68
Elesi
Buong linggo na balisa si Seulgi dahil hindi niya alam kung paano sisimulan ikwento kay Irene yung tungkol kay Tzuyu. Di siya makahanap ng tiyempo at palaging napupurnada ang mga plano niya sa tuwing sisimulan niya i-open yung topic.
Di rin nakatulong na madalas siyang wala sa campus dahil may duty sila sa dalawa niyang major. Bumibisita sila sa mga farm at gumagawa ng iba’t ibang test sa mga baka, baboy, at kambing. Madalas na uuwi sila ni Lisa sa unit 420 na pagod na pagod at amoy bukid.
“Hoy, ikaw maghuhugas ng pinggan ngayon, Lisa.” Sabi ni Wendy paguwi nila.
“Wends, pinasok ko yung kamay ko sa pwet ng baka today, pre.” Sabi ni Lisa. “Hanggang siko, payag ka dun?”
“Putang ina ako na lang pala maghuhugas.”
“Sorry, can’t meet you ulit today.” Sabi ni Irene habang magkausap sila sa phone. “Daming preparations na need para sa Englympics.”
“G lang, ang dugyot ko rin naman lagi gawa ng duty.” Sagot ni Seulgi. “Baka ma-turn off ka sakin.”
“Sus, natatakot ka lang na sabihin sa kanya eh.” Sabi ni Wendy nung nagopen up si Seulgi sa kanila ni Yeri habang kumakain sila ng mami.
“Dapat kasi sinabi mo na lang agad.” Dagdag ni Yeri.
“Oo nga, alam ko na. Paulit ulit naman kayo eh.” Iritang sabi ni Seulgi.
Pero alam niya naman na tama silang lahat. Natatakot talaga siyang sabihin kay Irene. Dapat talaga sinabi na lang niya agad.
Sabado na. Opening ng Englympics at maagang hinatid ni Seulgi si Irene kasama ang ilang mga orgmates ni Irene sa department para sa parade.
“Ang ganda mo naman, crush na kita.” Malambing na sabi ni Seulgi nung natapos na sa make up si Irene.
Napailing lang si Irene. “Org shirt pa lang suot ko, paano pag nag gown na ako?”
“Eh di himlay. Salamat na lang sa lahat.”
Ganap na ganap ang pagiging stage girlfriend ni Seulgi dahil maya’t maya siyang nag aabot ng mga kagamitan na kakailanganin ni Irene at nagpi-picture gamit ang camera ni Lisa na hiniram niya.
Nakatutok lang si Seulgi kay Irene buong parade at medyo hindi pa rin siya makapaniwala na girlfriend niya nga pala yung babaeng sobrang ganda na naglalakad at hawak hawak yung banner ng org nila.
Pagkatapos ng parade, lumapit si Irene kay Seulgi. “Dami kang nakuhang magandang shots?”
“Yup.” Masayang tumango si Seulgi. “Sorry na agad kay Minho, sayo lang napapafocus yung camera ko eh.”
“Pwede ka na pala umuwi ha.” Humawak si Irene sa braso niya. “Program na susunod dito eh. Magla-lunch din kami ng mga orgmates ko after kaya kahit di mo na ako sunduin.”
“Okay.”
“Thank you, Seulgi.” Ngumiti si Irene ng malaki. “I love you.”
“I love you.”
<
Comments