54

Elesi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

 

 

 

Halos isang buwan na ang nakalipas nung mag simula ang panibagong sem. Going strong naman ang relasyon ni Irene at Seulgi.

 

Hindi sila masyadong nag aaway, pero may mga di pagkakaintindihan din naman sila. Minamabuti lang nilang pagusapan ang problema kaysa patagalin pa.

 

Every week din silang may rant session sa isa't isa kung saan pupunta sila sa 7-11, bibili ng tig-dalawang can ng beer, at mag uusap nang walang hinoholdback. Gumagana naman so far dahil mabilis na naaagapan ang mga pwedeng pag ugatan ng away.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Grabe, sobrang banayad ng relationship niyo tol." Napailing na lang si Rosé habang nagpipili sila ng bola sa PE nila na basketball.

 

"Oo nga eh." Napangiti si Seulgi. "Sobrang match kami, Sey."

 

"Sana all, Banayad Whisky ang relasyon." Malungkot na sabi ni Yves. "Parang nanlalamig na si Kim Lip sa akin."

 

"Bakit naman?"

"Feel ko lang."

 

Biglang lumapit si Lisa. "Hoy, chismisan pa kayo, nakatingin na satin si ma'am."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

February. Excited na si Seulgi sa Valentine's Day, kakapatak pa lang ng a-uno. Excited siya lalo dahil tuwing February, may Karnabal, isang week-long event kung saan may mga booth ang mga org, mga palaro, tumutugtog na mga banda, mga singing contest, kainan, rides, at iba pang pwedeng gawin gabi gabi. 

 

"Hoy, mag ra-rides tayo ha!" Masayang sabi ni Seulgi habang naglalakad sila papuntang parking ng dept.

 

"Relax ka lang, wala pa ngang nagseset up." Mahinahong sabi ni Irene.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Irene!" 

 

Napalingon sila parehas sa kumakaway na mga orgmate ni Irene. 

 

"Dito pa pala kayo!" Sabi ni Irene. "Akala ko na sa McDo na kayo."

 

"Ito mga ka meeting mo?" Tanong ni Seulgi. 

 

"Yup."

"Sabay mo na, hatid ko kayo."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Uy, Minho." Tumawag si Irene. "Sabay na daw kayo sa.. sa friend ko."

 

Nagsalubong ang kilay ni Seulgi. 

 

Friend? 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Tahimik lang si Seulgi buong byahe habang nagkekwentuhan si Irene at mga orgmates niya. Pagdating nila sa McDo, pinauna na ni Irene sila Minho sa loob.

 

"Thank you, Seulgi." Matamis ang ngiti ni Irene. "Sundo mo ako?" 

 

"Okay." Binalik niya ang ngiti. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Di na ininda masyado ni Seulgi yung friend comment ni Irene pero unti unti niyang napapansin na affectionate lang si Irene sa kanya kapag kasama ang mga kaibigan nila. Okay lang naman dahil hindi rin siya talaga ma-PDA pero sa mga orgmates ni Irene, mga ka group, at mga kaibigan na wala sa circle nila, palaging "friend" ang tawag sa kanya at parang friend nga lang din kung ituring siya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Legal kayo ni Bogum, 'no?" 

 

Napatigil si Irene sa pagkain niya ng noodles. First time na sabihin ni Seulgi yung pangalan ni Bogum. 

 

"Yup, bakit?" 

 

"Tapos kilala siya ng mga kaibigan mo? Bukod kila Jennie?" Nakatitig lang si Seulgi sa tinidor niya. 

 

"Oo."

"Mga orgmates?" 

 

Tumango si Irene. "Bakit?" 

 

"Wala lang."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Buong araw naging cold si Seulgi kay Irene at kahit na naglalambing siya at paulit ulit na nag tatanong kung anong problema, laging "Wala." ang sagot ni Seulgi. 

 

Nainis na si Irene. "Mag lalakad na lang ako pa-dept. Kita na lang tayo bukas."

 

"Bakit?"

 

Pero tumayo na si Irene at lumabas na sa kinakainan nila. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Irene, saglit lang, ilalabas ko yung kotse." Nag hahabol na sabi ni Seulgi. 

 

"Wag na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inyourareuh
maraming salamat sa lahat ng nagbasa, sumuporta, nakibardagol sa cc, nakitawa, nakifeel trip, at sa lahat ng nakarelate.

shoutout sa pizza friends ko love ko kayong lahat!

pero eto ano gusto niyong sabihin naririnig kayo ni pooh ngayon https://curiouscat.qa/inyourareuh

Comments

You must be logged in to comment
jisooseulgii #1
Chapter 130: Niceu ganda
hunters__ #2
Chapter 45: ANG CUTEEE PLS
hunters__ #3
Chapter 42: SHUTAAA HSKWJWJS HUEHUEHUE KILIG
jaangwaang
889 streak #4
Chapter 117: Ayaaaannn naaa. comeback israel naa!
jaangwaang
889 streak #5
Chapter 85: Hay naku seulghoster 🙄
jaangwaang
889 streak #6
Chapter 67: Hay naku bogum tinik ka talaga sa buhay ng seulrene 🙄
jaangwaang
889 streak #7
Chapter 21: rereading kasi nagets ko na sa wakas yung annalise kuting 😭😭😭😭😭
IZk1mjcw
#8
Chapter 21: ANNALISE KUTING 😭😭😭😭😭😭
Kylie_123 #9
Re-reading :DDDD
xantheaverielle
#10
Chapter 130: Will always, always be one of my faves. Laging nasa puso ko 'to. Salamat sa Elesi, author! ❤️‍🩹