3

Elesi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

 

 

 

"Umay, bhie nakakairita." Bati ni Seulgi pag kadating na pagkadating niya sa apartment.

 

"Umay talaga ng mukha mo, nakakairita." Sagot ni Yves.

 

"Tanggap ka?" Tanong ni Yeri galing sa kabilang kwarto. 

 

"Yup! Kaso nga lang! Kaklase ko si Birheng Maria, tol!" Di na nacontain ni Seulgi ang inis niya at umupo siya sa tabi ni Wendy. "Wends sayo 'tong pancit canton? Penge."

 

"Sige lang. Ano, inaya mo mag square?" Tanong ni Wendy.

 

"Sobrang ganda niya talaga, gags. Gusto kong ayain magpa kasal." Bumuntong hininga si Seulgi. "Pero nakakainis pa rin siya."

 

"Ano pangalan?" Tanong ni Yves. "Search ko."

 

"Irene."

 

"Irene ano?" Tinignan ni Yves si Seulgi.

 

"Irene Baby Ko." Ngumiti si Seulgi kay Yves.

 

"Putangina mo talaga, Seulgi. Wala kang kwenta."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Hapon na nakauwi si Lisa sa apartment. "Ayoko na mag Vet Med bwiset napakadami agad pinagawa!" 

 

"Hala, pano mo na aalagaan 'tong si Yeri?" Concerned na tanong ni Seulgi.

 

"Bakit ako papaalaga diyan?" Nakairap na tingin ni Yeri. 

 

"Eh hayop ka eh." 

 

"Ulol."

 

 

 

 

 

 

 

 

Nag di-dinner ang roommates na si Jennie at Rosé sa labas nang biglang may kumaway sa kanila galing sa labas. 

 

"Rosie, friends mo ata." Turo ni Jennie.

 

Pumasok si Yves, Wendy, Seulgi, at Lisa sa loob ng kainan at lumapit sa dalawa. 

 

"Sakto buti nakita ka namin. Rosé, ito na yung handouts para bukas." Nagabot si Seulgi ng mga papel kay Rosé. "Dinamay na kita, kakapaprint lang namin eh."

 

"Thanks, bait mo naman." Ngiti ni Rosé sabay turo sa katabi niya. "Roomie ko pala, si Jennie. Jen, friends ko. Wendy, Yves, Seulgi, Lisa."

 

"Kayo ba yung blocmates na laging nagaaya kay Rosie uminom?" Tanong ni Jennie na parang nanay na nanghuhuli. 

 

"Ay hindi po." Sagot ni Wendy. "Agri po ako." 

 

"EE po ako, madam. Di kami nag iinom. Mga Vet Med lang po malakas mag inom eh." Sagot ni Yves at tumuro kay Lisa at Seulgi.

 

"Choco shake lang po iniinom namin." Pagdedeny ni Seulgi. 

 

"Relax, I was just asking." Tumawa si Jennie. 

 

"Sabi ko na eh." Biglang sabi ni Lisa. 

 

Tumingin sila lahat sa kanya at tumuro siya kay Jennie. "Hoy, ikaw yung bumangga sa akin kanina, di ba?" 

 

Nanlaki yung mata ni Jennie. "Oh my god. Ikaw yung tatanga-tangang biglang tumigil sa gitna ng hallway!" 

 

"Tara na." Biglang hinila ni Wendy si Lisa dahil parang gusto niya pang sumagot. "Bye, Rosé! See you!" 

 

"Sey, yung hoodie ko ha." Pahabol ni Seulgi. 

 

"Oo na." Kumaway si Rosé. "Wag kayo papalate bukas ha."

 

 

 

 

 

 

 

 

"Si Lisa pala yung kinwkwento mo sakin kanina." Natatawang sabi ni Rosé pagalis ng mga kaibigan niya. "Kinikilabutan ako, Jen. Bakit kasi yung pagkakadescribe mo, tall and 'annoyingly hot'? San banda yung hot?" 

 

"Hindi na, annoying na lang ngayon." Sagot ni Jennie. "Good thing hinila ako agad kanina ni Rene, kung hindi baka nag eskandalo na kami sa hallway."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sa kabilang dako naman ng campus, si Irene ay nag di-dinner na rin sa apartment nila. 

 

"Joy, tawagan mo na si Sana." Tawag ni Irene. "Tanong mo kung dito siya sa apartment magdidinner."

 

"Hindi daw, kakatext lang." Sagot ng roommate niya. "May meeting sa org."

 

"First day pa lang, meeting na agad?" Dudang tanong ni Irene. "May binebebe na naman ba yan?" 

 

"Mukha. Lam mo naman kapag Econ, malandi." Sagot ni Joy. "Samantalang ako, wala pa rin mabingwit."

 

"Wag ka kasi mangisda sa college mo." Natatawang sagot ni Irene. "Mag landi ka sa GE courses. Ayaw mo kasing mangkausap eh. Naturingang Dev Comm ang course, wala naman palang communication skills."

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inyourareuh
maraming salamat sa lahat ng nagbasa, sumuporta, nakibardagol sa cc, nakitawa, nakifeel trip, at sa lahat ng nakarelate.

shoutout sa pizza friends ko love ko kayong lahat!

pero eto ano gusto niyong sabihin naririnig kayo ni pooh ngayon https://curiouscat.qa/inyourareuh

Comments

You must be logged in to comment
jisooseulgii #1
Chapter 130: Niceu ganda
hunters__ #2
Chapter 45: ANG CUTEEE PLS
hunters__ #3
Chapter 42: SHUTAAA HSKWJWJS HUEHUEHUE KILIG
jaangwaang
893 streak #4
Chapter 117: Ayaaaannn naaa. comeback israel naa!
jaangwaang
893 streak #5
Chapter 85: Hay naku seulghoster 🙄
jaangwaang
893 streak #6
Chapter 67: Hay naku bogum tinik ka talaga sa buhay ng seulrene 🙄
jaangwaang
893 streak #7
Chapter 21: rereading kasi nagets ko na sa wakas yung annalise kuting 😭😭😭😭😭
IZk1mjcw
#8
Chapter 21: ANNALISE KUTING 😭😭😭😭😭😭
Kylie_123 #9
Re-reading :DDDD
xantheaverielle
#10
Chapter 130: Will always, always be one of my faves. Laging nasa puso ko 'to. Salamat sa Elesi, author! ❤️‍🩹