120

Elesi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

Mabilis lang na nagdaan ang mga buwan. Naisip nila Seulgi na baka ganun talaga, dahil ayaw pa nilang harapin na g-graduate na ang halos lahat sa kanila sa susunod na sem.

 

Nagulat na lang sila lahat dahil panahon na naman para magpa-picture sa Christmas tree.

 

Wala ang usual na kaingayan at lokohan ng Greenwich Meridian dahil iisa lang ang na sa isip nilang lahat: ito na ang last time na makakapag papicture tayo nang sama sama.

 

 

 

 

"Oh, yung mag ex muna!" Malakas ang tawa ni Nayeon habang pilit na pinagtatabi si Wendy at Joy. "Ano, Joy, ha? Kala mo ikaw lang pwede mangganyan?"

 

 

 

Nung kumakain na silang lahat, kinalabit si Seulgi ni Irene. "Seulgi, wala ba talaga kayong planong pagayusin yung dalawa?"

 

Sumubo muna si Seulgi bago siya sumagot. "Well, alam naman namin na para kay Wendy, si Joy pa rin. Pero.."

 

"Pero?"

 

Nagkibit balikat na lang si Seulgi. "Di nila ako pinilit na makipagbalikan sayo nun kahit na alam nila na mahal pa rin kita. So, nirerespeto lang din namin yung desisyon ni Wends."

 

"Ah, sa things." Tumango si Irene. "Pero yun.. Malapit na kasi tayong mag hiwahiwalay ng landas. Ayoko lang na magkaregrets sila."

 

 

 

 

 

Dahil busy ang karamihan sa mga thesis at experiments nila, di na rin sila nakapag huling sem ender. 

 

Nagdaan na ang Pasko at bagong taon nang hindi pa rin nakakapagusap nang maayos si Wendy at Joy. 

 

Si Seulgi naman, binisita si Irene sa Davao pagtapos ng New Year. Halos dalawang linggo siyang namalagi dun at sabay na silang bumalik sa campus nang magsimula na namang ang bagong sem.

 

 

 

 

Tulad ng nagdaan na mga buwan, mabilis din na nangalahati ang sem. Di na sila madalas magkita kita dahil busy na ang iba sa kanya kanyang mga responsibilities.

 

 

 

 

 

 

"Sino nga gagawan natin ng tarp?" Bulong ni Rosé habang nakatitig sa laptop screen niya.

 

"Kaya mo na ba, Sey?" Sagot ni Seulgi. "Ready ka na bang iwan na nila tayo?"

 

"Ang arte mo, dalian mo na!"

 

Nagisip muna si Seulgi at saka nagbilang sa kamay niya. "Yeri. Wendy. Jennie. Joy. Nayeon. Jisoo. Sana. Dahyun. Jeongyeon."

 

", parang di ko pa nga ata kaya." Malungkot na nilapag ni Rosé ang ulo niya sa lamesa. "Ang daming mawawala."

 

 

 

 

Dulo na ng sem. Yung mga graduating ay naitawid na ang mga exams, final papers, defense, at kung ano ano pa na binatong requirement sa kanila. Confirmed na magma-martsa na talaga sa June.

 

Bago nag inuman sa East, nag iyakan muna sila. Ang pinakamatinding feels trip na ginawa nila.

 

Sa simula, wala naman talagang planong umiyak sila Seulgi, Rosé, Lisa, at Yves dahil napagkasunduan nila na babawas bawasan na nila ang pagdadrama. Pero di na nila kinaya nung nag simulang maghabilin si Wendy.

 

"Oh, tapos si Yves, lagi niyong sasabihan na mag hugas ha.." 

 

"Wends, lagi na ako maghuhugas. Magpapakabait na ako." Pagngawa ni Yves. 

 

"Yerms, wala ba kayong goodbye stage ni Saeron?" Singit ni Lisa sa kalagitnaan ng dramahan.

 

"Tangina mo." Sagot ni Yeri. "Pero.. alam niyo ba, parehas kami ng papasukan sa med school."

 

Magsasalita pa sana si Seulgi pero naunahan na siya ni Yeri. "Oo, Seul. Naguusap na kami ulit. Nagkakamabutihan na nga ata ulit? Ewan. Pero maayos na kami parehas. Masaya ako ngayon."

 

"Tanginang yan, congrats, Yerms!" Hinampas ni Lisa ang likod ni Yeri. "Bogs endgame naman pala, sulit ang apat na taon! Sulit ang loyalty card!"

 

Ngumiti na lang din si Yeri kahit na panay ang asar sa kanya ng mga kaibigan niya. "Ganito pala yung feeling pag di ka laging sawi. Masaya naman pala."

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inyourareuh
maraming salamat sa lahat ng nagbasa, sumuporta, nakibardagol sa cc, nakitawa, nakifeel trip, at sa lahat ng nakarelate.

shoutout sa pizza friends ko love ko kayong lahat!

pero eto ano gusto niyong sabihin naririnig kayo ni pooh ngayon https://curiouscat.qa/inyourareuh

Comments

You must be logged in to comment
jisooseulgii #1
Chapter 130: Niceu ganda
hunters__ #2
Chapter 45: ANG CUTEEE PLS
hunters__ #3
Chapter 42: SHUTAAA HSKWJWJS HUEHUEHUE KILIG
jaangwaang
890 streak #4
Chapter 117: Ayaaaannn naaa. comeback israel naa!
jaangwaang
890 streak #5
Chapter 85: Hay naku seulghoster 🙄
jaangwaang
890 streak #6
Chapter 67: Hay naku bogum tinik ka talaga sa buhay ng seulrene 🙄
jaangwaang
890 streak #7
Chapter 21: rereading kasi nagets ko na sa wakas yung annalise kuting 😭😭😭😭😭
IZk1mjcw
#8
Chapter 21: ANNALISE KUTING 😭😭😭😭😭😭
Kylie_123 #9
Re-reading :DDDD
xantheaverielle
#10
Chapter 130: Will always, always be one of my faves. Laging nasa puso ko 'to. Salamat sa Elesi, author! ❤️‍🩹