seulgi!" Galit na sabi ni Irene. Dirediretso ang bagsak ng luha niya. "Tatakbo ka na naman!"
Di humarap sa kanya si Seulgi. Pero hindi rin siya umalis.
"Hindi pwede yung ganyan na naman ang gagawin mo. Hindi pwedeng basta basta mo na lang ako iiwan nang wala man lang explanation!" Wala nang pakialam si Irene kung sino makarinig sa kanila. "Tapos ano, ie-expect mo na mag aabang lang ako sayo? Na tatanga lang ako sa kawalan habang inaayos mo sarili mo? Bull ka."
"Hindi kita hihintayin mag grow up, Seulgi. Tapos na tayo. Ayoko na."
Bumuntong hininga si Seulgi at humarap siya kay Irene. Sobrang lungkot ng mga mata niya at muntik nang bawiin ni Irene yung mga sinabi niya.
"Okay." Tumango si Seulgi. "I love you, Irene. I'm sorry."
At hindi na siya lumingon ulit nung nag lakad siya palabas ng gate.
Isang buwan na ang nakalipas simula ng huling mag usap si Irene at Seulgi.
Nabalitaan ni Irene na hindi nag papansinan si Seulgi at ang mga kaibigan niya. Ito na siguro ang pinakamatagal na panahong magkakagalit sila. Tanging si Wendy lang daw ang kumakausap kay Seulgi pero tungkol lang sa kailangan sa apartment. Madalas din daw na hindi umuuwi si Seulgi at di nila alam kung saan siya pumupunta.
Si Irene naman, parang bigla siyang namanhid. Ang bilis ng pangyayari, kay
Comments