8
Elesi
Chineck muna ni Seulgi yung itsura niya sa salamin bago siya nag text kay Rosé na nandun na siya sa labas.
Isa isa nang lumabas yung mga miyembro ng #BOGUM_OUT at sumakay na si Rosé sa harap.
“Sey, dun ka sa likod.” Utos ni Seulgi. “Para dito uupo si Irene.”
“Wag ka ngang malandi.”
“Hi, Seulgi.” Malaki ang ngiti ni Jennie at binalik niya rin yun.
“Hi classmate.” Bati ni Seulgi sa kanya. Isa isa nang sumakay yung iba.
“Si Joy, Jisoo, Nayeon, Sana.” Pakilala ni Rosé.
“Hello, good eve po.”
“Hi, Seulgi.” “Hello po.” “Hi.” “Cute mo naman.”
“Haliparot ka talaga, Sana.”
“Bakit natin dadaanan si Miss Irene?” Tanong ni Seulgi. “Bakit di niyo kasama?”
“May kadate pa eh.” Sagot ni Joy.
Medyo nalungkot dun si Seulgi. Medyo lang.
“Oki.”
Huminto na si Seulgi kung saan sinabi ni Jennie at iniintay na nila lumabas si Irene.
Paglabas ni Irene, napa-wow si Seulgi nang bahagya.
Grabe naman, Birheng Maria. Napakaganda mo pala talaga.
"Grabe naman Irene!" Sigaw ni Joy. "Sa ganda mong yan? Tangina talagang Bo-"
Nanahimik bigla si Joy dahil nilakihan siya ng mata ni Irene.
"Boses na 'to napaka lakas." Biglang bawi ni Joy. "Sabi ko nga Joy tatahimik ka na eh."
Nagtatawanan lang yung mga sakay ni Seulgi habang siya ay tahimik at paminsang sinisilip si Irene.
Parang hindi ganun kalaki yung ngiti niya kaya medyo nag worry si Seulgi. Medyo lang.
"Baba na kayo dito, ipapark ko lang."
"Thank you, Seulgi!" Sabay sabay nilang sabi.
"Cute mo talaga." Pahabol ni Sana.
"Punyeta ka talaga Sana."
"Asan na si Seulgi?"
"Lisa text mo na nga." Sabi ni Wendy habang umoorder si Yves.
"Bakit ako lagi tagatext?"
"Eh ikaw lagi may load eh." Sagot ni Wendy. "Kala mo naman may jowa ka."
"Alam mo, Wendy minsan masakit na yung mga sinasabi mo."
"Tantanan mo na 'ko. Text mo na si Seul."
To: bobong tanga 1
nasan ka hinahanap ka na ng nanay mo
From: bobong tanga 1
sabihin mo kay wendy wag sya agit, sunod na si rosa otw nako jan
From: bobong tanga 1
tangina marse napaka ganda ni irene gusto ko na lang umiyak
From: bobong tanga 1
na lambot tuhod ko pre parang inlove na ata ako
From: bobong tanga 1
chos. pero pwdi. pero dipindi
To: bobong tanga 1
andami mong alam
To: bobong tanga 1
jan jennifer?
Dumating na si Seulgi at nagasaran pa muna sila. Di sila matagal nag intay sa order dahil regular naman sila sa spot na yun.
"Jeongyeon para sayo 'to isa kang alamat." Inangat ni Seulgi yung baso niya. "Sana masarap ulam mo lagi."
Sa kabilang spot naman, si Irene ang bida.
Comments