30
Elesi
MGA BOBONG ANAK NI MOMMY WENDS
Lisa: guys gud eve ehehehe
Yeri: Ano na naman Lisa
Rosé: Uutang na naman yan. Wala kaming pera tanga
Lisa: di aq uutang kapatid usto niyo libre ko pa keu heheh
Yves: usto kong suntukin ka sa dede
Wendy: Ano meron?
Seulgi: may sakit ka ba tall bakit bigla bigla kang nag aaya ng libre
Yeri: Lisa wag mo akong hinahamon pupunta talaga akong East
Wendy: Yerms, dalhin mo HD mo pag punta mo dito. Pakopya ako Grey's.
Lisa: uu nga.... tara sagot ko na dinner bili ako ng sizzling bangus
Yves: g loadie wala na rin ako pera
Seulgi: ulol ves kakakita ko lang sa inyo ni kimlip sa max?
Yves: ayon nga kaya wala na q pera
Rosé: Tangina alam ko na yan, wag kayo nagpapaniwala diyan kay Lisa yung tigpipisong chichiryang Sizzling Bangus bibilhin niyan
Yeri: Ahahahahahahaha putang ina mo
Wendy: Hahahahahahahaha
Lisa: hindi gags seryoso good mood aq hehe
Seulgi: ay puta alam ko na kung bat ganyan yan
Wendy: Bakit?
Seulgi: lisa kasama mo jennie no
Lisa: hihihi secret
Yeri: Ay alam
Rosé: Yak
Wendy: Naol.
Lisa: oy mga tanga hindi
Yves: weh
Lisa: uu nga,, pero nag kiss na kami wihihihihi
Yeri: Naol may kinikiss
Yves: ako na lang kiss mo
Yeri: Kiss mo paa ko
Seulgi: awtz
Lisa: ano bangus g ba
Rosé: Easthold ba kayo pre? Pauwi na ako baka may maabutan akong di kanaisnais
Monday.
"Hoy, ikaw ha." Biglang sabi ni Seulgi habang kumakain sila ni Irene.
Naging gawain na ng dalawa na maglunch pagkatapos ng Physics lab class nila.
"Ano?" Taas kilay na tanong ni Irene.
"Akala mo nakalimutan ko na yung pustahan natin?" Tinuro ni Seulgi si Irene gamit ang tinidor niya. "Samgyup ko, asan na?"
"Ah." Natawa si Irene. "Oo nga pala. Sige sa sabado ng gabi. Uuwi ka ba?"
"Hindi. Siguraduhin mo yan ah." Kumain na ulit si Seulgi. "Hindi ako mag dadala ng wallet sa Sabado ng gabi."
"Oo na."
"Ano?!" Halos sumigaw si Lisa. "Single na si Irene?"
"Wag kang maingay!" Sabi ni Jennie.
"Kailan pa?" Tanong ni Lisa.
"Matagal na." Tinitigan ni Jennie si Lisa. "So, ano ba. May balak ba si Seulgi or what? Kasi it's been months. Wala pa rin usad."
"Ha, ano naman connect ni Seulgi." Kabadong tanong ni Lisa habang tumatawa.
"Sus, wag ka na mag kunwari, I know everything." Tumawa si Jennie habang nag ro-roll ng mata.
"Sinabi sayo ni Sey?"
"Hindi, nakutuban ko lang."
"Wala nang plano si Seul." Sabi ni Lisa. "Nakamove on na yun eh. Straight naman daw din kasi si Irene."
"Di tayo sure." Tumawa si Jennie.
"Sure ba tayo na hindi, though?" Biglang naging seryoso si Lisa.
Comments