71

Elesi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

 

Anim na buwan simula ng makipagbreak si Tzuyu kay Seulgi.

 

Unti unti na siyang nakakabangon. Hindi na siya araw araw mag inom. Pumapasok na siya ulit sa mga klase niya. Hindi na siya naninigarilyo. Winasak na ni Tzuyu ang puso niya; hindi na siya papayag na wasakin din ni Tzuyu ang buhay niya.

 

 

 

 

 

 

 

 

Okay na si Seulgi. Malapit na siya mag move on. Basta hindi lang sila ulit magkikita. Napakalaki naman din ng campus kaya kaya naman siguro ni Seulgi na iwasan siya sa susunod na mga taon hanggang grumaduate sila.

 

Yun lang naman ang solusyon na naiisip ni Seulgi. Iwasan na lang. Takbuhan. Wag nang isipin pa. At i-remind ang sarili niya na okay na siya. Kung uulit ulitin naman kasi ang isang bagay, eventually masasanay ka na. Kaya paulit ulit lang na sinasabi ni Seulgi sa harap ng salamin bawat umaga na masaya na siya, dahil kung uulit ulitin niya lang na sabihin yun, baka isang araw maging totoo na.

 

Malapit na bumalik sa normal ang lahat. Tapos na ang kalbaryo, oras na para maghilom ang puso ni Seulgi. Anim na buwan na rin ang lumipas. Nasanay na rin siya sa mga biglang kirot ng puso niya sa tuwing may maalala siya tungkol kay Tzuyu.

 

 

Okay na ako. Masaya na ako. Okay na ako. Masaya na ako. Okay na ako. Masaya na ako.

 

 

Paulit ulit lang.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Nagaaral si Seulgi magisa sa living room ng hatinggabi nang biglang tumunog ang phone niya. Napatalon naman siya sa gulat at sinamaan ng tingin ang unknown caller na tumatawag sa kanya. Agad niyang kinancel ito.

 

Tumunog ulit ito at pinatay din ni Seulgi kaagad.

 

Nung tumawag ulit ng pangatlong beses, sinagot na niya.

 

“Hello, wag ka nga mag prank call at nag aaral ak—”

 

 

 

 

“Seulgi.”

 

 

 

Parang binuhusan si Seulgi ng malamig na tubig. Mahina at mabagal ang boses niya, pero para kay Seulgi, wala nang mas lilinaw pa nung marinig niya ulit ang boses na yun pagkatapos ng ilang buwan.

 

 

 

“Tzuyu.”

 

 

 

“Seulgi..” Kilalang kilala na ni Seulgi si Tzuyu kaya alam na niya agad na lasing na ito. “I’m sorry.”

 

 

 

 

Okay na ako. Masaya na ako. Okay na ako. Masaya na ako. Okay na ako. Masaya na ako. Ok—

 

 

 

“Nasaan ka?” Tanong ni Seulgi.

 

“I’m sorry, Seulgi..” Patuloy ni Tzuyu.

 

“Pupuntahan kita.” Tumayo na si Seulgi naghanap ng susi at jacket.

 

“I’m sorry I cheated.” Humihikbi na si Tzuyu. “Hindi ko naman sinasadya eh. I had to.”

 

“You had to?” Biglang natigilan si Seulgi. “So kinailangan mo talagang magcheat sa akin?”

 

“Di mo naiintindihan.. kailangan ko magkaboyfriend.” Patuloy ang pagiyak ni Tzuyu. "Para hindi na ako mahirapan."

 

Napaupo si Seulgi sa upuan.

 

“Nung sinabi ko kay Mama na may nanliligaw sa akin, she was happy. Sabi niya finally daw ay natapos na yung kahibangan ko s-sayo.” Napatigil si Tzuyu dahil hindi na niya na-control ang pag hikbi niya. “Kaya siya nagluwag.”

 

Di na rin napansin ni Seulgi na umiiyak na rin pala siya.

 

“So I had to. I needed to.” Napakapit si Seulgi nang mahigpit sa gilid ng table. “Naging kami, at pinakilala ko siya sa amin.”

 

 

 

 

 

 

 

 

Durog na durog na ang puso ni Seulgi pero parang lalong napipino dahil hindi man lang niya naranasan ang ipakilala sa pamilya ni Tzuyu bilang girlfriend. At pagkatapos pa ng nangyari kay Seulgi at sa nanay ni Tzuyu.. di niya na alam na may mas isasakit pa pala sa sakit na nararamdaman niya.

 

“And nung una, happy naman ako kay Namjoon. He’s sweet and kind..” Pagtuloy ni Tzuyu.

 

“Pero ikaw pa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inyourareuh
maraming salamat sa lahat ng nagbasa, sumuporta, nakibardagol sa cc, nakitawa, nakifeel trip, at sa lahat ng nakarelate.

shoutout sa pizza friends ko love ko kayong lahat!

pero eto ano gusto niyong sabihin naririnig kayo ni pooh ngayon https://curiouscat.qa/inyourareuh

Comments

You must be logged in to comment
jisooseulgii #1
Chapter 130: Niceu ganda
hunters__ #2
Chapter 45: ANG CUTEEE PLS
hunters__ #3
Chapter 42: SHUTAAA HSKWJWJS HUEHUEHUE KILIG
jaangwaang
890 streak #4
Chapter 117: Ayaaaannn naaa. comeback israel naa!
jaangwaang
890 streak #5
Chapter 85: Hay naku seulghoster 🙄
jaangwaang
890 streak #6
Chapter 67: Hay naku bogum tinik ka talaga sa buhay ng seulrene 🙄
jaangwaang
890 streak #7
Chapter 21: rereading kasi nagets ko na sa wakas yung annalise kuting 😭😭😭😭😭
IZk1mjcw
#8
Chapter 21: ANNALISE KUTING 😭😭😭😭😭😭
Kylie_123 #9
Re-reading :DDDD
xantheaverielle
#10
Chapter 130: Will always, always be one of my faves. Laging nasa puso ko 'to. Salamat sa Elesi, author! ❤️‍🩹